30/05/2026
𝗨𝗦𝗧𝗣 𝗖𝗹𝗮𝘃𝗲𝗿𝗶𝗮 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗼𝗿𝗸, 𝗣𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗠𝗴𝗮 𝗟𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗛𝘂𝗯𝗼𝗴 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻
Isa sa mga pinakamahalagang susi sa pagkamit ng mga layunin ay ang matatag na pakikipagkapwa at pakikipagtuwang sa iba.
Taos-pusong nagpapasalamat ang Department of Social Work ng USTP Claveria sa mga Lokal na Pamahalaan, sa pamamagitan ng kanilang mga Municipal at City Social Welfare and Development Offices (MSWDO at CSWDO), sa kanilang napakahalagang suporta, pakikipagtulungan, at pagtugon sa panawagan ng aming institusyon sa pagsasanay at paggabay sa aming mga social work interns sa kanilang Social Work Field Practice.
Lubos naming pinahahalagahan ang inyong walang sawang suporta, malasakit, at pag-aaruga sa aming mga mag-aaral na nagsasanay upang maging ganap na lingkod ng bayan at propesyonal sa larangan ng paglilingkod panlipunan.
Buong-puso rin kaming nagpapasalamat sa mga kasalukuyang pinuno at opisyal ng mga lokal na pamahalaang ito sa kanilang pakikipagkaisa at pagbubukas ng oportunidad para sa makabuluhang kolaborasyon sa pagitan ng akademya at komunidad.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at malasakit, patuloy nating hinuhubog ang mga susunod na henerasyon ng mga social worker na handang maglingkod nang may integridad, kahusayan, at pagmamahal sa kapwa.
𝕷𝖆𝖌𝖎’𝖙 𝖑𝖆𝖌𝖎, 𝖕𝖆𝖗𝖆 𝖘𝖆 𝖇𝖆𝖞𝖆𝖓 𝖆𝖙 𝕯𝖎𝖞𝖔𝖘.