NFA Bukidnon

NFA Bukidnon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from NFA Bukidnon, Government Website, NFA, Vicente Neri Street, Malaybalay.

We are a government agency under the 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 tasked with ensuring national food security and maintaining an adequate rice buffer stock for distribution during calamities and emergencies.

Munting Handog, Malaking Pangarap: NFA Bukidnon Maramag Warehouse, Kaagapay ng Kabataan sa Brigada EskwelaBilang bahagi ...
05/06/2026

Munting Handog, Malaking Pangarap: NFA Bukidnon Maramag Warehouse, Kaagapay ng Kabataan sa Brigada Eskwela

Bilang bahagi ng patuloy na layunin ng National Food Authority na maghatid ng de-kalidad na serbisyo sa sambayanang Pilipino at suportahan ang mga programa ng pamahalaan, aktibong nakiisa ang mga kawani ng NFA Bukidnon – Maramag Warehouse sa Brigada Eskwela 2026 ng Maramag Central Elementary School.

Sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga school supplies para sa mga mag-aaral na higit na nangangailangan, ipinamalas ng mga kawani ang kanilang malasakit at pakikiisa sa pagsusulong ng edukasyon bilang mahalagang pundasyon ng pag-unlad ng bansa.

Patunay ito na ang serbisyo publiko ay hindi lamang nasusukat sa pagtupad ng mandato, kundi maging sa pakikibahagi sa mga programang naglalayong mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino.🌾




STAY UPDATED with the latest news, programs, announcements, and activities of the National Food Authority.Follow and lik...
05/06/2026

STAY UPDATED with the latest news, programs, announcements, and activities of the National Food Authority.

Follow and like the official page of the 𝐍FA to get verified updates straight from the source.

Your support helps us reach more Filipinos and share important information on rice, food security, and NFA initiatives across the country.

Mula sa Imbentaryo Tungo sa KitaSa pangunguna ng Disposal Committee ng NFA Bukidnon, kasama ang mga kinatawan ng Commiss...
05/06/2026

Mula sa Imbentaryo Tungo sa Kita

Sa pangunguna ng Disposal Committee ng NFA Bukidnon, kasama ang mga kinatawan ng Commission on Audit (COA), matagumpay na naisagawa ang withdrawal ng mga unserviceable empty sacks ng branch na naipagbili sa pamamagitan ng public bidding.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng patuloy na pagsusulong ng transparency, accountability, at mahusay na pamamahala ng mga ari-arian ng pamahalaan. Sa pamamagitan ng maayos na disposal process, ang mga hindi na nagagamit na kagamitan ay nagiging dagdag na halaga at benepisyo para sa ahensya.





Bagong Pamunuan, Iisang Layunin: Mas Matatag na Serbisyo para sa Magsasaka at Sambayanan.Isang mainit na pagtanggap ang ...
01/06/2026

Bagong Pamunuan, Iisang Layunin: Mas Matatag na Serbisyo para sa Magsasaka at Sambayanan.

Isang mainit na pagtanggap ang ipinagkaloob ng mga empleyado ng NFA Bukidnon Branch Office kina Branch Manager Hazel Solis-Hoke at Assistant Branch Manager Mellany Vento bilang mga bagong itinalagang pinuno ng tanggapan.

Sa kanilang pamumuno, inaasahang higit pang mapapalakas ang pagpapatupad ng mga mandato at programa ng ahensya tungo sa mas mapagmalasakit, maaasahan, at tumutugong paglilingkod sa mga magsasaka, at sa sambayanang Pilipino. 🌾





Bagong Yugto, Mas Matatag na Pamumuno.Sa matagumpay na Turn-Over Ceremony ng NFA Region X, pormal na ipinasa ang respons...
01/06/2026

Bagong Yugto, Mas Matatag na Pamumuno.

Sa matagumpay na Turn-Over Ceremony ng NFA Region X, pormal na ipinasa ang responsibilidad sa mga bagong pinuno na magpapatuloy sa adhikain ng mahusay, tapat, at makabuluhang serbisyo publiko.

Isang panibagong kabanata ng pamumuno, pagkakaisa, at dedikasyon para sa mas matatag na seguridad sa pagkain para sa sambayanang Pilipino.





📢 MAAYONG BALITA SA ATONG MGA MAG-UUMA! 🌾📢Sugod karong Hunyo 1, 2026, ang NFA Bukidnon magpadayon sa pagpamalit ug limpy...
01/06/2026

📢 MAAYONG BALITA SA ATONG MGA MAG-UUMA! 🌾📢

Sugod karong Hunyo 1, 2026, ang NFA Bukidnon magpadayon sa pagpamalit ug limpyo ug uga nga humay sa ₱30.00 matag kilo.

Kini usa ka lakang aron mas mapalambo ang kita sa atong mga mag-uuma ug mapalig-on ang lokal nga produksiyon sa humay sa probinsya.

👉 Bisitaha ang pinakaduol nga NFA Buying Station o opisina alang sa dugang kasayuran ug mga kinahanglanong detalye sa pagbaligya sa inyong humay. 🌾





37,828 sako ng palay sa loob lamang ng limang buwan! Patunay ito ng mas pinaigting na pagbili ng palay ng NFA Bukidnon a...
30/05/2026

37,828 sako ng palay sa loob lamang ng limang buwan!

Patunay ito ng mas pinaigting na pagbili ng palay ng NFA Bukidnon at ng matatag na pakikipagtulungan sa mga lokal na magsasaka.🌾





26/05/2026

Ang “BUFFER STOCKING” ng bigas na minandato sa National Food Authority sa bisa ng Rice Tariffication Law (RA11203) ay ang pagpapanatili ng sapat na imbentaryo o reserbang bigas ng gobyerno para magamit sa panahon ng kalamidad, emergency, o kakulangan sa suplay.

Bumibili ang NFA ng palay mula sa lokal na magsasaka Ang binibiling palay ay iniimbak sa mga bodega ng NFA bilang reserve stock.

GAANO KARAMI ANG BUFFER STOCK NG NFA?

Sa kasalukuyang mandato, target ng NFA ang humigit-kumulang 15 days national rice buffer stock.

Ibig sabihin: Bigas para sa emergency consumption ng bansa sa loob ng mga 15 araw.

ILANG PORSYENTO NG KABUUANG ANI NG PILIPINAS ANG KAILANGANG BILHIN NG NFA PARA SA BUFFER STOCKING?

Noong 2024, sa datos ng Philippine Statistics Authority, umabot ang kabuuang palay production ng Pilipinas sa 19.09 million metric tons habang ang procurement ng NFA ay 443,600 metriko tonelada.

Umabot lamang sa 2% hanggang 3% ng kabuuang palay production ng bansa ang direktang nabibili ng NFA.

ANO ANG SISTEMA NG NFA SA PAMIMILI NG PALAY?

Dahil maliit lamang ang bahagi ng kabuuang ani ng bansa na direktang binibili ng NFA, kaya ang nakikita sa sistema nila ay:

- hindi agresibong farmgate procurement,
-walang malawakang hauling operations,
-at modernong drying facilities na direktang kontrolado ng gobyerno.

Sa aktwal na setup, madalas:

-magsasaka pa ang naghahatid ng palay sa buying stations,

-sila rin ang kailangang magpatuyo upang pumasa sa moisture standards,

-habang ang NFA ay limitado lamang sa pagtanggap ng kwalipikadong palay.

Mga Future Engineers ng CMU, Pinatunayan ang Galing sa NFA BukidnonTaglay ang kaalaman at kasanayan sa Structural Engine...
20/05/2026

Mga Future Engineers ng CMU, Pinatunayan ang Galing sa NFA Bukidnon

Taglay ang kaalaman at kasanayan sa Structural Engineering, Construction and Engineering Management, at Geotechnical Engineering, matagumpay na natapos ng limang On-the-Job Trainees mula sa College of Engineering ng Central Mindanao University ang kanilang pagsasanay sa NFA Bukidnon.

Sa ilalim ng Facility Management Department, naging mahalagang katuwang sila sa iba’t ibang MAFIM projects ng ahensya sa pamamagitan ng kanilang teknikal na kaalaman, dedikasyon, at makabagong pananaw sa larangan ng engineering.

Patunay ito na ang husay at kakayahan ng kabataang inhinyero ay may malaking ambag sa pagpapaunlad ng mga pasilidad at imprastraktura ng ahensya para sa mas episyenteng pagseserbisyo sa mamayang Pilipino. 🌾👷






Address

NFA, Vicente Neri Street
Malaybalay
8700

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NFA Bukidnon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share