17/08/2026
📢 Alamin mo Kay SWADO! — UPLIFT UPDATE
“May UPLIFT payout ka pa bang aasahan?”
👉 Para sa Group 2, ang ₱2,000 ay hindi one-time lamang. Ito ay monthly assistance mula July hanggang December 2026.
👉 Importanteng update: Ang July payout ay isinagawa sa pamamagitan ng manual/onsite distribution. Simula August hanggang December, lilipat ang DSWD sa digital payment system para mas mabilis at mas accessible ang payout.
👉 Kaya kung hindi ka nakapunta sa July manual payout, huwag agad isipin na wala ka nang matatanggap. Hintayin at alamin ang opisyal na schedule at paraan ng digital payout para sa inyong lugar. Ang eksaktong status ng bawat beneficiary ay kailangang i-verify sa DSWD.
Pinakaimportanteng paalala:
Hindi kailangang magbayad sa fixer para mapasali o makuha ang UPLIFT. Ang beneficiary list ay batay sa itinakdang identification/validation process ng programa.