BulSUONE

Directions Contact the organization

BulSUONE Progresibo, makamasa, palaban. Championing genuine service, student rights and pro-people leadership in BulSU since 2015.

BulSUONE is the sole recognized socio-political organization by BulSU Office of Student Organizations that aims to engage and empower BulSUans through providing inclusive and quality projects to fortify the community. Similarly, BulSUONE hones and develops the skills of every student leader to be active agents of social justice and to take part in every Student Government election. (BulsuOne Constitution and By-Laws: Article I, Section II)

Vision

BulSU-ONE as a recognized socio-political organization having unified members, sharing the common task of generating potent intellectual social upheavals, that shall holistically deliver the core essences of good leadership, and public service, which shall raise the welfare of the general public to more apparent platforms. Mission

It is BulSU-ONE's mission to promote among the studentry a fundamental sense of righteousness and derive positive social difference through socio-political advocacies. Moreover, it is the organization's mission to support and steward the welfare of the students while instilling into them to be purposeful in venturing into moral and rational undertakings.

HEALTH BREAK SURVEY ON BULSUANS’ PREFERRED DATESa gitna ng mga hamon ng midterms, quizzes, at nagbabadyang pagsusumite n...
11/09/2026

HEALTH BREAK SURVEY ON BULSUANS’ PREFERRED DATE

Sa gitna ng mga hamon ng midterms, quizzes, at nagbabadyang pagsusumite ng mga academic requirements, mahalagang mapakinggan ang kalagayan ng bawat BulSUans.

Sa pamamagitan ng Health Break Sensing Form na ito, nais nating malaman ang mga nararanasan ng mga BulSUans ngayong midterms week. Magsisilbi rin itong paraan upang malaman ang inyong academic concerns, partikular na tungkol sa academic deadlines, at kung kailan natin nais ganapin ang Health Break.

Magsisilbi itong batayan sa mga susunod nating hakbang sa pagsusulong ng kapakanan ng mga BulSUans.

I-scan ang QR code sa ibaba o pumunta sa link na ito upang ma-access ang Google Form:

https://tinyurl.com/26jn47k2
https://tinyurl.com/26jn47k2
https://tinyurl.com/26jn47k2


UPDATE | OPISYAL NA ULAT HINGGIL SA PAKIKIPAG DAYALOGO NG BULSUONE SA BULSU ADMINKakatapos lamang ng ating pakikipag-ugn...
09/09/2026

UPDATE | OPISYAL NA ULAT HINGGIL SA PAKIKIPAG DAYALOGO NG BULSUONE SA BULSU ADMIN

Kakatapos lamang ng ating pakikipag-ugnayan sa administrasyon ng Bulacan State University. Bagama't nilinaw nilang non-negotiable ang suspensyon ng mga klase, ayon na rin sa datos na ipinasa ng Student Government patungkol sa percentage ng attendance ng BulSUans. narito ang mga mahahalagang hakbang na ating nakamit para sa kapakanan ng mga mag-aaral:

1. Espesyal na Pagsusulit at Deadlines. Maglalabas ang administrasyon ng memorandum upang ilipat sa susunod na linggo ang lahat ng special exams. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay nito ngayong linggo. Ipinagbabawal din sa mga propesor na humingi ng karagdagang requirements bago makakuha ng special exam ang isang mag-aaral. Magkakaroon din ng pangkalahatang pag-urong sa mga academic deadlines.

2. Evacuation Sites. Inaprubahan at maaari nang gamitin ang mga evacuation sites sa loob ng campus para sa mga estudyanteng hindi makauwi at nangangailangan ng ligtas na masisilungan.

3. Health Break. Na-secure natin ang pagkakaroon ng Health Break. Kasalukuyan na itong pinoproseso, ngunit hindi pa tiyak kung maipapatupad ito agad sa susunod na linggo.

4. Tulong sa Transportasyon. Bukas ang administrasyon na ikonsidera ang pagbibigay ng transportasyon sakaling mas lumala pa ang sitwasyon at pagbaha.

Batid nating hindi ito ang buong aksyon na inaasahan dahil hindi natin nakamit ang kabuuang suspensyon, ngunit ang mga kompromisong hakbang na ito ay iginiit natin upang mabigyan ng agarang kaligtasan ang ating mga mag-aaral. Patuloy nating babantayan ang mabilisang paglabas at implementasyon ng memorandum na ito.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang ating mahigpit na panawagan at paggigiit para sa tunay na ACADEMIC EASE. Manatili sa mga ligtas na lugar at patuloy na mag-update sa inyong mga pamilya.


PORMAL NA NAIHAIN SA BULSU ADMINISTRASYON ANG PANAWAGAN NG BULSUANS PARA SA GENUINE NA ACADEMIC EASESa patuloy na pagbah...
09/09/2026

PORMAL NA NAIHAIN SA BULSU ADMINISTRASYON ANG PANAWAGAN NG BULSUANS PARA SA GENUINE NA ACADEMIC EASE

Sa patuloy na pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Bulacan dahil sa Habagat, marami sa ating kapwa BulSUans ang hirap makapasok. May mga bahay na lubog sa baha, nawalan ng kuryente at signal, at may mga kalsadang hindi na madaanan. Mas malala, limitado o wala nang masakyang pampublikong transportasyon sa ilang lugar.

Hindi lahat ng estudyante ay may ligtas na paraan para makapunta sa campus. May mga kailangang lumusong sa baha, maghintay nang ilang oras sa kalsada, o gumastos nang higit sa kanilang kaya para lamang makarating sa unibersidad. May ilan ding hindi makapag-coordinate sa kanilang professors dahil wala silang kuryente, internet, o signal.

Hindi dapat maging kaparusahan ang pagiging biktima ng kalamidad. Kaya nananawagan ang BulSUONE sa Administration na:

• Agad na suspendihin ang klase at iba pang mandatory on-site activities.
• I-reschedule ang mga pagsusulit at bigyan ng sapat na extension ang mga academic requirements.
• Ipatupad ang tunay na academic leniency para sa lahat ng apektadong estudyante.
• Tanggalin ang kondisyon na kailangan pang makipag-coordinate sa professor para lamang mabigyan ng konsiderasyon ang mga estudyanteng hindi makapasok dahil sa kalamidad.

Sa mahigit 2,000 pirma at patuloy na nadaragdagan, malinaw ang panawagan ng mga BulSUans:

Kaligtasan ng estudyante ang unahin, ACADEMIC EASE NOW!


‎ACADEMIC EASE, NOW! SIGN THE PETITION!‎‎Sa patuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng habagat, maraming estudyante sa bula...
08/09/2026

‎ACADEMIC EASE, NOW! SIGN THE PETITION!
‎
‎Sa patuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng habagat, maraming estudyante sa bulacan ang kasalukuyang humaharap sa mga binahang tahanan, kawalan o hindi stable na kuryente, limitadong pampublikong transportasyon, at mga rutang hindi ligtas daanan.
‎
‎Sa kabila nito, patuloy pa ring isinasaalang-alang ang pagpapatuloy ng mga klase at malalaking academic assessments upang mahabol ang itinakdang academic calendar.
‎
‎Pero sa puntong ito, tungkol na ito sa kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante.
‎
‎Kaya nananawagan kami sa administrasyon ng Bulacan State University at sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na agarang magpatupad ng academic ease measures, kabilang ang pagsususpinde ng mga klase at malalaking academic assessments hanggang sa maging mas ligtas at maayos ang sitwasyon.
‎
‎Kung naniniwala kang karapatan ng bawat estudyante na maging ligtas, makapagpahinga, at mapagtuunan ang kanilang pamilya at sariling kalagayan sa panahon ng krisis, mmakiisa sa panawagan at lagdaan ang ating petisyon.
‎
‎Lagdaan ang petisyon:
https://c.org/cTq7ZGbQTt
https://c.org/cTq7ZGbQTt
https://c.org/cTq7ZGbQTt

Story Blast:
https://drive.google.com/file/d/1U5jx1_hyek9HTxfHxBlJ6X1tq3FIgCIP/view

‎
‎
‎

PERO NHAY, AMININ MOH... SOBRANG OUT OF TOUCH NG BULSU ADMIN!Sa likod ng linyang ito ay ang nakakagalit na reyalidad na ...
07/09/2026

PERO NHAY, AMININ MOH... SOBRANG OUT OF TOUCH NG BULSU ADMIN!

Sa likod ng linyang ito ay ang nakakagalit na reyalidad na dinanas ng mga Iskolar ng Bayan kanina.

Libu-libong estudyante ang napilitang lumusong sa baha, makipagsiksikan sa mga terminal, at mag-abang ng masasakyan kahit paralisado na ang mga kalsada. Ang iba ay stranded hanggang ngayon sa labas ng campus at sa mga highway—basang-basa, pagod, at gutom—lahat para lang hindi maiwan sa Midterm Exams.

Paano makikipag-ugnayan ang isang estudyanteng stranded, nasa bubong, walang kuryente, at walang signal? Hindi isinasalba ng pag-susuot ng sibilyang damit ang mga estudyante mula sa baha, sakit, at peligro. Nakakapagod na ang mga mag-aaral pa ang kailangang mag-adjust at bumuhat sa kakulangan ng situational awareness ng mga nasa pwesto.

Kaya naman, mariin nating iginigiit ang mga sumusunod na panawagan para sa kaligtasan ng lahat:

1. AGARANG SUSPENSYON NG ONSITE EXAMS - Itigil ang pamimilit sa face-to-face Midterm Examinations habang hindi pa ligtas at normal ang transportasyon sa buong lalawigan.

2. TUNAY NA ACADEMIC EASE - Ipagpaliban muna ang mga major exams at i-urong ang deadlines ng lahat ng academic requirements. Sa gitna ng krisis kung saan marami ang binaha at walang kuryente o signal, ang kailangan ng mga estudyante ay tunay na palugit upang unahin ang kanilang kaligtasan at tuluyang makabangon.

3. KONSIDERASYON, HINDI KONDISYON - Alisin ang makatwirang pabigat na "coordination with professors" para sa mga biktima ng sakuna na walang access sa internet at kuryente. Sila ay biktima, hindi dapat parusahan.

Ang tunay na konsiderasyon ay hindi naglalagay sa buhay ng estudyante sa alanganin para lamang masunod ang isang academic calendar.

Sa mga kapwa natin BulSUans na stranded, pagod, at apektado ng pamimilit na ituloy ang on-site exams ngayon—mag-ingat kayo palagi, mag-update sa mga pamilya, at humanap ng ligtas na masisilungan.

Buhay at kaligtasan muna bago ang kalendaryo!


UPDATE | BULSUONE CALLS FOR IMMEDIATE SAFETY MEASURES AMID CONTINUOUS RAINSSa gitna ng patuloy na malakas na pag-ulan at...
07/09/2026

UPDATE | BULSUONE CALLS FOR IMMEDIATE SAFETY MEASURES AMID CONTINUOUS RAINS

Sa gitna ng patuloy na malakas na pag-ulan at banta ng pagbaha sa iba't ibang bahagi ng Bulacan, nananawagan ang BulSUONE, kasama ang mga student representatives, sa Pamantasan at sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na magpatupad ng agarang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Kinikilala namin ang mga hakbang ng mga kinauukulang institusyon. Gayunman, sa kasalukuyang kondisyon, kinakailangan ang mas maagap at konkretong pagtugon, lalo na para sa mga estudyanteng apektado ng pagbaha at limitadong transportasyon.

Kaugnay nito, hinihiling namin ang:

1. Agarang pagsuspinde ng mga klase at aktibidad kung kinakailangan, batay sa lagay ng panahon at kaligtasan ng mga mag-aaral;

2. Pagkakaloob ng libreng sakay para sa mga estudyanteng na-stranded at nangangailangan ng ligtas na transportasyon;

3. Pagbubukas ng angkop na pasilidad bilang pansamantalang accommodation para sa mga hindi ligtas na makauwi;

4. Pagbibigay ng naaangkop na prophylactic measures at serbisyong pangkalusugan sa mga batang at estudyanteng nalusong sa baha; at

5. Mas maagap na koordinasyon ng Pamantasan, Pamahalaang Panlalawigan, at mga lokal na pamahalaan para sa mga apektadong estudyante.

Sa panahon ng matinding pag-ulan at pagbaha, hindi dapat malagay sa panganib ang mga mag-aaral upang lamang makapasok o makauwi. Hinihiling namin ang maagap, koordinado, at makataong pagtugon ng mga kinauukulang institusyon.

Ang kaligtasan ng mga mag-aaral ay dapat laging pangunahing konsiderasyon!



Access the full petition letter here:

https://tinyurl.com/3fjbd6h4

UPDATE | PANAWAGAN NG BULSUANS, PORMAL NANG INIHARAP SA PROVINCIAL GOVERNMENT OF BULACANPormal nang inihain ng BulSUONE ...
07/09/2026

UPDATE | PANAWAGAN NG BULSUANS, PORMAL NANG INIHARAP SA PROVINCIAL GOVERNMENT OF BULACAN

Pormal nang inihain ng BulSUONE ang Urgent Petition for Executive Intervention sa Provincial Government of Bulacan, na nananawagan para sa agarang suspensyon ng tertiary classes sa buong lalawigan sa gitna ng matinding pagbaha.

Sa petition, inilatag ang mga konkretong concerns at panawagan ng mga estudyante:

• Agarang suspensyon ng tertiary classes sa buong Bulacan habang hindi pa ligtas at normal ang kondisyon ng mga komunidad at transportasyon;
• Proteksyon sa kaligtasan at mobility ng mga estudyante, lalo na ang mga mula sa mga lugar na patuloy na binabaha, may impassable roads, at limitado ang public transportation;
• Hindi pagpapasan sa calamity-affected students ng responsibilidad na sila lamang ang maghanap ng academic accommodation, lalo na kung wala silang kuryente, signal, o internet upang makapag-coordinate sa kanilang professors;
• Pag-iwas sa hindi pantay na academic environment kung saan mas napapaboran ang mga estudyanteng may ligtas na access sa campus habang nahihirapan ang mga direktang naapektuhan ng kalamidad;
• Pakikipag-ugnayan sa CHED at higher education institutions upang maisaalang-alang ang nararapat na interventions sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon.

Ang panawagang ito ay hindi laban sa edukasyon o academic continuity. Hinihiling lamang namin na sa panahon ng krisis, magkaroon ng pantay na konsiderasyon para sa mga estudyanteng direktang naaapektuhan.

Patuloy naming hihintayin ang tugon ng Provincial Government of Bulacan at ipagpapatuloy ang panawagan para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat BulSUan at Bulakenyong kabataan.

Access the full petition letter here: https://tinyurl.com/4x632anc


UPDATE | NA-ACKNOWLEDGE NA. TUGON, HINIHINTAY PA RIN.Pormal nang kinilala ng Administrasyon ng Unibersidad ang inihain n...
06/09/2026

UPDATE | NA-ACKNOWLEDGE NA. TUGON, HINIHINTAY PA RIN.

Pormal nang kinilala ng Administrasyon ng Unibersidad ang inihain na apela ng BulSUONE kagabi at ng mga lumagda nitong kinatawan ng mga estudyante para sa muling pagsasaalang-alang sa kasalukuyang kaayusan ng Midterm Examinations at pagpapatupad ng tunay na Academic Ease.

Gayunpaman, hanggang ngayon ay wala pa ring konkretong tugon o desisyon mula sa Administrasyon. Buong magdamag na naghihintay ang mga estudyante ng malinaw na direksyon, lalo na’t nagsimula na ang itinakdang panahon ng Midterm Examinations at marami pa ring BulSUans ang patuloy na nakararanas ng epekto ng mga nagdaang kalamidad.

Sa ganitong panahon, hindi maaaring maisantabi ang kalagayan ng mga estudyante. Nailalagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan kapag hindi sapat na isinasaalang-alang sa mga desisyon ang aktuwal na sitwasyong kanilang kinakaharap. Hindi lamang akademikong pangangailangan ang dapat bigyang-pansin, kundi pati ang kanilang kaligtasan, kakayahang bumiyahe, at access sa mga kinakailangang kagamitan at serbisyo.

Habang hinihintay natin ang magiging tugon ng Administrasyon, hinihikayat namin ang lahat ng BulSUans na mag-ingat sa pagpunta at pag-uwi sa pamantasan. Maging mapagmatyag sa lagay ng panahon at mga daanan, lalo na sa mga lugar na patuloy na binabaha, mahirap daanan, o may limitadong pampublikong transportasyon.

Patuloy nating hinihintay ang konkretong tugon.
Patuloy din nating ipaglalaban ang nararapat na Academic Ease para sa bawat BulSUan.


UPDATE | BULSUONE FILES AN URGENT APPEAL FOR RECONSIDERATION OF JOINT MEMORANDUM NO. 21, S. 2026Matapos ilabas ang Joint...
06/09/2026

UPDATE | BULSUONE FILES AN URGENT APPEAL FOR RECONSIDERATION OF JOINT MEMORANDUM NO. 21, S. 2026

Matapos ilabas ang Joint Memorandum No. 21, S. 2026 na nagtatakda ng face-to-face at on-site Midterm Examinations mula September 7 hanggang 13, pormal na naghain ang BulSUONE, kasama ang mga student representatives, ng isang urgent appeal para sa reconsideration ng nasabing direktiba.

Kinikilala ng BulSUONE ang mga hakbang na inilaan ng Administrasyon para sa mga estudyanteng hindi makadadalo sa pagsusulit. Ngunit sa kasalukuyang sitwasyon, naninindigan kami na hindi sapat ang mga ito upang maituring na tunay na Academic Ease.

Hindi leniency ang pag-aatas sa mga estudyanteng direktang naapektuhan ng kalamidad na makipag-coordinate pa sa kanilang mga propesor upang makakuha ng special examination—lalo na kung marami sa kanila ay kasalukuyang walang kuryente, signal, internet, o maayos na paraan upang makipag-ugnayan.

Hindi rin sapat ang pagpapahintulot sa civilian attire kung ang pangunahing problema ay mga binahang lugar, impassable roads, disrupted transportation, at panganib sa pagbiyahe.

Higit sa lahat, hindi dapat maging batayan ng patas na academic assessment ang kung sino ang may kakayahang makapunta sa campus at kung sino ang kailangang manatili sa kanilang mga komunidad upang harapin ang epekto ng kalamidad.

Kaya naman nananawagan ang BulSUONE para sa genuine academic leniency—isang konsiderasyong hindi lamang ipinapasa sa indibidwal na estudyante, kundi isang institusyonal na tugon na kumikilala sa aktuwal na kalagayan ng buong student body.

Sa ating apela, hinihiling namin ang:
• Pagtanggal sa indibidwal na requirement na makipag-coordinate sa professors para sa mga estudyanteng naapektuhan ng kalamidad;
• Pagpapaliban ng Midterm Examinations upang mabigyan ang mga estudyante ng sapat na panahon para makabawi at makapaghanda;
• Pagpapatupad ng online, flexible, o alternative examination modalities;
• Tunay na academic ease para sa mga estudyanteng kailangang unahin ang kanilang kaligtasan, tahanan, pamilya, at pagbangon mula sa kalamidad; at
• Proactive at flexible academic arrangements mula sa mga kolehiyo at faculty, sa halip na ipaubaya sa mga estudyante ang buong responsibilidad na maghanap ng paraan upang makasunod sa kasalukuyang schedule.

Access the full petition letter here: https://tinyurl.com/5n85u5vc


KALENDARYO BA O ANG BULSUAN? HINDI ITO ANG HINIHINGI NG MGA ESTUDYANTE!Mariin nating pinupuna ang hakbang ng administras...
06/09/2026

KALENDARYO BA O ANG BULSUAN? HINDI ITO ANG HINIHINGI NG MGA ESTUDYANTE!

Mariin nating pinupuna ang hakbang ng administrasyon sa paglalabas ng Joint Memorandum No. 21, S. 2026. Sa kabila ng ating pormal na petisyon at pagkalampag para sa makatarungang konsiderasyon, ipinag-utos ng pamantasan na ituloy ang Midterm Examinations sa pamamagitan ng face-to-face o on-site modality mula Setyembre 7 hanggang 13.

Pahihintulutan nga ang pagsuot ng civilian attire mula Setyembre 7 hanggang 13 para sa mga estudyante, ngunit liliwanagin natin: HINDI ITO ANG HINIHINGI NG MGA ESTUDYANTE! Hindi damit ang pangunahing problema ng mga BulSUan kundi ang kaligtasan sa pagbiyahe at ang kawalan ng sapat na oras upang makapag-aral matapos bahain ang kani-kanilang mga tahanan.

Nakasaad sa inilabas na memo na ang mga estudyanteng labis na naapektuhan ng baha, nasirang kalsada, at hirap sa transportasyon ay maaaring kumuha ng special examination nang walang academic penalty. Subalit, ibinato lamang ng administrasyon ang bigat at pasanin sa mga estudyante dahil sila pa ang inatasan na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga propesor para sa special exam arrangements. Paano makikipag-ugnayan ang mga estudyanteng kung walang signal, kuryente, o internet connection?

Kalendaryo ba o ang BulSUan? Ang tunay na academic leniency, inuuna ang safety! Ang pagpupumilit na ituloy ang on-site na pagsusulit para sa mga nakakapasok diumano ay nagdudulot lamang ng hindi patas na sitwasyon, kung saan naiiwan ang mga biktima ng kalamidad na kailangan pang magmakaawa para sa konsiderasyon.
Hindi ganito ang tunay at makataong Academic Ease. Hindi tayo titigil hangga't hindi nakakamit ang institusyonal na konsiderasyon na patas para sa lahat.

TAMA NA ANG BINGI-BINGIHAN! ACADEMIC EASE NOW!



Address

Malolos

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BulSUONE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BulSUONE:

Shortcuts

Share