31/05/2026
Sa paglipas ng isang taong panunungkulan, hindi lamang mga proyekto at programa ang aming naisakatuparan, kundi mga karanasang humubog sa amin bilang mga kabataang lider ng Bulacan at lingkod ng aming kapwa estudyante.
Bilang mga ๐ฟ๐๐ซ๐๐จ๐๐ค๐ฃ ๐๐๐๐๐ง๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ช๐ฅ๐ง๐๐ข๐ ๐๐๐๐ค๐ฃ๐๐๐ง๐ฎ ๐๐๐๐ง๐ฃ๐๐ง ๐๐ค๐ซ๐๐ง๐ฃ๐ข๐๐ฃ๐ฉ (๐ฟ๐๐๐๐๐) ๐พ๐ค๐ข๐ข๐๐ฉ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐๐จ, ๐พ๐ค-๐๐๐๐๐จ, naging bahagi kami ng isang paglalakbay na puno ng hamon, sakripisyo, dedikasyon, at makabuluhang serbisyo para sa kabataan. Sa pitong komiteng nagsilbing puso ng ibaโt ibang gawain at adbokasiya, pinatunayan nating ang tunay na pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa posisyon, kundi sa malasakit, pagkakaisa, at kahandaang maglingkod para sa nakararami.
Hindi naging madali ang pagsabayin ang tungkulin bilang lider-estudyante at ang mga responsibilidad sa akademiko at personal na buhay. Maraming pagkakataong kinailangan nating magsakripisyo ng oras, pahinga, at sariling kagustuhan upang maisakatuparan ang bawat layunin at programang inilaan para sa kapwa kabataan. Gayunpaman, sa kabila ng pagod at pagsubok, pinili pa rin nating tumindig at magpatuloy.
Bawat pagpupulong, proyekto, gawain, at ang pagtutulong-tulong ng bawat isa ay naging bahagi ng isang makabuluhang kwento ng paglilingkod at pamumuno. Ang bawat tagumpay ng ating mga komite ay bunga ng sama-samang pagkilos, pagtutulungan, at paniniwalang may kakayahan ang kabataan na maging instrumento ng pagbabago.
Sa mga susunod na hahawak bilang ๐ฟ๐๐ซ๐๐จ๐๐ค๐ฃ ๐๐๐๐๐ง๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ช๐ฅ๐ง๐๐ข๐ ๐๐๐๐ค๐ฃ๐๐๐ง๐ฎ ๐๐๐๐ง๐ฃ๐๐ง ๐๐ค๐ซ๐๐ง๐ฃ๐ข๐๐ฃ๐ฉ (DFSSLG) ๐พ๐ค๐ข๐ข๐๐ฉ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐๐จ at ๐พ๐ค-๐๐๐๐๐จ, nawaโy ipagpatuloy ninyo ang kultura ng pagkakaisa, pananagutan, at tapat na paglilingkod. Higit kailanman, kailangan ng kabataan ang mga lider na handang makinig, kumilos, at tumindig para sa kapakanan ng nakararami.
Ngayon, habang unti-unti naming binababa ang mga posisyong minsang naging bahagi ng aming pagkatao bilang mga lider-estudyante, dala-dala naman namin ang mga alaala, aral, at karanasang mananatili habambuhay, lalo ang nabuong pagkakaibigan sa loob ng isang taong panunungkulan.
๐ฟ๐๐ซ๐๐จ๐๐ค๐ฃ ๐๐๐๐๐ง๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ช๐ฅ๐ง๐๐ข๐ ๐๐๐๐ค๐ฃ๐๐๐ง๐ฎ ๐๐๐๐ง๐ฃ๐๐ง ๐๐ค๐ซ๐๐ง๐ฃ๐ข๐๐ฃ๐ฉ (๐ฟ๐๐๐๐๐) ๐พ๐ค๐ข๐ข๐๐ฉ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐๐จ ๐๐ฃ๐ ๐พ๐ค-๐๐๐๐๐จ ๐.๐. 2025โ2026, now officially signing off. โจ
๐ฉ๐จ๐บ๐ป๐จ ๐ฉ๐ผ๐ณ๐จ๐ฒ๐ฌ๐ต๐๐ถ, ๐ต๐ผ๐ด๐ฌ๐น๐ถ ๐ผ๐ต๐ถ! โ๐ป๐
๐ฉ๐จ๐บ๐ป๐จ ๐ป๐น๐ฌ๐บ, ๐ซ๐จ ๐ฉ๐ฌ๐บ๐ป! ๐
Disenyo ni:
Jan Margaret Asis | DFSSLG Publication and Media Communication Head & Naomi Tolentino | Publication and Media Committee Member
Kapsyon ni:
Dhyrene Ann C. Nuรฑesco | DFSSLG Communication Committee Co-Head