10/05/2022
“ I have fought the good fight,I have finished the race,I have kept the faith “ - 2 Timothy 4:7
Dumating na tayo sa dulo ng laban na ito at magkasama nating inilaban ito.
Walang nasayang, walang nawala dahil lahat ay buong Puso natin binigay.💜
Hindi man Tagumpay sa mata ng tao Pero nakasisigurado ako na Tagumpay ito sa mata ng Diyos dahil ginawa mo ang lahat ng malinis, tapat at may mapagkumbabang loob.💜
Atin na lamang babalikan at papahalagahan ang lahat ng ating mga naging karanasan sa laban na ito.
Mas marami tayong natanggap kesa sa nawala.
Bagong mga kaibigan na ngayon ay Kapamilya na.
Sa lahat ng ito mas nangibabaw ang saya. 💜
Maraming Maraming Salamat po sa lahat ng sumuporta, nagmahal at tumindig sa amin.
Kayo po ang naging kalakasan at inspirasyon namin.
Sa aming mahal na Team GF, sa lahat ng mga taong bumubuo nito unang-una na kay Mayor Bebong at Pastor Erick, lubos po ang pasasalamat namin at paghanga sa inyo. 💜
Sa aming mga volunteers Team Forever, maraming maraming Salamat dahil kasama
namin kayo mula sa simula hanggang sa huli, mahal namin kayo 💜
At sa lahat ng nagtiwala, naniwala at nagkaloob ng suporta at tulong sa amin, sa aming mga pamilya, kamag anak , kaibigan, at sa inyong lahat na ipinagkatiwala ang 1 mahalaga ninyong boto, Maraming Maraming Maraming Salamat po.
Sa Diyos ang Pasasalamat, sa Diyos ang Papuri 💜
Mahal namin kayong lahat,
Kapitan Ver San Pedro at Kapitana Sheryl Albania San Pedro ( Barangay Lugam)