05/08/2026
๐๐๐ฅ๐จ๐ฅ๐รฑ๐๐ฐ๐ฌ: 30 mag-asawa sa Malolos, tumanggap ng insentibo sa pagdiriwang ng kanilang Ginintuang Anibersaryo ng Pag-iisang Dibdib.
Nakatanggap ng โฑ5,000 na insentibo ang 30 mag-asawa ngayong ika-5 ng Agosto 2026 sa ilalim ng programang "Ginintuang Anibersaryo ng Pag-iisang Dibdib" na ginanap sa 5th Floor, City Social Welfare and Development Office (Extension Office) ng Bagong Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
Ang programa ay ipinatutupad ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ni Mayor Abgdo. Christian D. Natividad, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) โ Population Welfare Division, alinsunod sa Kautusang Panlungsod Blg. 12-2023, na nagbibigay ng insentibo sa mga kuwalipikadong mag-asawang nagdiriwang ng kanilang ika-50 anibersaryo ng kasal at naninirahan sa Lungsod ng Malolos.
Ayon kay Population Program Officer IV Joemari S. Caluag, Layunin ng programa na bigyang pagkilala ang mga mag-asawang nagdiriwang ng kanilang ika-50 anibersaryo ng kasal bilang modelo ng mga pamilya sa Lungsod ng Malolos. Aniya, sa kabila ng tagal ng kanilang pagsasama at ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan, nananatili silang magkasama at nagsisilbing huwaran para sa iba pang mga pamilya sa lungsod.
Samantala, ibinahagi ng mag-asawang Teresita Toralba at Ronald Toralba, na kabilang sa mga benepisyaryo, na malaking tulong ang natanggap nilang insentibo para sa kanilang maintenance at iba pang gastusin sa bahay. Ayon sa kanila, kapwa sila walang benepisyo kaya't malaki ang maitutulong ng naturang insentibo sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang ordinansang ito ay sumasakop sa mga permanenteng naninirahan sa Lungsod ng Malolos nang hindi bababa sa anim (6) na taon, ngunit pansamantalang naninirahan sa ibang lugar dahil sa trabaho, hangga't ang isa sa mag-asawa ay nananatiling naninirahan sa lungsod hanggang sa ipagdiwang ang ika-50 taong anibersaryo ng kanilang kasal.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa mga nais magpasa ng aplikasyon, ang mga sumusunod ang kwalipikasyon upang makatanggap ng insentibo ayon sa ordinansang nabanggit:
a. Ikinasal nang naaayon sa umiiral na batas ng Pilipinas at ang nasabing kasal ay nakarehistro sa City Civil Registrar (CCR) ng Lungsod ng Malolos;
b. Ang kasal ay legal at umiiral nang limampung (50) taon mula sa pagkakarehistro ng nasabing kasal sa City Civil Registrar (CCR);
c. Para sa mga Muslim at katutubong legal ang pag-aasawa ng higit sa isa, ang unang kasal na nakarehistro sa City Civil Registrar (CCR) ang makatatanggap ng kaukulang insentibo;
d. Bago ang pagbibigay ng insentibo, marapat lamang na walang naging bahagi ng paghihiwalay ang mag-asawa sa buong panahon ng kanilang pagsasama; at
e. Kung sa kasalukuyan ay pumanaw na ang kabiyak ng naturang kwalipikadong mag-asawa na nakapagdiwang na ng ika-50 taong anibersaryo, kinakailangang magsumite ng Death Certificate.
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Ang kwalipikadong mag-asawa ay maaaring magsumite ng orihinal na kinakailangang mga dokumento sa Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad โ Dibisyon ng Kagalingang Pangpopulasyon. Kung hindi na kayang personal na magtungo ng kwalipikadong mag-asawa sa naturang tanggapan, maaaring magsumite ang kanilang anak o ang pinakamalapit na kamag-anak, kung wala silang anak.
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
a. PSA CENOMAR ng mag-asawa;
b. Barangay Residency; at
c. Sinumpaang Salaysay ng Paninirahan nang higit sa anim (6) na taon.
๐๐๐๐๐๐๐
Para sa mga mag-asawang magdiriwang ng kanilang ika-50 anibersaryo ng kasal mula Hulyo hanggang Disyembre 2026ay maaari nang ipaalam ang kanilang pangalan sa kanilang Barangay Population Worker. Para naman sa mga mag-asawang magdiriwang ng kanilang ika-50 anibersaryo ng kasal sa taong 2027 ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa kanilang barangay upang maisama ang kanilang pangalan sa profiling.