Bulacan Police Provincial Office

Bulacan Police Provincial Office This is the Official page of the Bulacan Police Provincial Office
(9)

31/08/2026

PNP MESSAGE ON NATIONAL HEROES DAY 2026

On National Heroes Day, the Philippine National Police joins the nation in honoring the men and women whose sacrifices helped secure the freedoms and opportunities that Filipinos enjoy today.

Their stories remind us that love of country is demonstrated not only in moments of great sacrifice, but also in everyday acts of responsibility, courage, and service to others.

As public servants, we in the PNP draw inspiration from their example as we continue our mission of keeping communities safe, maintaining peace and order, and earning the trust and confidence of the people.

As we remember our heroes, may we also reflect on how each of us can contribute to nation-building in our own way.

Sa paggunita sa kanilang kabayanihan, nawa'y magsilbi itong paalala na ang pagmamahal sa bayan ay naipapakita sa tapat at makabuluhang paglilingkod sa kapwa.

Mabuhay ang ating mga Bayani. Mabuhay ang sambayanang Pilipino.

PGEN JOSE MELENCIO C. NARTATEZ, JR.
Chief, Philippine National Police

31/08/2026
6 WANTED PERSONS, NASAKOTE SA WARRANT OPERATION NG BULACAN PNPCamp General Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan | Augus...
31/08/2026

6 WANTED PERSONS, NASAKOTE SA WARRANT OPERATION NG BULACAN PNP

Camp General Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan | August 31, 2026 — Anim (6) na indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest ang naaresto ng mga operatiba ng Bulacan Police Provincial Office sa pinaigting at magkakasabay na operasyon laban sa mga wanted persons noong Agosto 30, 2026.

Batay sa ulat, isinagawa ang mga operasyon ng iba't ibang yunit ng Bulacan PNP, kabilang ang, Meycauayan CPS na nakapag-aresto ng apat (4); San Jose Del Monte CPS, isa (1); at Bulakan MPS, isa (1).

Ang mga naarestong indibidwal ay nahaharap sa iba't ibang kasong kriminal at isinailalim sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso para sa kanilang paghaharap sa mga korte na may hurisdiksyon.

Sa ilalim ng pamumuno ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, patuloy na pinaigting ng Bulacan PNP ang operasyon laban sa mga wanted persons at ang agarang pagpapatupad ng mga nakabinbing warrant of arrest bilang bahagi ng kampanya para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

Muling nananawagan ang Bulacan PPO sa publiko na makipagtulungan sa kapulisan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon na makatutulong sa pagtunton at pag-aresto sa mga indibidwal na may pananagutang kriminal. Patuloy ang Bulacan PNP sa pagpapatupad ng batas at paghahatid ng Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman tungo sa isang mas ligtas at mapayapang Bulacan.

ROBBERY SUSPEK, TIKLO NG BOCAUE PNPCamp General Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan — Mabilis na naaresto ng mga awtor...
31/08/2026

ROBBERY SUSPEK, TIKLO NG BOCAUE PNP

Camp General Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan — Mabilis na naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki suspek na sangkot umano sa kasong Robbery matapos umanong pasukin at pagnakawan ang tahanan ng isang police officer sa AFP/PNP Housing, Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan noong Agosto 30, 2026.

Batay sa ulat ni PLTCOL GILBERT CAOLE DIAZ, Hepe ng Bocaue MPS, kinilala ang suspek na isang 32 taong gulang na lalaki at residente rin ng AFP/PNP Housing, Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan.

Ayon sa imbestigasyon, natuklasan ng biktima na nasira ang doorknob ng kanyang tahanan at nawawala ang isang tablet na nagkakahalaga ng Php 7,000 at humigit-kumulang Php 10,000 cash. Sa pagsusuri ng CCTV footage, nakita umano ang suspek na pumasok at lumabas sa naturang bahay habang dala ang tablet.

Matapos magsagawa ng pagtatanong sa mga residente at matukoy ang tirahan ng suspek, hinarap ito ng biktima at naibalik ang umano’y ninakaw na tablet. Agad na inaresto ang suspek at dinala sa Bocaue MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Ang suspek ay isinailalim sa physical examination, habang inihahanda ang kaukulang reklamong kriminal para sa pagsasampa sa Office of the Provincial Prosecutor sa Malolos City, Bulacan.

Samantala, muling iginiit ng Bulacan Police Provincial Office, sa ilalim ng pamumuno ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director, ang patuloy na pagpapaigting ng kampanya laban sa kriminalidad at ang mabilis na pagtugon sa mga insidente upang matiyak ang kaligtasan at kapanatagan ng bawat mamamayan ng Bulacan.

BABY, ISINILANG SA LOOB NG PATROL CAR MEYCAUAYAN CITY, Bulacan — Sa gitna ng pagbaha dulot ng Habagat, isang buntis ang ...
31/08/2026

BABY, ISINILANG SA LOOB NG PATROL CAR


MEYCAUAYAN CITY, Bulacan — Sa gitna ng pagbaha dulot ng Habagat, isang buntis ang ligtas na nakapagsilang sa loob mismo ng police patrol car habang siya ay dinadala ng mga pulis sa ospital.

Nagsasagawa ng flood monitoring at traffic assistance ang mga tauhan ng Meycauayan City Police Station nang humingi ng tulong ang babae. Dahil mahirap makakuha ng masasakyan bunsod ng baha, agad siyang isinakay kasama ang kanyang asawa sa police service vehicle.

Habang nasa biyahe, tuluyan nang nanganak ang babae kaya agad umalalay ang mga pulis hanggang sa ligtas na maisilang ang sanggol. Kalaunan ay naihatid din ang mag-ina sa ospital para sa kaukulang medical care. Ligtas at stable ang mag-ina, ayon sa PNP.

Pinuri ni PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mabilis na pagresponde ng mga pulis. Sa Central Luzon, patuloy naman ang direktiba ni PRO3 Regional Director PBGEN Jess B. Mendez na manatiling handa at maagap ang kapulisan sa pagtulong sa mga komunidad na apektado ng baha at masamang panahon.

Source: Philippine National Police
Police Regional Office 3
Bulacan Police Provincial Office

BABY, ISINILANG SA LOOB NG PATROL CAR


MEYCAUAYAN CITY, Bulacan — Sa gitna ng pagbaha dulot ng Habagat, isang buntis ang ligtas na nakapagsilang sa loob mismo ng police patrol car habang siya ay dinadala ng mga pulis sa ospital.

Nagsasagawa ng flood monitoring at traffic assistance ang mga tauhan ng Meycauayan City Police Station nang humingi ng tulong ang babae. Dahil mahirap makakuha ng masasakyan bunsod ng baha, agad siyang isinakay kasama ang kanyang asawa sa police service vehicle.

Habang nasa biyahe, tuluyan nang nanganak ang babae kaya agad umalalay ang mga pulis hanggang sa ligtas na maisilang ang sanggol. Kalaunan ay naihatid din ang mag-ina sa ospital para sa kaukulang medical care.

Ligtas at stable ang mag-ina, ayon sa PNP.

Pinuri ni PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mabilis na pagresponde ng mga pulis. Sa Central Luzon, patuloy naman ang direktiba ni PRO3 Regional Director PBGEN Jess B. Mendez na manatiling handa at maagap ang kapulisan sa pagtulong sa mga komunidad na apektado ng baha at masamang panahon.

Source: Philippine National Police
Police Regional Office 3
Bulacan Police Provincial Office


31/08/2026

CITY OF MEYCAUAYAN — Isang buntis ang tinulungan ng mga operatiba ng Meycuayan PNP na makapanganak ng ligtas sa loob ng isang mobile patrol car sa kabila ng kasagsagan ng lakas ng buhos ulan at mabilis na pagtaas ng tubig baha nu’ng Linggo (Agosto 30). Base sa ulat, bandang ala-1 ng madaling ara...

31/08/2026

Heavy rains brought by the enhanced southwest monsoon affected more than 8.1 million people, the Office of Civil Defense said yesterday.

30/08/2026

Address

Malolos
3000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bulacan Police Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category