PIA Bulacan

Directions Website Contact the organization

PIA Bulacan The Official page of Philippine Information Agency (PIA) Bulacan Information Center

The Philippine Information Agency was created by virtue of Executive Order 100 dated December 24, 1986. It is tasked to establish and maintain regional and provincial information centers to identify community needs for use in planning and providing communication programs and services; plan and implement information programs of national scope; and provide assistance to government agencies through capability-building and consultancy services. It primarily serves the Presidency, the Executive Branch and Local Government Units with the ultimate goal of empowering the Filipino people.

Pinangunahan ng DSWD Field Office 3 ang distribution ng UPLIFT Disaster Assistance - Emergency Cash Transfer (ECT) sa ba...
23/10/2026

Pinangunahan ng DSWD Field Office 3 ang distribution ng UPLIFT Disaster Assistance - Emergency Cash Transfer (ECT) sa bayan ng San Luis, Pampanga.

Ang payout activity ay ginanap sa Don Emigdio Bondoc Convention Center kung saan naipamahagi sa 1,311 na benepisyaryo ang financial assistance na ₱5,400 na may kabuuang halagang ₱7,079,400.

📷 DSWD FO 3


23/10/2026

𝐏𝐁𝐁𝐌: 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐑𝐈𝐓𝐈𝐊𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐑𝐋𝐀𝐂 𝐂𝐈𝐓𝐘, 𝐆𝐀𝐖𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐓𝐈𝐁𝐀𝐘
𝘋𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘨𝘥𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘭𝘭𝘦𝘭 𝘣𝘳𝘪𝘥𝘨𝘦𝘴 𝘴𝘢 𝘈𝘨𝘢𝘯𝘢 𝘢𝘵 𝘈𝘲𝘶𝘪𝘯𝘰 𝘣𝘳𝘪𝘥𝘨𝘦, 𝘴𝘪𝘴𝘪𝘮𝘶𝘭𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 2027

Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na pagpapatibay ng Agana Bailey Bridge at pagtatayo ng dalawa pang parallel bridges sa parehong Agana Bridge at Aquino Bridge para lalong mas mapabilis ang biyahe at transportasyon ng mga motorista, komyuter at pangunahing produkto sa probinsya.

Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, tuluy-tuloy ang rectification works, habang nilagyan ng DPWH ng fenders ang mga poste ng Agana Bridge para protektahan ito laban sa malalaking bato at iba pang debris oras na lumakas ang pagragasa ng tubig sa Tarlac River tuwing habagat season.

🎥 DPWH

Kapag kulang ang tubig at mahal ang krudo, nanganganib ang mga pananim at nababawasan ang kita ng mga magsasaka, lalo na...
23/10/2026

Kapag kulang ang tubig at mahal ang krudo, nanganganib ang mga pananim at nababawasan ang kita ng mga magsasaka, lalo na sa gitna ng El Niño.

Kaya sa direktiba ni PBBM na pabilisin ang solar-powered irrigation projects, layong matulungan ng Tugbong Solar Pump Irrigation Project sa Kananga, Leyte, ang mga magsasaka. Bawas gastos sa patubig, protektado ang pananim, at mas malaking kita ang maiuwi sa pamilya.

Alamin dito ang mga detalye. 👇

23/10/2026

𝐏𝐀𝐍𝐎𝐎𝐑𝐈𝐍: Sinisimulan na ng Department of Public Works and Highways ang pagsasaayos ng mga sira-sirang bahagi ng Manila North Road sa Meycauayan City, Bulacan upang masiguro ang ligtas na pagbiyahe ng publiko.

Kabilang sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkumpuni sa lubak-lubak na daan, gayundin ang pag-upgrade sa drainage system para masiguro ang tibay at kalidad ng istruktura, at makatulong na maiwasan ang pagbaha sa lugar.

🎥 DPWH

Sa layuning maiangat ang pamumuhay at maibsan ang pangangailangan ng mga pamilya, muling naglakbay at naghatid ng tulong...
23/10/2026

Sa layuning maiangat ang pamumuhay at maibsan ang pangangailangan ng mga pamilya, muling naglakbay at naghatid ng tulong ang DSWD Field Office 3.

Namahagi ang DSWD FO3 sa Barangay Salapungan sa bayan ng Candaba, Pampanga, kung saan buong-pusong pinaglingkuran ng mga Angels in Red Vests ang 650 na benepisyaryo para sa pamamahagi ng UPLIFT Disaster Assistance - Emergency Cash Transfer (ECT) Program.

Bawat isa sa mga benepisyaryo ay pinalad na makatanggap ng ₱5,400 na tulong-pinansyal, kung saan umabot sa kabuuang ₱3,510,000 ang naipamahagi ng kagawaran. Ang tulong na ito ay hindi lamang simpleng suportang pinansyal, kundi isang patunay ng walang sawang pag-alalay at pagmamalasakit ng DSWD FO3 upang tulungan ang bawat pamilya na muling makatayo at makabangon sa kanilang buhay.

📷 DSWD FO 3


🚨 𝗗𝗢𝗡'𝗧 𝗖𝗔𝗧𝗖𝗛 𝗧𝗛𝗘 𝗕𝗔𝗜𝗧: 𝗕𝗘𝗪𝗔𝗥𝗘 𝗢𝗙 𝗨𝗦𝗕 𝗗𝗥𝗢𝗣 𝗔𝗧𝗧𝗔𝗖𝗞𝗦 🚨Cybercriminals are constantly evolving their tactics, but you can st...
23/10/2026

🚨 𝗗𝗢𝗡'𝗧 𝗖𝗔𝗧𝗖𝗛 𝗧𝗛𝗘 𝗕𝗔𝗜𝗧: 𝗕𝗘𝗪𝗔𝗥𝗘 𝗢𝗙 𝗨𝗦𝗕 𝗗𝗥𝗢𝗣 𝗔𝗧𝗧𝗔𝗖𝗞𝗦 🚨

Cybercriminals are constantly evolving their tactics, but you can stay one step ahead.

READ practical Cyber Tips on USB Drop Attacks and Physical Hardware Security to avoid infecting your personal devices.

Pormal na pinagtibay ng PhilHealth at ng mga katuwang nitong private health facilities sa lalawigan ng Pampanga ang kani...
23/10/2026

Pormal na pinagtibay ng PhilHealth at ng mga katuwang nitong private health facilities sa lalawigan ng Pampanga ang kanilang pagtutulungan upang palakasin ang pagpapatupad ng No Balance Billing (NBB) Policy at suportahan ang mga layunin ng Universal Health Care.

Sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement na nilagdaan ngayong araw, Oktubre 23, 2026, sa City of San Fernando, Pampanga, mas magiging matatag ang ugnayan ng pampubliko at pribadong sektor sa pagsiguro na ang mga mamamayan ay makakakuha ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan—nang walang aalalahaning malaking gastusin, mangailangan man ng gamutan sa pribadong ospital.

Bilang bahagi ng nasabing gawain, mismong si Health Secretary Edwin Mercado rin ang nagpaliwanag kung paanong masusuportahan ng DOH at PhilHealth ang pagkakaroon ng NBB sa mga private health facilities sa lalawigan.

📷 DOH

The Bases Conversion and Development Authority (BCDA) partners with private companies to study proposed power and inform...
23/10/2026

The Bases Conversion and Development Authority (BCDA) partners with private companies to study proposed power and information and communications technology (ICT) infrastructure projects that could support the development of New Clark City into a resilient, smart city.

The Bases Conversion and Development Authority (BCDA) partners with private companies to study proposed power and information and communications technology (ICT) infrastructure projects that could support the development of New Clark City into a resilient, smart city.

READ MORE: https://pia.gov.ph/news/luzon/cl/bcda-to-explore-power-ict-projects-for-new-clark-citys-growth/

Sa gitna ng El Niño, malaking hamon sa mga magsasaka ang kakulangan ng tubig para sa kanilang mga pananim at mataas na g...
23/10/2026

Sa gitna ng El Niño, malaking hamon sa mga magsasaka ang kakulangan ng tubig para sa kanilang mga pananim at mataas na gastos sa patubig dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo. Dahil dito, nanganganib ang kanilang ani at kita.

Bilang tugon, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapasinaya ng Tugbong Solar Pump Irrigation Project sa Kananga, Leyte, alinsunod sa kanyang direktiba sa Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) na pabilisin ang pagtatayo ng mga solar-powered irrigation project upang maibsan ang epekto ng El Niño at mabawasan ang pagdepende ng mga magsasaka sa krudo.

Sa pamamagitan ng solar-powered pumps, inaasahang makatitipid ang mga magsasaka ng ₱17,280 hanggang ₱25,920 kada araw sa gastos sa krudo. Magbibigay rin ang proyekto ng mas maaasahang suplay ng tubig para sa 115 ektarya ng palayan sa Barangays Tugbong at Sto. Niño sa Kananga, Leyte. Inaasahang magsisimula ang operasyon nito sa Nobyembre 2026, sa unang cropping season, matapos makumpleto ang mga huling pagsasaayos.

Direktang makikinabang sa proyekto ang 66 na magsasakang miyembro ng TONAY Solar Irrigators Association, Inc., na mangangasiwa rin sa pagpapanatili at pamamahala nito.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na palawakin ang mga makabagong sistema ng patubig, mapangalagaan ang mga pananim laban sa tagtuyot, mapababa ang gastos sa produksyon, at mapalakas ang kita at kabuhayan ng mga magsasakang Pilipino.

📷 PCO

Aurora’s forests play a vital role in sustaining threatened wildlife, as shown by the presence of more than 8,000 endang...
23/10/2026

Aurora’s forests play a vital role in sustaining threatened wildlife, as shown by the presence of more than 8,000 endangered golden-crowned flying foxes at the Aurora Memorial National Park.

Aurora’s forests play a vital role in sustaining threatened wildlife, as shown by the presence of more than 8,000 endangered golden-crowned flying foxes at the Aurora Memorial National Park.

READ MORE: https://pia.gov.ph/news/luzon/cl/auroras-forests-shelter-thousands-of-endangered-fruit-bat-species/

Address

Hiyas Ng Bulacan Convention Center, Capitol Compound, City Of Malolos, Bulacan
Malolos
3000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PIA Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PIA Bulacan:

Shortcuts

Share