BULSU SG CSSP Local Student Council

BULSU SG CSSP Local Student Council Welcome to the official page of the College of Social Sciences and Philosophy Local Student Council, Bulacan State University Student Government.

31/08/2026

Palawakin ang kaalaman, wikang Filipino bigyang-puwang!

Reel 2: Ang Bantang Pagtanggal sa mga General Education Subjects sa College Curriculum

Itinatakda ng batas na ang mga ahensya ng gobyerno ay dapat nangunguna sa pagpapayaman at pagpapalawig sa wikang Filipino, ngunit naipagyayaman pa nga ba ang wikang Filipino kung ang mga GE subjects tulad ng mga Filipino subjects ay tatanggalin na sa college curriculum?

Ngayong buwan ng wika, ang ating paglaban ay hindi lamang nalilimitahan sa pagpapayaman sa wika. Tangan natin ang paglaban sa maka-Pilipinong academic policies at panawagan para sa pagpapanatili sa mg GE subjects gaya ng Ethics, Filipino subjects, atbp โ€” na pangunahing subjects na nagpapakilala sa tunay na diwa ng pagiging makatao at pagiging maka-Pilipino.

GE SUBJECTS SA KOLEHIYO PANATILIHIN AT PALAKASIN!




31/08/2026

WHEREโ€™S ๐Ÿ‘€๐Ÿ“ข THE ๐Ÿ›๏ธ๐Ÿ’ธPROJECTS? ๐Ÿค”๐Ÿง AHH ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ’€ OKAY ๐Ÿ˜Œโœจ๐Ÿคทโ€โ™‚๏ธ

Ngayong mas lumalakas ang kalampag ng mga Bulakenyo, kapansin-pansin din ang pagkukumahog ng ilang LGU na ipakita ang kanilang mga nagawaโ€”parang kailangang unahan ang galit ng mamamayan ng listahan ng mga proyekto, ayuda, at serbisyong matagal nang dapat natatanggap.

Pero kailan naging utang na loob ng mamamayan ang serbisyong binayaran naman ng mamamayan?

Ang mga kalsada, ayuda, flood control, pasilidad at iba pang proyektong ipinagmamalaki ay hindi personal na ambag ng sinumang nakaupo. Galing ang pondo sa buwis at kaban ng bayan. Hindi ito regalo. Hindi ito pabor. At lalong hindi ito lisensya para manumbat kapag naniningil ang taumbayan ng maayos, ligtas, at tapat na pamamahala.

Hindi kailangang patahimikin ang kalampag sa pamamagitan ng panunumbat. Ang kailangan ng Bulacan ay pananagutan.

Kung tunay na para sa mamamayan ang serbisyo, hindi dapat kinatatakutan ang tanong. At kung tunay na pera ng bayan ang ginastos, karapatan ng bayan na malaman kung saan ito napunta.

๐Ÿ“ข ๐‚๐€๐‹๐‹ ๐…๐Ž๐‘ ๐‡๐„๐‹๐Amid the ongoing calamity, our BSP-2B classmate, Irish Cosme, and her family have been severely affected ...
30/08/2026

๐Ÿ“ข ๐‚๐€๐‹๐‹ ๐…๐Ž๐‘ ๐‡๐„๐‹๐

Amid the ongoing calamity, our BSP-2B classmate, Irish Cosme, and her family have been severely affected by the flooding due to the inclement weather and are currently facing many difficulties. We are humbly reaching out to our community to come together to aid Irish and her familyโ€™s well-being and recovery via ๐—ณ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜.

Any form of financial assistance, big or small, makes a meaningful difference and can help ease their current situation and support their recovery. ๐Ÿ’œ

Beyond financial support, let us keep our fellow Sikolohistas in our thoughts and prayers as we continue to endure this difficult calamity. ๐Ÿซ‚

May we all remain safe. ๐Ÿ™๐Ÿป

๐…๐Ž๐‘ ๐Œ๐Ž๐๐„๐“๐€๐‘๐˜ ๐ƒ๐Ž๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’:

Number: 09943164122
Name: IR**H CH******E C.

30/08/2026

Reel 1: Ang Diwa ng Wikang Filipino

Sa pagdiriwang natin ngayong Agosto, Buwan ng Wika, mahalagang kilalanin at pahalagahan ang ating wika! Patuloy natin itong paunlarin at palawigin.

Mas lalo pa nating kilalanin ang wikang Filipinoโ€” hindi lamang bilang paraan ng pakikipag-usap, kundi bilang salamin ng ating kasaysayan at pagkakakilanlan. Sa bawat salitang ating ginagamit, may kwentong nagmula sa ating mga danas bilang mga Pilipino at sa patuloy na pagbabago ng lipunan. Sa pamamagitan ng pag-aaral at paggamit nito, mas nauunawaan natin hindi lamang ang ating wika, kundi pati ang ating sarili at ang mga taong nakapaligid sa atin.

Ating aralin at pagyabungin! Ipakita natin ang pagiging inklusibo at gender-neutral ng ating wika. Bigyan natin ito ng puwang at gawin itong tulay sa pag-uugnay ng mga mamamayan. Taglay natin, mula sa ating mga bibig, ang kapangyarihan at instrumento na maaaring maging sandigan ng ating pagkakakilanlan.

Palawakin ang kaalaman, wikang Filipino bigyang-puwang!




MONETARY DONATIONS TRANSPARENCY REPORTAs of now, August 30, 2026, we have accumulated a total of Php 679.21 monetary don...
30/08/2026

MONETARY DONATIONS TRANSPARENCY REPORT

As of now, August 30, 2026, we have accumulated a total of Php 679.21 monetary donations, which will be used to provide hot meals for calamity-affected communities. We are deeply grateful to everyone who has extended their generosity and support to this initiative. Every contribution, no matter the amount, brings us one step closer to providing immediate assistance and comfort to those in need.

For monetary donations, you may send it through:
GCash: 09693966069 - Louella J. D.
BPI: 4719466139 - Lanze D. S. F.

Kindly input "Community Kitchen" upon sending.

We remain committed to maintaining transparency throughout the donation drive and will continue to provide updates on the collection and utilization of all monetary donations.

Any support, regardless of the amount, can truly help provide essential relief to families and individuals affected by the current situation. Let us come together as a community to extend the spirit of bayanihan.

Palawakin ang kaalaman, wikang Filipino bigyang-puwang!Maging dalubhasa sa wikaโ€”narito ang DALUBWIKA SERYE!Ikalimang Kab...
29/08/2026

Palawakin ang kaalaman, wikang Filipino bigyang-puwang!
Maging dalubhasa sa wikaโ€”narito ang DALUBWIKA SERYE!

Ikalimang Kabanata:

Alam mo ba na ang Filipino Sign Language o FSL ay bahagi ng 135 na wika ng Pilipinas?

Ang Filipino Sign Language (FSL) ay ang pambansang wikang senyas ng Pilipinas, na opisyal na kinilala sa pamamagitan ng RA 11106 o ang Filipino Sign Language Act noong 2018. Ito ang nagdedeklara sa FSL bilang pambansang wikang senyas ng mga bingi na Pilipino at opisyal na wikang pantanda ng pamahalaan sa lahat ng pakikipag-ugnayan sa komunidad. Inaatasan din ng batas ang paggamit ng FSL sa mga paaralan, sa midyang pang-broadcast, at sa mga lugar ng trabaho.

Ang FSL sa kasalukuyan ay nakabatay sa maraming taong input at interaksyon ng mga Binging Pilipino sa buong bansa. Mayroon itong gramatika, sintaks, at mga idyoma na para sa at mula sa mga Binging Pilipino at sa kanilang kultura.

May natutuhan ka ba?
Klaruhin, Buhayin!
Magkita tayong muli, mga Dalubwika! โœจ






Sanggunian:

Filipeanut. (2025b, August 8). Why Filipino Sign Language or FSL is important. Filipeanut. https://filipeanut.art/why-filipino-sign-language-or-fsl-is-important/

Oscar M. Lopez Center. (2024, November 27). 6 years of the FSL Law: At Project SIGND, inclusion begins with using Filipino Sign Language. OML Center https://www.omlopezcenter.org/6-years-of-the-fsl-law-at-project-signd-inclusion-begins-with-using-filipino-sign-language

Kumusta ka, Rajah?Dulot ng malalakas na hangin at pag-ulan ng  , hindi namin hahayaang hindi ka kamustahin.Mag-react sa ...
29/08/2026

Kumusta ka, Rajah?

Dulot ng malalakas na hangin at pag-ulan ng , hindi namin hahayaang hindi ka kamustahin.

Mag-react sa post na ito kung ano man ang iyong kalagayan ngayon:

๐Ÿ‘ - Walang kuryente
โค๏ธ - Ligtas at walang nasaktan
๐Ÿค— - Nakapag-evacuate na
๐Ÿ˜ข - Nakararanas ng matinding pagbaha
๐Ÿ˜ก - Nasira at napinsala na ang bahay at kagamitan

Hangarin namin ang matulungan ang bawat Rajah sa pamamagitan ng pagtukoy ng agarang atensyon at maisulong ang nararapat na suporta.

Palawakin ang kaalaman, wikang Filipino bigyang-puwang!Maging dalubhasa sa wikaโ€”narito ang DALUBWIKA SERYE!Ika-apat na K...
28/08/2026

Palawakin ang kaalaman, wikang Filipino bigyang-puwang!
Maging dalubhasa sa wikaโ€”narito ang DALUBWIKA SERYE!

Ika-apat na Kabanata:
Alam mo bang may mga nanganganib na wika sa ating bansa?

Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino Kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner Blg. 18-33 s. 2018, ang nanganganib na wika ay pumapatungkol sa โ€œwikang tinatรกyang maglaho sa hinaharap bunsod ng mga salik panlipunan, pangkultura, at pampolitikang nakaaapekto sa preserbasyon, paggamit, at, pagpapaunlad nitoโ€

Sa pinakahuling listahang inilabas ng KWF, umaabot sa 40 wika ang nanganganib na maglahong wika sa hinaharap. 22 rito ay nagmumula at ginagamit sa Luzon, 10 naman ang wika sa Visayas, at 8 sa Mindanao.

Bakit may nanganganib na wika?
Ayon sa UNESCO (2023), ang mga sumusunod na salik ay dahilan ng panganganib ng isang wika:
Salik pang-ekonomiya
โ€ข Panrelihiyon
โ€ข Pangkultura; at
โ€ข Pang-edukasyon; o
โ€ข Negatibong pagtingin ng komunidad sa sariling wika

Ano ang maaari nating gawin bilang mga iskolar ng bayan?

Mahalagang tanaw natin ang isang kaluluwang nagluwal sa atin bilang Pilipino at ang dugong dumadaloy sa ating diwaโ€”ang wikang Filipino. Bilang isang mag-aaral, manunulat, at iskolar ng Bayan, naniniwala tayo sa kapangyarihan ng ningas; ang ningas ng panawagang kung pagsasama-samahin ay alab ng kapangyarihan. At iyan ang gagamitin natin upang manindigan sa kahalagahan ng ating wikang pambansa. Sapagkat ang wika ay hindi lamang kasangkapan sa komunikasyon, mayroon din itong malalim na ugnayan sa pamayanang kaniyang nasasakupan. Kung kaya't mahalagang alam natin ito bilang Pilipinong nabubuhay para sa ating wika.

Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang ating wika!

May natutuhan ka ba?
Klaruhin, Buhayin!
Magkita tayong muli, mga Dalubwika! โœจ






Sanggunian:

Komisyon sa Wikang Filipino (n.d.). Listahan ng mga Nanganganib at Naglahong Wika ng Pilipinas. KWF Repositoryo ng Wika at Kultura. https://kwfwikaatkultura.ph/listahan-ng-mga-nanganganib-at-naglahong-wika-ng-pilipinas/

MISA PARA KAY RAJAHSa pangunguna ng CSSP Local Administration, isinagawa ang isang banal na misa para sa mga RAJAHs na h...
28/08/2026

MISA PARA KAY RAJAH

Sa pangunguna ng CSSP Local Administration, isinagawa ang isang banal na misa para sa mga RAJAHs na haharap sa mga nalalapit na licensure examinations: ang Psychometrician Licensure Examination (PMLE), Psychologists Licensure Examination (PSLE), at Social Workers Licensure Examination.

Sa harap ng mga hamon at kaba na kaakibat ng bawat pagsusulit, inilapit natin sa panalangin ang kanilang mga pangarap, paghahanda, at mga panahong inilaan para sa kanilang napiling propesyon.

Nawaโ€™y pagkalooban sila ng karunungan sa bawat tanong, kapanatagan sa bawat sandali, at tibay ng loob sa bawat hakbang. Higit sa resulta, nawaโ€™y maging paalala ang araw na ito na hindi nila kailangang tahakin nang mag-isa ang daan tungo sa kanilang propesyon.

Para sa ating mga RAJAHs, kasama ninyo ang buong Konsensiya ng Bayan sa pagsulong, ARRIBA RAJAH!

MONETARY DONATIONS TRANSPARENCY REPORTAs of now, August 28, 2026, we have accumulated a total of Php 599.21 monetary don...
28/08/2026

MONETARY DONATIONS TRANSPARENCY REPORT

As of now, August 28, 2026, we have accumulated a total of Php 599.21 monetary donations, which will be used to provide hot meals for calamity-affected communities. We are deeply grateful to everyone who has extended their generosity and support to this initiative. Every contribution, no matter the amount, brings us one step closer to providing immediate assistance and comfort to those in need.

For monetary donations, you may send it through:
GCash: 09693966069 - Louella J. D.
BPI: 4719466139 - Lanze D. S. F.

Kindly input "Community Kitchen" upon sending.

We remain committed to maintaining transparency throughout the donation drive and will continue to provide updates on the collection and utilization of all monetary donations.

Any support, regardless of the amount, can truly help provide essential relief to families and individuals affected by the current situation. Let us come together as a community to extend the spirit of bayanihan.

Address

Room APP 210B, Mendoza Hall, Bulacan State University
Malolos
3000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BULSU SG CSSP Local Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share