22/10/2026
๐๐๐ฌ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฐ๐๐ง๐ข, ๐๐๐ฌ ๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ: ๐๐๐๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐๐๐ง, ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ค๐-๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐จ๐ง๐๐ค
๐๐ค๐-๐๐ ๐ง๐ ๐๐ค๐ญ๐ฎ๐๐ซ๐ ๐๐๐๐ | Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng mga kawani at pagpapahusay ng serbisyo publiko, isinagawa ng DILG Bulacan ang ika-10 DILG Konek sa Lungsod ng Malolos, Bulacan, na may temang โ๐๐ฉ๐ง๐ค๐ฃ๐๐๐ง ๐๐๐ฃ๐๐จ, ๐๐ฉ๐ง๐ค๐ฃ๐๐๐ง ๐๐๐ง๐ซ๐๐๐, ๐ฝ๐ช๐๐ก๐๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ก๐ก๐ฎ ๐๐๐๐ก๐ฉ๐๐ฎ ๐ฟ๐๐๐ ๐ฝ๐ช๐ก๐๐๐๐ฃ ๐๐ค๐ง๐ ๐๐ค๐ง๐๐.โ
Binigyang-diin sa pamamagitan ng isang wellness activity ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mabuting pisikal at mental na kalusugan sa kabila ng mga hamon at pangangailangan ng trabaho. Layunin nitong palakasin ang kapakanan at katatagan ng mga kawani upang higit nilang magampanan ang kanilang tungkulin sa paglilingkod-bayan.
Bilang pakikiisa sa ๐ฝ๐ง๐๐๐จ๐ฉ ๐พ๐๐ฃ๐๐๐ง ๐ผ๐ฌ๐๐ง๐๐ฃ๐๐จ๐จ ๐๐ค๐ฃ๐ฉ๐, nagsuot din ng kulay rosas na kasuotan ang mga kawani upang ipakita ang kanilang suporta sa pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa kanser sa suso at sa kahalagahan ng maagang pagtukoy at pangangalaga sa kalusugan.
Samantala, nagsilbi rin ang pagtitipon bilang pagkakataon upang talakayin ang mga ulat at natamong tagumpay, masuri ang mga kasalukuyang gawain, at paghadaan ang mga nakatakdang aktibidad upang matiyak ang patuloy na pagsulong ng mga programa bago matapos ang taon.
Sa pamamagitan ng ika-10 DILG Konek, muling pinagtibay ng DILG Bulacan ang paniniwalang ang malusog, masigla, at matatag na mga kawani ay mahalagang katuwang sa paghahatid ng mahusay na serbisyo publiko. Sapagkat sa likod ng matatag na paglilingkod ay mga kawani ring nararapat alagaan, suportahan, at pahalagahan.