12/07/2026
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐๐ด๐๐๐๐ถ๐ป: ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฑ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ค
Bumisita ang Sangguniang Kabataan ng San Agustin sa Emmaus House of Apostolate upang maghatid ng munting handog para sa mga matatanda. Namahagi ang SK ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng toothpaste, tissue, sabon, shampoo, at iba pang essentials na nagmula sa sama-samang donasyon na nakolekta noong nagdaang Basketball Liga.
Kasabay nito, binisita rin ang San Agustin Day Care Center kung saan isinagawa ang pagpapagawa ng tiles sa washing area at comfort room ng mga bata upang mas maging maayos, malinis, at ligtas ang kanilang lugar.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong sa mga inisyatibang ito. Sa patuloy na pagtutulungan, mas mapapalakas natin ang malasakit at serbisyo para sa ating komunidad.