08/12/2025
Maligayang Kapistahan, La Inmaculada Concepcion de Malolos! 🩷🩷🩷
​Sa dakilang kapistahan ng ating Mahal na Patrona, nawa’y maging buhay na patunay tayo ng kabutihang-loob; na sa bawat kilos at salita, pinipili nating maging mabuti at maunawain, dahil ang pinakamagandang handog natin sa Diyos ay ang pusong handang maglingkod sa kapwa nang buong tapat.
Nawa ay gawin nating halimbawa ang pagdiriwang na ito upang maging mabuti at mapagbigay, na siyang pinakamagandang regalo na maiaalay natin sa ating Inang Maria at papalapit na pagsilang nang sanggol na si Hesus.
Atin nawang matularan ang kanyang pusong handang maglingkod at magtiwala, kahit sa mga panahong hindi malinaw ang landas na ating tinatahak.
Viva Inmaculada Concepcion de Malolos! Viva!
Mula sa aming Pamilya, Michael, MINA, Myka at Miguel. ​🩷🩷🩷🩷