Provincial Government of Bulacan

Provincial Government of Bulacan Official page of the Provincial Government of Bulacan

Maligayang Araw ng mga Bayani!Buong puso nating ginugunita ang Araw ng mga Bayani bilang pagkilala sa tapang, kabayaniha...
31/08/2026

Maligayang Araw ng mga Bayani!

Buong puso nating ginugunita ang Araw ng mga Bayani bilang pagkilala sa tapang, kabayanihan, at sakripisyong inialay ng mga Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bayan.

Ang kanilang pagmamahal sa bayan at paninindigan ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat Pilipino. Nawa’y maisabuhay natin ang tunay na diwa ng kabayanihan sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayan, pagtutulungan, at patuloy na paglilingkod sa kapwa at bayan.

Mabuhay ang ating mga Bayani! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

30/08/2026

Sa pamumuno ni Gov. Daniel R. Fernando, higit pang pinagtibay ang pundasyon ng edukasyon at pangangalaga sa bawat kabataang Bulakenyo! Mula sa pagpapatayo at pagpapabuti ng mga paaralan, pagpapatatag ng mga day care centers, hanggang sa pagbibigay ng suporta sa mga batang mag-aaral at kanilang mga g**o, malinaw ang direksyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, ang ihanda ang mas maliwanag na bukas para sa bawat kabataang Bulakenyo.

𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗑𝗔 π—žπ—”π—Ÿπ—œπ——π—”π—— π—‘π—š π—˜π——π—¨π—žπ—”π—¦π—¬π—’π—‘ [π—œπ—žπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—‘π—š π—•π—”π—›π—”π—šπ—œ]

Construction/Improvement/Rehabilitation ng School Buildings
Mga Gusali ng Paaralan: 171 na gusali na may 685 classrooms na ipinatayo mula Hulyo 2019 - Hunyo 2024, na nagkakahalaga ng higit sa Php 1 bilyon.
Early Childhood Care and Development
Day Care Workers: 1,855 na aktibong accredited Day Care Workers.
Day Care Centers: 1,055 na aktibong accredited centers (Oktubre 2019 - Hunyo 2024).
Micronutrient Powder: 933,000 na ibinigay sa mga Day Care children (2019).
Capacity Building: Pagsasanay para sa mga CDWs/Day Care Centers sa Bulacan.
Pagdiriwang ng Children’s Month: Mga aktibidad tulad ng Panatang Makabata, mga kompetisyon sa talento, at iba pa.
State of the Children Address: Isinasagawa taun-taon ng Gobernador tuwing Children's Month.
Mga Day Care Pupils: 48,599 na mag-aaral ang nakatanggap ng modular bags (2023).

[Accomplishments from July 2019 to June 2024]

30/08/2026

Sa pamumuno ni Gov. Daniel R. Fernando, higit pang pinalawak ang mga programang pang-edukasyonβ€”mula sa pagbibigay ng tulong pinansyal, pagsuporta sa mga kabataang atleta, hanggang sa pagbubukas ng oportunidad para sa lahat. Lahat ng ito ay patunay ng kanyang patuloy na pagsusumikap na maitaguyod ang mataas na kalidad ng edukasyon at mas maliwanag na kinabukasan para sa buong Lalawigan ng Bulacan.

𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗑𝗔 π—žπ—”π—Ÿπ—œπ——π—”π—— π—‘π—š π—˜π——π—¨π—žπ—”π—¦π—¬π—’π—‘ [π—¨π—‘π—”π—‘π—š π—•π—”π—›π—”π—šπ—œ]

Tulong Pang-Edukasyon Para sa Bulakenyo
Senior High School (Private and Public)
State/Local Universities and Colleges (SUCs)
Other School Private Universities and Colleges
Academic
Board Review/ee
Masteral/Graduate Studies
4th Year Nursing Student ng Bulacan State University
Marginalized Sector:
Indigenous People
Persons with Disabilities (PWD)
Anak ng Solo Parent
Anak ng Farmers
Anak ng Fisherfolks
Anak ng OFW
Anak ng Volunteer Workers
Kabuuang Scholars: 88,128 scholars mula Agosto 2019 - Hunyo 2024 na nakatanggap ng Php 285,936,929 na tulong pinansyal.
Alternative Learning System (Literacy Program)
Kabuuang Enrollees: 895 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula 2019 - Hunyo 2024
Mga Nagtapos: 289 graduates mula sa 5th, 6th, at 7th Virtual ALS Commencement Exercises

[Accomplishments from July, 2019 to June 2024]

Bilang paggunita sa ika-176 na anibersaryo ng kapanganakan ng dakilang Bulakenyong bayani na si G*t. Marcelo H. del Pila...
30/08/2026

Bilang paggunita sa ika-176 na anibersaryo ng kapanganakan ng dakilang Bulakenyong bayani na si G*t. Marcelo H. del Pilar, isinagawa ngayong Agosto 30 ang seremonya ng pag-aalay ng bulaklak sa kanyang bantayog sa Bulakan, Bulacan.

Nakiisa sa paggunita ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, katuwang ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at Lokal na Pamahalaan ng Bulakan, na nanguna sa seremonya bilang pagpapakita ng patuloy na paggalang at pagkilala sa mahalagang ambag ni G*t. Marcelo H. del Pilar sa kasaysayan ng bansa.

Sa halip na ang orihinal na nakaplanong programa at mga aktibidad, isinagawa ang seremonya sa mas payak na paraan bunsod ng patuloy na weather disturbances na nakaaapekto sa lalawigan.

Si G*t. Marcelo H. del Pilar ay kilala bilang isang propagandista na gumamit ng panulat sa pagsusulong ng reporma at pagtatanggol sa karapatan ng mga Pilipino. Sa paglipas ng panahon, nananatiling buhay ang kanyang mga ipinaglaban at ang mga aral ng kanyang tapang, talino, at paninindigan para sa bayan.

*Larawang mula sa PHACTO

Ngayong araw, pinararangalan natin ang buhay at pamana ni G*t Marcelo H. del Pilar sa kanyang ika-176 Anibersaryo ng Kap...
30/08/2026

Ngayong araw, pinararangalan natin ang buhay at pamana ni G*t Marcelo H. del Pilar sa kanyang ika-176 Anibersaryo ng Kapanganakan. Ang kanyang walang takot na panulat at paninindigan bilang dakilang Bulakenyo ay patuloy na nagbibigay-liwanag sa ating kasaysayan.

Nawa’y patuloy na magsilbing inspirasyon sa bawat Bulakenyo ang kanyang tapang, talino at pagmamahal sa bayan, at ang kanyang walang sawang pakikibaka para sa katotohanan, karapatan, at dignidad ng mha Pilipino.

Mabuhay ang diwa ng Kabayanihan at Pagkamakabayan!

π—•π—¨π—Ÿπ—”π—–π—”π—‘ π—˜π— π—˜π—₯π—šπ—˜π—‘π—–π—¬ π—›π—’π—§π—Ÿπ—œπ—‘π—˜π—¦Mga Bulakenyo, para sa inyong kaligtasan, narito ang mga numero ng bawat lungsod at bayan sa L...
29/08/2026

π—•π—¨π—Ÿπ—”π—–π—”π—‘ π—˜π— π—˜π—₯π—šπ—˜π—‘π—–π—¬ π—›π—’π—§π—Ÿπ—œπ—‘π—˜π—¦

Mga Bulakenyo, para sa inyong kaligtasan, narito ang mga numero ng bawat lungsod at bayan sa Lalawigan ng Bulacan na maaari ninyong tawagan sa panahon ng sakuna at pangangailangan.

Patuloy tayong manalangin para sa kaligtasan ng lahat.

PDRRMO:
πŸ“ž 0905-333-3319 / 0942-367-1455
PNP:
πŸ“ž 0998-598-8293 / (044) 796-2021
BFP:
πŸ“ž 0923-089-8535 / 0916-704-8032

πŸ“ Angat
MDRRMO: 0923-926-3393
PNP: (044) 641-3379 / 0998-598-5373

πŸ“ Balagtas
MDRRMO: 0906-237-2616 / 0938-959-5273
PNP: (044) 769-9829 / 0998-598-5374

πŸ“ City of Baliwag
CDRRMO: 0917-505-7827 / 0939-999-7827
PNP: (044) 766-6055 / 0998-598-5375

πŸ“ Bocaue
MDRRMO: 0936-330-9020
PNP: (044) 309-2730 / 0998-598-5376

πŸ“ Bulakan
MDRRMO: 0951-851-4997 / 0955-288-2055
PNP: (044) 760-4812 / 0998-598-5378

πŸ“ Bustos
MDRRMO: 0998-567-5090 / 0917-143-0505
PNP: (044) 761-1199 / 0998-598-5377

πŸ“ Calumpit
MDRRMO: 0962-351-5944
PNP: (044) 815-2982 / 0998-598-5380

πŸ“ City of San Jose del Monte
CDRRMO: 0932-600-0119 / 0955-206-7200
PNP: (044) 815-8512 / 0998-598-5395

πŸ“ DoΓ±a Remedios Trinidad
MDRRMO: 0956-679-6848
PNP: 0998-598-5379

πŸ“ Guiguinto
MDRRMO: 0968-854-7593
PNP: (044) 794-0033 / 0998-598-5381

πŸ“ Hagonoy
MDRRMO: 0933-472-2211
PNP: (044) 794-6123 / 0998-598-5382

πŸ“ City of Malolos
CDRRMO: 0928-226-9801 / (044) 931-8888 loc. 2106
PNP: (044) 796-2483 / 0998-598-5383

πŸ“ Marilao
MDRRMO: 0969-462-2952
PNP: (044) 248-9166 / 0998-598-5385

πŸ“ City of Meycauayan
CDRRMO: 0998-111-6392 / 0953-119-0320
PNP: (044) 228-9166 / 0998-598-5386

πŸ“ Norzagaray
MDRRMO: 0905-247-0355
PNP: (044) 815-8295 / 0998-598-5388

πŸ“ Obando
MDRRMO: 0917-154-8105
PNP: (02) 292-2042 / 0998-598-5389

πŸ“ Pandi
MDRRMO: 0920-275-3493
PNP: 0998-598-5391

πŸ“ Paombong
MDRRMO: 0920-617-8343
PNP: (044) 794-1925 / 0998-598-5390

πŸ“ Plaridel
MDRRMO: 0961-081-9333
PNP: (044) 795-0057 / 0998-598-5392

πŸ“ Pulilan
MDRRMO: 0917-561-6195 / 0925-706-3968
PNP: (044) 769-1204 / 0998-598-5393

πŸ“ San Ildefonso
MDRRMO: 0955-539-4173 / 0931-047-6900
PNP: 0998-598-5394

πŸ“ San Miguel
MDRRMO: 0917-715-2016
PNP: (044) 762-0518 / 0998-598-5398

πŸ“ San Rafael
MDRRMO: 0968-872-3235 / 0917-172-3235
PNP: (044) 816-7385 / 0998-598-5397

πŸ“ Santa Maria
MDRRMO: 0923-022-6973
PNP: (044) 641-4783 / 0998-598-5399

29/08/2026

Naitala as of 1:00 PM ngayong Agosto 29, 2026 ang water release na 323 cubic meters per second (cms) mula sa Ipo Dam, na pinangangasiwaan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Inaasahang makarating sa Angat Afterbay Regulator Dam (Bustos Dam) ang nasabing water release makalipas ang humigit-kumulang 5–6 na oras, o bandang 6:00–7:00 PM ngayong araw.

Kaugnay nito, as of 1:00 PM ngayong hapon, ang antas ng tubig sa Angat Afterbay Regulator Dam (Bustos Dam) ay nasa 16.54 meters at kasalukuyang nasa spilling condition.

Patuloy na mahigpit na mino-monitor ng National Irrigation Administration (NIA) - Bulacan Irrigation Management Office (IMO) ang kondisyon ng Angat Afterbay Regulator Dam (Bustos Dam), kabilang ang water level, gate operations, at discharge, upang matiyak ang maayos na pamamahala sa daloy ng tubig.

Mahigpit din ang pakikipag-ugnayan ng NIA Bulacan IMO sa mga lokal na pamahalaan at iba pang kinauukulang ahensya kaugnay ng kasalukuyang kondisyon ng mga dam at daluyan ng tubig.

Pinapayuhan ang mga residente, partikular ang mga nakatira malapit sa ilog, waterways, at iba pang mabababang lugar, na manatiling alerto at regular na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng NIA.

sa

Maging alerto, Bulakenyo!Nakataas na sa RED RAINFALL WARNING sa buong lalawigan ng Bulacan ayon sa pinakabagong update m...
29/08/2026

Maging alerto, Bulakenyo!

Nakataas na sa RED RAINFALL WARNING sa buong lalawigan ng Bulacan ayon sa pinakabagong update mula sa PAGASA (11:00 AM, 29 Agosto 2026, Sabado)

Patuloy na subaybayan ang mga susunod na abiso ng PAGASA at ng inyong lokal na pamahalaan.

Manalangin at mag-ingat po tayong lahat!

In case of emergency, narito ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Emergency Hotlines:
911
791-0566
GLOBE: 0905-333-3319
SUN: 0942-367-1455

29/08/2026

Sa nakalipas na taon, higit pang pinagtibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang pangako nitong lumikha ng masiglang kabuhayan, palakasin ang kalakalan, at magbigay ng higit na oportunidad sa trabaho para sa bawat Bulakenyo.

Narito ang ilan sa mga matagumpay na programa at proyektong naisakatuparanβ€”mga hakbang na nagsisilbing patunay ng walang sawang pagsusumikap at pagmamalasakit ng lokal na pamahalaan upang itaas ang antas ng pamumuhay ng bawat isa.

π— π—”π—¦π—œπ—šπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—žπ—”π—•π—¨π—›π—”π—¬π—”π—‘, π—žπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—”π—Ÿπ—”π—‘ 𝗔𝗧 𝗧π—₯𝗔𝗕𝗔𝗛𝗒 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—ͺ𝗔𝗧 π—•π—¨π—Ÿπ—”π—žπ—˜π—‘π—¬π—’

Inilunsad ang Go Koop upang higit pang palakasin at palawakin ang pagtatatag ng mga kooperatiba sa Bulacan, na naglalayong suportahan at itaguyod ang kabuhayan ng mga Bulakenyo.
Sa patuloy na pagsasagawa ng Job Fairs, mahigit 10,341 Bulakenyo ang matagumpay na natulungan at nagkaroon ng hanapbuhay.

Umangat ang Lalawigan Bulacan sa ikawalong pwesto bilang isa sa Most Competitive Province sa 2023 Philippine Competitiveness Ranking sa isinagawang 10th Cities and Municipalities Competitive Summit.

[Accomplishments from July 2019 to June 2024]

28/08/2026

Nag-anunsyo ang pamunuan ng Ipo Dam, na pinangangasiwaan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), na magpapakawala ng tubig ngayong Agosto 28, 2026.

Sa ganap na ika-9:00 ng gabi, magpapakawala ang Ipo Dam ng 35 cubic meters per second (cms) ng tubig. Ang hakbang na ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng antas ng tubig sa reservoir dulot ng enhanced Southwest Monsoon (Habagat).

Kaugnay nito, as of 8:00 PM ngayong gabi, ang antas ng tubig sa Angat Afterbay Regulator Dam (Bustos Dam) ay nasa 16.36 meters at kasalukuyang nasa spilling condition. Patuloy itong mino-monitor ng NIA upang matiyak ang ligtas at maayos na operasyon ng dam.

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang pamunuan ng NIA Bulacan Irrigation Management Office sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente, lalo na sa mga bayang malapit sa ilog. Pinapayuhan ang mga nakatira sa mababang lugar na manatiling alerto at maging handa sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig.

sa

Address

Capitol Compound
Malolos
3000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63447918149

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Government of Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category