24/08/2026
๐ธ๐๐ ๐ค๐ฅ๐ ๐๐, ๐๐๐๐ โ Dumalo si ๐๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐จ๐ฅ๐จ๐ฌ ๐๐๐๐๐ ๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฒ ๐. ๐๐๐ฌ๐ข๐ฆ๐จ bilang panauhing tagapagsalita sa ๐ฑ๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ฉ๐ท๐จ๐ป๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐
๐ ๐ช๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ซ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐ (๐ฑ๐ฉ๐ด ๐ท๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐), isang bagong programa ng PNP Rehiyon III na naglalayong palakasin ang ugnayan ng pulisya at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) upang higit na mapaigting ang paglaban sa kriminalidad at mapalakas ang pakikipag-ugnayan sa komunidad sa Gitnang Luzon.
Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng Philippine National Police (PNP) Malolos sa pangunguna ni ๐๐๐ญ๐๐จ๐ฅ. ๐๐จ๐ซ๐๐๐ง ๐. ๐๐๐ง๐ญ๐ข๐๐ ๐จ, at dinaluhan ng mga Barangay Tanod at kanilang mga hepe mula sa 51 barangay ng Lungsod ng Malolos.
Layunin ng programa na palakasin ang police-community partnership, pataasin ang police visibility, itaguyod ang information-sharing at early intervention, at hikayatin ang aktibong partisipasyon ng mga barangay at mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Sa kanyang mensahe, tinalakay ni CLGOO Pesimo ang konsepto ng S.A.F.E.R. Cities bilang bahagi ng pagpapaigting ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. Ibinahagi rin niya ang mahahalagang probisyon ng DILG Memorandum Circular No. 2026-037 ukol sa Safer School Zones (SSZ) sa ilalim ng Safer Cities and Safer Communities Initiative, na naglalayong palakasin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at komunidad sa paligid ng mga paaralan.
Binigyang-diin din ang pagpapatupad ng DILG Memorandum Circular No. 2026-029 o Encouraging the Enactment of Local Ordinances for Safer Cities: A Call to Action for Local Government Units, na humihikayat sa mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng mga kaukulang ordinansa tungo sa mas ligtas at mas maayos na pamayanan.
#๐๐๐๐๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ