BPS Movement

Directions

BPS Movement Paparating na ang Pag-asa ng Kabataang Maloleño

 !Ang Sangguniang Kabataan ay may malinaw na itinakdang termino ng panunungkulan na nararapat igalang at sundin. Ang pau...
04/08/2026

!

Ang Sangguniang Kabataan ay may malinaw na itinakdang termino ng panunungkulan na nararapat igalang at sundin. Ang paulit-ulit na pagpapaliban ng halalan o pagpapahaba ng termino ay hindi lamang lumalayo sa diwa ng demokrasya, kundi ipinagkakait din nito ang pagkakataon ng mga bagong henerasyon ng kabataan na makapaglingkod at makapagbigay ng sariwang pananaw sa pamahalaan.

Marami sa mga kasalukuyang SK officials ang nagsilbi nang buong puso at buong panahon. Ngunit darating ang puntong kailangan na rin nilang harapin ang susunod na yugto ng kanilang buhay, maghanap ng mas matatag na hanapbuhay, suportahan ang kanilang pamilya, tapusin ang kanilang pag-aaral, o tuparin ang iba pang personal at propesyonal na responsibilidad.

Maawa tayo sa mga SK officials na nais nang magkaroon ng pagkakataong bumuo ng mas matatag na kinabukasan para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya.

Maawa tayo sa mga Local Youth Development Officers na, sa kabila ng kanilang dedikasyon, ay unti-unti nang nakatatanggap ng mga resignation mula sa mga SK officials dahil kailangan na nilang unahin ang kanilang kabuhayan at iba pang obligasyon sa buhay.

At higit sa lahat, maawa tayo sa mga kabataang naghihintay ng pagkakataong makapaglingkod. Marami ang handang akuin ang responsibilidad, ipagpatuloy ang mga nasimulang programa, at magdala ng mga bagong ideya at inobasyon para sa kapakanan ng kanilang kapwa kabataan.

Ang pagpapalit ng liderato ay hindi dapat katakutan. Ito ay likas na bahagi ng isang demokratikong lipunan. Sa pamamagitan nito, nabibigyan ng pagkakataon ang mas marami pang kabataan na makilahok sa pamamahala at maging bahagi ng paghubog ng mas maunlad na kinabukasan.

Hindi makatarungang paulit-ulit na ipagpaliban ang pagtatapos ng mandato ng mga halal na opisyal. Ang paggalang sa itinakdang termino ay paggalang din sa proseso ng demokrasya at sa karapatan ng bawat kabataan, maging ng mga kasalukuyang lider na nais nang magpatuloy sa susunod na kabanata ng kanilang buhay, at ng mga bagong lider na handa nang maglingkod.

Dahil dito, hindi tayo pabor sa patuloy na postponement ng halalan sa Sangguniang Kabataan. Panahon nang igalang ang itinakdang termino, isagawa ang halalan sa tamang panahon, at bigyang-daan ang maayos na transisyon ng pamumuno para sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng kabataan.

-BPS

PRIDE HAIR CARE: Beauty Beyond Labels ✂️🌈Hindi nasusukat ang kagandahan sa kasarian, identidad, o label. Sa bawat gupit,...
02/06/2026

PRIDE HAIR CARE: Beauty Beyond Labels ✂️🌈

Hindi nasusukat ang kagandahan sa kasarian, identidad, o label. Sa bawat gupit, may kwento. Sa bawat ngiti, may tapang. At sa bawat taong ating pinaglilingkuran, ipinapakita natin na ang tunay na ganda ay nagmumula sa pagtanggap, respeto, at pagmamahal sa sarili.

Samahan kami sa isang makulay na araw ng serbisyo at pagkakaisa habang ipinagdiriwang natin ang Pride Month sa pamamagitan ng libreng gupit para sa komunidad.

📅 June 3, 2026
📍 Balayong Covered Court
⏰ 10:00 AM – 1:00 PM

Pride Hair Care: Beauty Beyond Labels — dahil ang bawat isa ay karapat-dapat na maramdaman ang dignidad, kumpiyansa, at pagmamahal, anuman ang kanilang pagkakakilanlan.

23/04/2026

Magandang umaga po sa inyong lahat!

PAHAYAG!Kaugnay ng mga usapin at reaksyon sa kamakailang paglalathala ng listahan ng mga Sangguniang Kabataan sa isang b...
26/03/2026

PAHAYAG!

Kaugnay ng mga usapin at reaksyon sa kamakailang paglalathala ng listahan ng mga Sangguniang Kabataan sa isang bayan dito sa Lalawigan ng Bulacan, na hindi pa nakapagsusumite ng kanilang mga kinakailangang ulat at dokumento.

Bilang Local Youth Development Officer (LYDO), ang hakbang na isinagawa ay hindi naglalayong manira, magpahiya, o magbigay ng negatibong impresyon laban sa sinuman. Sa halip, ito ay isang malinaw at tapat na pagpapahayag ng kasalukuyang estado ng compliance batay lamang sa mga dokumentong opisyal na natanggap at hawak ng tanggapan.

Mahalagang maunawaan na kung walang anumang dokumentong naipasa o naitala, walang batayan ang LYDO upang ituring itong “complied.” Ang pananagutan ng tanggapan ay mag-ulat nang naaayon sa totoong datos—walang labis, walang kulang.

Ang transparency at accountability ay pundasyon ng mabuting pamamahala. Bahagi nito ang pagbibigay-alam sa tunay na kalagayan upang mabigyan ng agarang aksyon at maituwid ang anumang kakulangan. Ang paglalabas ng ganitong impormasyon ay isang paalala sa lahat na ang tungkulin bilang lingkod-kabataan ay may kaakibat na responsibilidad na dapat gampanan nang maayos at sa takdang panahon.

Sa halip na tingnan ito bilang pagbatikos, nawa’y magsilbi itong hamon at pagkakataon upang mas pag-igihin ang pagtupad sa mga obligasyon. Ang LYDO ay hindi kaaway. Ang LYDO ay upang tumulong, gumabay, at makipag-ugnayan sa bawat Sangguniang Kabataan upang matiyak ang maayos at kumpletong pagsusumite ng mga kinakailangang ulat.

Higit sa lahat, masasabi kong maswerte ako dito sa Lungsod ng Malolos dahil ang bawat Sangguniang Kabataan ay patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkulin, sa abot ng kanilang makakaya. Maaaring may mga pagkakataong may nakakaligtaan, ngunit sa tulong ng paalala at koordinasyon, nagagawa at naitatama rin ang mga ito. Ang bawat isang Sangguniang Kabataan ay nakakarinig at nakakatanggap rin ng hindi magagandang salita mula sa amin. Ito ay upang maisakatuparan ang mga responsibilidad na sa kanila ay nakaatang. Hindi kinukunsinti, dahil hindi naman dapat.

Sa huli, ang layunin ay iisa—ang mapalakas ang pamamahala ng kabataan at masigurong maayos, tapat, at responsable ang bawat hakbang tungo sa mas progresibong komunidad.

Maraming salamat.
Para sa kabataan, para sa bayan.

-BPS

ISSKOLAR UPDATE: City Government Scholarship Program Grant for First Semester of SY 2025-2026 (2nd Batch)Where: Malolos ...
14/01/2026

ISSKOLAR UPDATE: City Government Scholarship Program Grant for First Semester of SY 2025-2026 (2nd Batch)
Where: Malolos Sports and Covention Center (MSCC)
Please bring your ID with photocopy
Date of Grant:
Financial Assistance for Senior High School (FASH)
Surname Letter A to Z - January 26, 2026
8:00 AM - 12:30 PM
Tulong Pang-edukasyon sa Kabataang Malolenyo (TPKM)
Surname Letter A to B - January 26, 2026
8:00 AM - 12:30 PM
Surname Letter C to Figueroa - January 26, 2026
1:00 PM - 5:30 PM
Tulong Pang-edukasyon sa Kabataang Malolenyo (TPKM)
Surname Letter Filoteo to Pascual - January 27, 2026
8:00 AM - 12:30 PM
Surname Letter Pasores to Z - January 27, 2026
1:00 PM - 5:30 PM
Note: List of ISSKOLAR will be posted at their respected barangay, and only come on the date and time of schedule. Thank you
Basahin ang kalakip na larawan para sa mga detalye.

Address

Baguio
Malolos

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BPS Movement posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share