Bulacan PHO - Public Health

Directions Website Contact the organization

Bulacan PHO - Public Health This is the official page of Provincial Health Office in the Province of Bulacan

Through excellence and leadership, Provincial Public Health Office shall promote health, prevent diseases and strive to achieve health equity. THIS PAGE IS NOT FOR CONSULTATION AND RESEARCH.
** For concerns, please address your letter to our Provincial Health Officer I Edwin P. Tecson, MD, MPH and send it at [email protected]
** For hiring, please direct your concerns to Provincial Human Resource and Management Office (3/F Capitol Building, City of Malolos, Bulacan)
** For inquiries, call us at (044) 791-8169

Every Story Is Unique, Every Journey Matters ๐ŸฉทNgayong Breast Cancer Awareness Month, mahalagang maging pamilyar sa mga p...
16/10/2026

Every Story Is Unique, Every Journey Matters ๐Ÿฉท

Ngayong Breast Cancer Awareness Month, mahalagang maging pamilyar sa mga posibleng senyales at pagbabago sa suso.

๐Ÿ”Ž May napansing kakaiba? Huwag ipagwalang-bahala. Magpakonsulta sa health professional para sa tamang pagsusuri at payo.

Sama-sama nating palawakin ang kaalaman para sa mas maagap na pangangalaga laban sa breast cancer. ๐Ÿฉท

16/10/2026

DOC ON AIR

Celebration of World Sight Day: See Clearly, Live Fully!

| October 16, 2026

๐Ÿคฐ๐Ÿป๐Œ๐ ๐š ๐Œ๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฒ, ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฌ๐ž๐ง๐ฒ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ข๐› ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ฌ!Ngayong ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐๐ซ๐ž๐ ๐ง๐š๐ง๐œ๐ฒ ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐Ÿ๐š๐ง๐ญ ๐‹๐จ๐ฌ๐ฌ ๐‘๐ž๐ฆ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐š๐ง๐œ๐ž ๐ƒ...
15/10/2026

๐Ÿคฐ๐Ÿป๐Œ๐ ๐š ๐Œ๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฒ, ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฌ๐ž๐ง๐ฒ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ข๐› ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ฌ!

Ngayong ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐๐ซ๐ž๐ ๐ง๐š๐ง๐œ๐ฒ ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐Ÿ๐š๐ง๐ญ ๐‹๐จ๐ฌ๐ฌ ๐‘๐ž๐ฆ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐š๐ง๐œ๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ, ating bigyang pansin ang kalusugan at kaligtasan ng bawat buntis at sanggol upang maiwasan ang kanilang pagkamatay.

๐Ÿšจ Para sa mga buntis, huwag balewalain ang mga senyales ng panganib. Kung may pagdurugo, matinding pananakit ng tiyan, matinding sakit ng ulo o panlalabo ng paningin, pamamanas, lagnat, o panghihina/pagkawala ng galaw ng sanggol, agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health facility.

๐ŸฉบSamantala, kahit walang nararamdamang sintomas, mahalaga na makumpleto ang prenatal check-up upang mabantayan ang kalusugan ni mommy at ni baby.

Sa pamamagitan ng maagap na pagpapatingin, maiiwasan ang komplikasyon at magkakaroon ng malusog na pamumuhay!

Ito ay isang paalala mula sa DOH at Provincial Health Office.

Ngayong ika-15 ng Oktubre, ipinagdiriwang natin ang Global Handwashing Day! ๐Ÿ’ฆ                                           ...
15/10/2026

Ngayong ika-15 ng Oktubre, ipinagdiriwang natin ang Global Handwashing Day! ๐Ÿ’ฆ

Laging alalahanin kung gaano kahalaga ang paghuhugas ng kamay sa paglaban sa mga sakit.
Ito ang pinakamabisang paraan upang protektahan ang sarili at ang ating pamilya.
Kaya naman mula sa , isang paalala na maghugas ng kamay!
Hugasan ang mga kamay ng โฐ 20 segundo para goodbye dumi, hello healthy! Isang paalala ngayong

Nag-iipon ng tubig? Sa dram, balde, timba o batya? Siguruhing may maayos na takip, hindi butas o sira upang hindi ito pa...
14/10/2026

Nag-iipon ng tubig? Sa dram, balde, timba o batya? Siguruhing may maayos na takip, hindi butas o sira upang hindi ito pamahayan at pangitlugan ng lamok!

Namamahay ang lamok na nagdadala ng Dengue sa malinaw na tubig gaya ng ating iniipon.

Simpleng trangkaso? Baka Dengue na 'yan! Alamin ang sakit na Dengue at maging maagap, maging sigurado! Agad na magpakons...
14/10/2026

Simpleng trangkaso? Baka Dengue na 'yan! Alamin ang sakit na Dengue at maging maagap, maging sigurado! Agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.

13/10/2026

Respiratory illnesses like flu, COVID-19 and RSV can make anyone sick.

But certain groups of people face a higher risk of getting very sick from a respiratory illness and should take extra precautions during respiratory illness season.

Are you or is someone you know in one of these groups? Find tips to reduce your risk: https://bit.ly/4fOlQBH

MAGING MAPAGMATYAG AT SUGPUIN ANG MGA POSIBLENG PAMUGARAN NG LAMOK!Alamin kung saan maaaring matagpuanang mga kitikiti. ...
13/10/2026

MAGING MAPAGMATYAG AT SUGPUIN ANG MGA POSIBLENG PAMUGARAN NG LAMOK!

Alamin kung saan maaaring matagpuan
ang mga kitikiti. Karaniwan itong nakikita sa mga lalagyan o sisidlang may naipong tubig, tulad ng timba, plorera, paso, bote, lata, gulong, drum, at iba pang maaaring pamugaran ng lamok.

Kung may makitang kitikiti, agad na itapon ang naipong tubig at linisin ang lalagyan upang mapigilan ang pagdami ng lamok. Regular ding suriin ang paligid at alisin ang mga bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig.

Patuloy na gawin ang 4Ts: Taob, Taktak, Tuyo, at Takip upang mapanatiling malinis at ligtas ang ating tahanan at komunidad.

๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐‡๐„๐€๐‹๐“๐‡ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ ๐Ÿ“ขMga Bulakenyo, maging handa sa banta ng Super El Niรฑo!Hinimok ng Philippine Atmospheric, Geophys...
13/10/2026

๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐‡๐„๐€๐‹๐“๐‡ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ ๐Ÿ“ข

Mga Bulakenyo, maging handa sa banta ng Super El Niรฑo!

Hinimok ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko na maghanda sa posibleng matinding init at iba pang epekto ng Super El Niรฑo sa mga susunod na buwan.

Gawin ang mga hakbang na ito para maging handa sa Super El Niรฑo!

Patuloy na hinihikayat ang lahat na manatiling alerto, magsagawa ng mga kinakailangang paghahanda, at sundin ang mga abiso at health advisories ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Tandaan: Hindi kailangang mag-panic. Maging maalam. Maging handa. Maging ligtas.

๐Ÿ“† ๐Ÿ๐ง๐ ๐–๐ž๐ž๐ค ๐จ๐Ÿ ๐Ž๐œ๐ญ๐จ๐›๐ž๐ซ ๐ข๐ฌ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐Œ๐ฒ๐จ๐ฉ๐ข๐š ๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐œ๐ข๐จ๐ฎ๐ฌ๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐–๐ž๐ž๐ค๐Ÿ‘€๐Ÿ”ŽAng myopia o nearsightedness ay isang kondisyon na kung saa...
12/10/2026

๐Ÿ“† ๐Ÿ๐ง๐ ๐–๐ž๐ž๐ค ๐จ๐Ÿ ๐Ž๐œ๐ญ๐จ๐›๐ž๐ซ ๐ข๐ฌ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐Œ๐ฒ๐จ๐ฉ๐ข๐š ๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐œ๐ข๐จ๐ฎ๐ฌ๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐–๐ž๐ž๐ค๐Ÿ‘€๐Ÿ”Ž

Ang myopia o nearsightedness ay isang kondisyon na kung saan ang paningin ay malabo sa mga bagay na malayo. Kung hindi maagapan, maaaring makaapekto sa pag-aaral at pang araw-araw na gawain lalo na sa mga bata.

Ano ang dapat gawin?
โœ… Magkaroon ng regular na eye check-up.
โœ… Bigyan ng sapat na oras ang mga bata para sa outdoor activities.
โœ… Iwasan ang matagal at tuloy-tuloy na paggamit ng gadgets o pagbabasa nang malapitan.
โœ… Panatilihin ang tamang distansya at sapat na ilaw habang nagbabasa o gumagamit ng gadget.

Kung may napapansing pagbabago sa paningin, kumonsulta sa eye care professional.

Address

Provincial Health Office Building, BMC Compound, Brgy. Mojon, City Of Malolos, Bulacan
Malolos
3000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bulacan PHO - Public Health posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Bulacan PHO - Public Health:

Shortcuts

Share