Luntiang Silong

Luntiang Silong A DOH Designated HIV Treatment Hub

ANNOUNCEMENT 📣Ang ating facility ay sarado ng May 27, 2026 (Wednesday), bilang pagdiriwang ng Eid'l Adha (Regular Holida...
22/05/2026

ANNOUNCEMENT 📣
Ang ating facility ay sarado ng May 27, 2026 (Wednesday), bilang pagdiriwang ng Eid'l Adha (Regular Holiday).

Para sa ibang katanungan tungkol sa ART, PrEP, pagpapa-test, pagkuha ng gamot at pagpapa-kunsulta, maari po kayong magpadala ng mensahe dito sa aming page o phone number, 09234051309.

Para sa mga magpapa-schedule, maaari po kayong pumunta sa ating QuickRes link: https://quickres.org/LuntiangSilong

Isang Tanglaw ng Pag-asa at Pagkilos 🕯️Kami sa Luntiang Silong ay buong pusong nagpapasalamat sa Pamahalaang Lungsod ng ...
22/05/2026

Isang Tanglaw ng Pag-asa at Pagkilos 🕯️

Kami sa Luntiang Silong ay buong pusong nagpapasalamat sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa matagumpay na pagdaraos ng International AIDS Candlelight Memorial noong ika-8 ng Mayo. Ang kolaborasyon na ito ay patunay na sa pagkakaisa lamang natin ganap na mawawakasan ang stigma.

Gaya ng binigyang-diin nina Dr. Ronchie Santos at Kon. Meri Ann Geli Bulaong, ang pagtaas ng bilang ng mga nagpapa-test ay hindi dapat katakutan. Ito ay senyales na mas marami na ang naglalakas-loob na alamin ang kanilang status at aktibong pangalagaan ang kanilang kalusugan. 🩺✨

Pinapangako namin na ang Luntiang Silong, kasama ang Usbong ng Bulakenyo Incorporated, Kalayaan CC, at Republika Community Center, ay mananatiling isang "safe space" para sa lahat: isang ligtas na kanlungan na walang panghuhusga. Titiyakin nating ang impormasyon, gamutan, at moral support ay laging abot-kamay para sa bawat Malolenyo.

Ang bawat kandilang itinirik natin ay simbolo ng ating pangako: Walang sinuman ang kailangang lumaban nang mag-isa. 🤝💚

17/05/2026

Ngayong International AIDS Candlelight Memorial 2026, sinisindihan namin ang bawat kandila para sa 'yo, para sa atin, at para sa buong komunidad. Ang liwanag na ito ay paalala na hindi ka nag-iisa—at hinding-hindi namin hahayaang mapundi ang pag-asa at pagmamahal na para sa iyo.

Ang mga katagang "Remember. Act. Advance." ay di lang basta tema. Ito ay ang aming pangako sayo.

REMEMBER – Buong-puso naming binibigyang-pugay ang kwento, laban, at alaala ng mga nauna sa atin. Ang kanilang tapang ang nagpapatatag sa atin ngayon, at tinitiyak naming hinding-hindi sila malilimutan.

ACT – Dahil ang tunay na kalinga ay nakikita sa gawa. Patuloy kaming lalaban para pabagsakin ang diskriminasyon at stigma, habang sinisiguro na may ligtas, compassionate, at stigma-free sanctuary kang matatakbuhan para sa libreng testing, gamutan, at gabay.

ADVANCE – Kasama ka, sabay-sabay tayong susulong sa isang bukas na walang takot. Sa pamamagitan ng tamang edukasyon at tuluy-tuloy na suporta, abot-kamay natin ang isang magandang kinabukasan na malusog at malaya.

Sama-sama nating panatilihing buhay ang liwanag. Palaging tandaan: Walang "huli na" at walang "mag-isa" sa laban na ito. Tandaan, may ligtas at mapagkalingang silungan na laging bukas at yayakap sa 'yo.

Usbong ng Bulakenyo Incorporated Republika Community Center Kalayaan CC

WE remember. WE take action. 🕯️❤️Ang pag-alala ay mahalaga, pero ang tunay na pagpupugay ay makikita sa ating pag-kilos ...
13/05/2026

WE remember. WE take action. 🕯️❤️

Ang pag-alala ay mahalaga, pero ang tunay na pagpupugay ay makikita sa ating pag-kilos at pag-gawa. Kaya naman noong May 7, dinala nating muli ang HIV Awareness at Testing sa ating Outpatient Department (Bulacan Medical Center - OPD)!

Maraming salamat po sa lahat ng nakilahok at dumaan sa ating booth! Hindi pa tapos ang laban, pero sa tulong ninyo, kaya nating tapusin ang stigma.

Alamin ang iyong status, protektahan ang sarili, at suportahan ang isa’t isa.

ALAMIN ANG STATUS, PROTEKTAHAN ANG KINABUKASAN! 🩺✨​Nasa area lang kami para sa aming IACM Pop-Up Booth.📍Bulacan Medical ...
07/05/2026

ALAMIN ANG STATUS, PROTEKTAHAN ANG KINABUKASAN! 🩺✨

​Nasa area lang kami para sa aming IACM Pop-Up Booth.

📍Bulacan Medical Center Waiting Shed, near Emergency Room

At ngayon, makikita nyo kami ng mas matagal!
9 am - 12 nn
1 pm - 4 pm

​❌ Walang bayad.
​❌ Walang judgement.
​✅ 100% Confidential.
​Daan na at kumuha ng libreng condoms at HIV test. Kita-kits! 🤝
​

ANNOUNCEMENT 📣Ang ating facility ay sarado ng May 01, 2026 (Friday), bilang pagdiriwang ng Labor Day (Regular Holiday).P...
27/04/2026

ANNOUNCEMENT 📣
Ang ating facility ay sarado ng May 01, 2026 (Friday), bilang pagdiriwang ng Labor Day (Regular Holiday).

Para sa ibang katanungan tungkol sa ART, PrEP, pagpapa-test, pagkuha ng gamot at pagpapa-kunsulta, maari po kayong magpadala ng mensahe dito sa aming page o phone number, 09234051309.

Para sa mga magpapa-schedule, maaari po kayong pumunta sa ating QuickRes link: https://quickres.org/LuntiangSilong

Sa lahat ng Luntiang Silong Clients,Magandang araw sa inyong lahat!Sa atas ng Deparment of Health at pamunuan ng Bulacan...
07/04/2026

Sa lahat ng Luntiang Silong Clients,

Magandang araw sa inyong lahat!

Sa atas ng Deparment of Health at pamunuan ng Bulacan Medical Center, ang Luntiang Silong ay nagpapatupad ng appointment schedule para po sa mga naka-schedule for laboratory monitoring at pag-refill ng ating mga gamot. Kayo ay ang aming inaabisuhan na mag appointment sa pamamagitan ng link sa comment section below.

Kayo po ay hinihikayat na magpa-appointment agad matapos ang inyong follow-up upang maiwasan ang kalituhan sa schedule at hindi ninyo ito makalimutan, o di kaya naman po ay within 10 days matapos ang inyong huling follow-up.

Salamat po!

ANNOUNCEMENT 📣Ang ating facility ay sarado ng April 09, 2026 (Thursday), bilang selebrasyon sa Araw ng Kagitingan (Regul...
06/04/2026

ANNOUNCEMENT 📣
Ang ating facility ay sarado ng April 09, 2026 (Thursday), bilang selebrasyon sa Araw ng Kagitingan (Regular Holiday).

Para sa ibang katanungan tungkol sa ART, PrEP, pagpapa-test, pagkuha ng gamot at pagpapakunsulta, maari po kayong magpadala ng mensahe dito sa aming page o phone number 09234051309.

Para sa mga magpapa-schedule, maaari po kayong pumunta sa ating QuickRes link: https://quickres.org/LuntiangSilong

FLASH ANNOUNCEMENT📢Alinsunod sa anunsyo ng ating Bulacan Medical Center – Outpatient Department (BMC-OPD), ang ating pas...
01/04/2026

FLASH ANNOUNCEMENT📢

Alinsunod sa anunsyo ng ating Bulacan Medical Center – Outpatient Department (BMC-OPD), ang ating pasilidad ay bukas lamang hanggang 12:00 nn ngayong araw, April 01, 2026.

Kung kayo po ay naka-schedule ngayong araw, mangyari pong makipag-ugnayan sa amin dito sa page/Messenger, o sa aming hotline: 09234051309

Maaari din po kayong magpa re-schedule online: https://quickres.org/LuntiangSilong

Maraming salamat po.

HOLIDAY ADVISORY 📣Kami po ay sarado sa mga sumusunod na araw:📆 April 02, 2026 - Maundy Thursday📆 April 03, 2026 - Good F...
31/03/2026

HOLIDAY ADVISORY 📣
Kami po ay sarado sa mga sumusunod na araw:
📆 April 02, 2026 - Maundy Thursday
📆 April 03, 2026 - Good Friday

Kung kayo ay may appointment sa mga araw na ito, maaari po kayong magpa-reschedule sa https://quickres.org/LuntiangSilong

Para sa katanungan tungkol sa ART, PREP, pagpapa-test, pagkuha ng gamot at pagpapakunsulta, maari po kayong magpadala ng mensahe dito sa aming page o phone number, 09234051309.

Address

Bulacan Medical Center
Malolos
3000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639234051309

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Luntiang Silong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Luntiang Silong:

Share