03/12/2025
๐๐๐๐จ ๐จ๐ ๐๐ค๐๐๐ง๐ฃ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐๐จ๐๐จ๐๐ ๐
Sumibol ang panibagong pag-asa at kaalaman para sa mga OFW returnee matapos matagumpay na naisakatuparan ng Department of Migrant Workers โ Region III, DMW Bulacan katuwang ang Kubota Philippines, Inc. at PESO San Rafael Bulacan, ang โKubota Saka OFW Expo: Rev-Up sa Modernong Pagsasaka at FAS-SBMT cm Biyaheng Entrepreneur,โ na ginanap sa KPI Demo Farm, Caingin, San Rafael, Bulacan noong Nobyembre 20, 2025.
Sa unang bahagi ng aktibidad, isinagawa ang FAS-SBMT (Financial Awareness SeminarโSmall Business) at Biyaheng Entrepreneur sessions. Tinalakay rito ang wastong pamamahala ng puhunan, pagtatayo ng sustainable livelihood projects, at paghahanap ng mga oportunidad sa agribusiness. Layunin ng mga ito na matulungan ang mga OFW returnee na makabuo ng matatag at pangmatagalang kabuhayan sa kanilang muling pagbalik sa bansa.
Samantala, sa ikalawang bahagi ng programa, binigyan ng pagkakataon ang mga dumalong OFW na makita at masubukan nang personal ang ibaโt ibang makinaryang gawa ng KPI gaya ng traktora, water pump, combine harvester, rice transplanter, at agricultural drone. Sa pamamagitan nito, nagkaroon sila ng aktuwal na karanasan at mas malalim na pag-unawa sa paggamit ng makabagong kagamitan sa agrikultura.
Sa kabuuan, ang programa ay hindi lamang naghatid ng kaalaman at praktikal na karanasan, kundi nagbigay rin ng oportunidad, inspirasyon, at pag-asa para sa mga OFW returnee.
Lagiโt lagi para sa bayan, sa mamamayan, at lalong higit sa mga bagong bayani ng ating lipunan.