29/09/2021
PAALALA SA PUBLIKO:
Ang bawat registrant na nakakumpleto ng PhilSys Step 2 Registration ay may pagkakataong makapagbukas ng bank account gamit lamang ang kanilang Transaction Reference Number o TRN at supporting documents. Ito ay sa pamamagitan ng co-location strategy kasama ang Land Bank of the Philippines.
Mariing ipinapaalala na ito ay transaction accounts at HINDI NAGLALAMAN NG AYUDA. Ito ay BOLUNTARYO at maa-avail lamang sa mga PhilSys registration centers na mayroong Landbank kiosk.
HUWAG i-post o ipakita sa social media ang alinmang impormasyon na may kaugnayan sa PhilSys tulad ng Application Reference Number (ARN), Transaction Slip, PhilSys Number (PSN) at PhilID upang maiwasan maging biktima ng mga iligal na gawain katulad ng IDENTITY FRAUD at alinsunod na rin sa DATA PRIVACY ACT.
Para makapagrehistro ONLINE, magtungo sa https://register.philsys.gov.ph.
Kung may katanungan o nais na impormasyon, magpadala ng mensahe sa m.me/PSAPhilSysOfficial, mag-email sa [email protected], o tumawag sa PhilSys hotline 1388.
'to!