16/08/2023
Halina't makiisa sa Brigada Eskwela 2023!
Muli, malugod po namin kayong inaanyayahan bukas sa gaganaping brigada.
Maaari rin po kayong magdala at mag-donate ng iba't ibang materyales na gagamitin at kailangan ng ating paaralan. Sama-sama po tayo na gawing handa ang ating paaralan para sa susunod na pasukan.
Magkita-kita po tayo bukas!
HALINA'T MAKIISA SA BRIGADA ESKWELA, 2023
Malugod po namin kayong inaanyayahan na makiisa sa gaganapin na Brigada Eskwela na may temang "BAYANIHAN para sa MATATAG na PAARALAN, tara na magbrigada na tayo!" Agosto 17-18, 2023.
Maaari rin po kayong magdala at mag-donate ng iba't ibang materyales na gagamitin at kailangan ng ating paaralan. Sama-sama po tayo na gawing handa ang ating paaralan para sa susunod na pasukan.
Para sa mga tanong at karagdagang impormasyon, maaaring mag-message dito sa ating official page.
Makipagtulungan para sa kalinisan ng ating paaralan. Magkita-kita po tayo dito sa Santiago-Malvar Senior High School. See you soon, parents and students.