06/05/2026
ARAL SUMMER PROGRAM – UNANG ARAW
Matagumpay na nagsimula ang ARAL Summer Program (Academic Recovery and Accessible Learning) sa San Juan Elementary School na tatagal mula May 6 hanggang June 2, 2026.
Naging maayos at organisado ang unang araw ng programa sa pangunguna ng mga g**o, katuwang ang aktibong suporta ng mga magulang at ng buong komunidad. Kitang-kita ang kasiglahan at interes ng mga mag-aaral sa kanilang pakikilahok sa mga gawaing naglalayong mapalakas ang kanilang kaalaman at kasanayan.
Ang programang ito ay patuloy na isinasagawa bilang bahagi ng adhikain ng paaralan na matulungan ang bawat mag-aaral na mapaunlad ang kanilang pagkatuto at mapatatag ang kanilang akademikong pundasyon.