09/06/2026
📢 PATALASTAS
Mga kabarangay nais po namin ipaaalam sa inyo at ipaalala po ang pag hiwa - hiwalay ng ating mga basura kagaya ng sumusunod:
🟢 Nabubulok – tirang pagkain, balat ng prutas at gulay ( ito po dapat ay hindi niyo sinasama sa papel at plastic po )
🔵 Di-nabubulok – plastik, bote, lata, at iba pang maaaring i-recycle
🔴 Mapanganib na basura – sirang bombilya, baterya, at mga kemikal
Tandaan: Ang wastong paghihiwalay ng basura ay nakatutulong sa pangangalaga ng kalikasan, pag-iwas sa sakit, at pagpapanatili ng kaayusan sa ating kapaligiran.
Paalala po muli hindi po kokolektahin ang inyo basura kung hindi po ito naayon o bukod bukod at nakikiusap po kami na kung pwede wag gumamit ng sako ang pinapayagan lang po ay clear na plastic.
Pakiusap din po sa mga pasaway na nagtatapon po kung saan saan po sana naman po ay natuto tayo sumunod sa batas po ng ating barangay sa mga mahuhuli pero meron po tayo multq sa mga lumalabag po.
“Magbukod ng basura ngayon, para sa mas malinis at mas ligtas na kinabukasan!”
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at pakikipagtulungan.