02/06/2026
Mula sa Tanggapan ng Punumbayan ng Malvar, Batangas:
Isa sa pangunahing layunin ng lokal na pamahalaan ng Malvar, Batangas na nakasaad sa 10-point agenda nito ay ang #2 Edukasyon Papahalagahan.
Ang Balik Eskwela Program for K-6 Learners na may nakalaang budyet na P24 milyon ay naglalayong mabigyan ng isang kumpletong uniporme at gamit pampaaralan ang higit-kumulang na 8,000 Malvareñong mag-aaral ng 21 pampublikong paaralan mula Kinder hanggang Anim na Baitang .
Alinsunod sa Ordinansa Blg. 006-12 Serye ng 2025 at 170-11 Serye ng 2026, itinatakda na maglaan ng pondo para sa programang Balik Eskwela at maibahagi ang mga sumusunod:
KINDERGARTEN:
School Uniform with patch
White Polo, Black Pants,
White Blouse, Navy Blue Skirt
Logo Patch
1pair of Black Shoes and White Socks
School Bag (Customized) with School Supplies:
Pencil Pouch (customized)
Umbrella (customized)
ID Lanyard (customized)
Writing Notebook (80 leaves) (4 pieces)
Big Crayons (8 colors)
Big Pencil (2 pieces)
Scissors for kids
Glue
GRADES 1 to 3:
School Uniform with patch
White Polo, Black Pants,
White Blouse, Navy Blue Skirt
Logo Patch
1pair of Black Shoes and White Socks
School Bags (Customized) with School Supplies:
Pencil Pouch (customized)
Umbrella (customized)
ID Lanyard (customized)
Writing Notebook (80 leaves)(4 pieces)
Pencil No.2 (3 pieces)
Eraser
Sharpener
Ruler
GRADES 4 to 6:
School Uniform with patch
White Polo, Black Pants,
White Blouse, Navy Blue Skirt
Logo Patch
1pair of Black Shoes and White Socks
School Bags (Customized) with School Supplies:
Pencil Pouch (customized)
Umbrella (customized)
ID Lanyard (customized)
Composition Notebook (80 leaves)(4 pieces)
Black Ballpen (3 pieces)
Correction Tape
Ruler
Bilang pondo ng bayan, ang pagkakasakatuparan ng nasabing programa ay dumaan ng Public Bidding noong Pebrero 24, 2026. Iginawad ang Notice of Award sa kwalipikadong supplier noong Marso 19, 2026.
Subalit, sa kinakaharap na Energy Crisis ay bahagyang bumagal ang supply chain. Kung kaya ang mga materyales na ginagamit para sa paggawa ng mga pampaaralang pananamit at gamit ay lubos na naapektuhan.
Ang lokal na pamahalaan ay taos pusong humihingi ng inyong pang-unawa hinggil sa pamamahagi ng mga nasabing gamit pampaaralan.
Mananatiling bukas ang aming tanggapan upang bigyan ng paglilinaw ang inyong mga katanungan at komento.
Para sa isang matatag na pamahalaan at maginhawang mamamayan tungo sa masagana at panatag na kinabukasan.
Maraming Salamat po.