20/08/2026
PGOM, Kabilang sa 60 Piling Ahensya sa PRIME-ESG Foundations Course.
Dumalo si Governor Eduardo B. Gadiano sa ginanap na Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence: Embedded Systems Governance (PRIME-ESG) Foundation Course sa Quezon City, na isinagawa ng Civil Service Commission (CSC) Central Office. Kasama ni Gov. Ed sina Ms. Marife T. Taรฑala, Provincial HRMO; Mr. Manuel T. Tria, Jr., Provincial Budget Officer; at Mr. John Reynold V. Mulingbayan, SAO ng HRMO.
Bilang isa sa mga Bronze Awardees ng PRIME-HRM, mapalad ang Provincial Government of Occidental Mindoro (PGOM) na mapabilang sa 60 ahensya sa buong bansa na napili para sa pilot testing ng PRIME-ESG. Sa loob ng dalawang araw na orientation, nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa ang mga kalahok mula sa NGAs, GOCCs, SUCs, at LGUs hinggil sa konsepto, layunin, at paraan ng implementasyon ng programa sa kani-kanilang ahensya.
Sa ilalim ng PRIME-ESG, higit na bibigyang-pansin ang aktuwal na pagpapatupad ng mga HR systems sa loob ng ahensya. Hindi lamang nito tinitingnan kung kumpleto ang mga dokumento o sumusunod sa mga requirements ang isang ahensya; layunin din nitong masubaybayan at matiyak kung paanong ang human resource management ay magkakaroon ng tiyak, matibay at makataong pamamaraan na sumasalamin sa mga lingkod bayaning may puso, dangal, at galing para sa bayan.
Sa pagdalo ni Gov. Ed, nagkaroon din siya ng pagkakataong makadaupang-palad ang ilang matataas na opisyal ng CSC Central Office at maibahagi ang karanasan at mga naging hakbang ng PGOM sa pagpapaunlad ng human resource management.
Ipinakita rin ni Gov. Ed ang kanyang suporta at enthusiasm sa bagong yugto ng HR journey ng PGOM sa ilalim ng PRIME-ESG.
Samantala, sa mensahe ni CSC Chairperson Marilyn B. Yap kanyang binigyang-diin na hinihikayat ng PRIME-ESG ang mga institusyon ng pamahalaan sa higit pa sa simpleng pagsunod sa mga patakaran. Layunin nitong tiyakin na ang mga sistema ng ahensya ay epektibo, sustainable, patas, at may pananagutanโat higit sa lahat, nakatutulong sa mas mahusay na pamamahala at mas malaking public value.
Para sa PGOM, ang PRIME-ESG ay hindi lamang isang bagong assessment framework, kundi isang pagkakataon upang higit pang mapatatag ang mga HR systems, mapahusay ang serbisyo sa mga empleyado, at matiyak na ang bawat HR practice ay may konkretong ambag sa paghahatid ng mahusay, makatarungan, at makabuluhang serbisyo publiko.