31/05/2026
๐๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐๐ก๐๐ก๐๐๐ฉ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐ช๐๐๐ฎ: 68๐๐ฝ ๐๐๐ฃ๐๐ช๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐ฝ๐ก๐ค๐ค๐๐ก๐๐ฉ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ฉ๐ฎ
RIZAL, Occidental Mindoro โ Nakiisa ang mga kasundaluhan ng 68th Infantry (Kaagapay) Battalion (68IB), 1702nd Community Defense Center (1702CDC), CAFGU Active Auxiliary (CAA), San Jose Mindoro Eagles Club, San Jose Mindoro Lady Eagles Club, at mga opisyal ng Barangay Murtha, San Jose, Occidental Mindoro sa isinagawang Bloodletting Activity ngayong ika-30 ng Mayo 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-39 na Anibersaryo ng Southern Luzon Command (SOLCOM).
Bilang suporta sa makataong gawaing ito na pinangunahan ni G. Menard Bautista, kinatawan ng Philippine Red CrossโSan Jose, Occidental Mindoro, mahigit 40 sundalo, CAA, at iba pang stakeholders ang boluntaryong nag-alay ng kanilang dugo.
Layunin ng aktibidad na makatulong sa pagtugon sa pangangailangan ng suplay ng dugo sa mga pagamutan, lalo na para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang blood transfusion at iba pang kritikal na serbisyong medikal.
Ang gawaing ito ay sumasalamin sa diwa ng kabayanihan at malasakit na isinusulong ng kasundaluhan, at nagsisilbing patunay ng patuloy na pakikiisa ng 68IB sa mga makatao at makabuluhang programang naglilingkod sa kapakanan ng komunidad.
#๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ๐๐๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐๐๐ฃ๐ฎ๐๐ฟ๐ถ๐ผ๐๐ถ๐๐บ