01/08/2021
Ang mga sanggol ay may paraan ng pagbibigay ng kagalakan sa ating buhay.....
Noong nakarating sa kaalaman ni Gobernador Eduardo Gadiano ang idinudulog na tulong ni Bb. Angel Grace para sa kambal na sina Dairyl at Daira, ang Gobernador ay agad nag atas sa PSWDO sa pamumuno ni Gng. Rosalina Lamoca upang maipagamot ang mga ito. Kaagad din namang inatasan ni Gng. Lamoca ang kanyang mga staff, lulan ng ambulansya ng PDRRMO upang sunduin sa Barangay Burgos, Sablayan ang kambal upang maipagamot At sa tulong ni Dra. Ma. Teresa V. Tan, PHO head at isang Pediatrician nabigyan ng kaukulang lunas ang kanilang karamdaman.
Mabigyan din ang kambal ng mga gamot at bitamina.