Carlo Tol Diaz

Carlo Tol Diaz Public Service Only.

Dahil ang pagbibigay serbisyo publiko ay walang pinipiling Panahon.Di lingid sa kaalaman ng lahat na ang isa sa mga kasa...
06/12/2025

Dahil ang pagbibigay serbisyo publiko ay walang pinipiling Panahon.

Di lingid sa kaalaman ng lahat na ang isa sa mga kasalukuyan kinakaharap na problema ng bayan ay ang mga aksidente, kakulangan ng papeles at paglabag sa batas trapiko.

Kung kaya sa ikalawang-pagkakataon sa pangunguna at inisyatibo ng ating Mayor Atty. E-K Almero at ng Sangguniang Bayan ay isinagawa natin ang FREE Theoretical Driving Course (TDC) upang unti-unti ay mabigyan ng tamang kaalaman ang ating mga kababayan. Gayundin ay mabawasan ang di pagkakaunawaan at pagtatalo sa daan.

DISIPLINA ang susi para sa maayos, matiwasay, at payapang pagmamaneho sa daan. Ang LTO ay hindi natin kaaway bagkus isang katuwang tungo sa tamang pagsunod ng ating mga patakaran.

Para sa bayang Maipagmamalaki ng Bayan ng Mamburao Naman.

Drive safely and God Bless! 💚🤙🫡


07/08/2023

Welcome to Occidental Mindoro!

Thank you CNN Phillipines for featuring our beloved province.

Beware of the word “CLEAN TITLE” You can only call it clean title IF: ⭕ Owners that appears in the title of the property...
26/07/2023

Beware of the word “CLEAN TITLE”

You can only call it clean title IF:

⭕ Owners that appears in the title of the property are still ALIVE & CAN SIGN documents

⭕ NO disputes attached in the title AND “certified true copy” of the title.

Please take note of the word “AND” because not all disputes are printed in the original title itself. Thus, it is very important to request for the latest certified true copy of the title.

⭕ All real estate taxes are paid on time. Always request for latest real estate tax clearance.

⭕ If the owners are married (on or after 1987) the property is considered conjugal even if only one property owner is in the title. Both should sign sale documents. Should the property owner dies, heirs should file and pay for the estate tax of all the properties.

⭕ If the property estate taxes are not yet paid, the property cannot be called “CLEAN”.

⭕ Magkaiba po ang real estate tax na binabayaran ninyo annually at ang estate tax (BIR FORM 1801). You only pay estate tax if the owner in the title is already dead. Penalties (like big penalties) apply for late filing. ctto

21/07/2022

Power Crisis, Dengue Outbreak. Tapos hanggang ngayon Covid Alert level 2 pa rin. Let us work together mga Mindoreno. Malalampasan din natin ang mga krisis. Ingat!

Wala yan sa lalim ng pagkakadapa, kundi sa paano ka babangon at magpapatuloy.Marami pong salamat sa lahat ng tumulong, n...
11/05/2022

Wala yan sa lalim ng pagkakadapa, kundi sa paano ka babangon at magpapatuloy.

Marami pong salamat sa lahat ng tumulong, nagsakripisyo at ipinangampanya ako. Sobra ko pong na-aappreciate ang kabutihan nyo sakin. Sa aking pamilya, pamilya ni May, kamag-anak, churchmate, classmate/batchmate, kaibigan, ka-Apo, mamburao fraternities, supporters, dating katrabaho, tropa, kabataan, kababata sa dos, kabarangay, ka-boninghood at kababayan salamat po sa inyo.

What a wonderful experience. 🙏

To God still be the Glory.

30/04/2022
Naniniwala pa rin ako sa Malinis na pangangampanya. Mas masarap manalo galing sa sipag at tyaga kesa sa panininira.Sa 19...
12/04/2022

Naniniwala pa rin ako sa Malinis na pangangampanya. Mas masarap manalo galing sa sipag at tyaga kesa sa panininira.

Sa 19 na kandidato ng Konsehal ako na lang ang nag-iisang walang partido. As in independent. Sariling sikap, gastos, tyaga at hirap. Kaya wala na kong panahon para sumali sa batuhan ng putik. Pero ganun pa man alam kong may mga tahimik na sumusuporta sakin at naniniwala rin sa bagong politika.

Salamat po sa inyo. Kayo ang nagbibigay lakas ng loob sakin kahit sunog na ang balat at butas na ang bulsa. Hahaha 😅😅😅

Malalim at nakakapagod man ang gumawa ng balon bandang huli lalabas din ang tubig at maraming tao ang makikinabang.

A Blessed Holy Week po sa lahat.

PS. Congrats sa mga bagong abogado. Mabuhay kayo!

Walang malaking pondo, wala rin partido pero may credentials at malinis na pagkatao.Kung ang labanan ay perahan at param...
29/03/2022

Walang malaking pondo, wala rin partido pero may credentials at malinis na pagkatao.

Kung ang labanan ay perahan at paramihan ng pamudmud sa tao. Dehado tayo. Pero kung kakayahan sa pag-iisip ng mga ordinansa at batas na kapaki-pakinabang. Panalo tayo.

Maraming salamat po sa inyo na mga tunay na sumusuporta at di nagpapadala sa pera. Kayo ang dahilan kung bakit kahit mahirap lumaban at sinubukan kong makipagsapalaran.

Balang araw itong ginagawa ko ay magiging patunay na hindi laging pera, partido o makinarya ang magpapanalo sa kandidato. Basta ikaw ay may kakayahan, talino at sinserong puso sa paglilingkod. Magugustuhan ka ng mga tao at kanilang iboboto.

At sa susunod mas marami pang magagaling na kabataan ang magbibigay ng kanilang sarili para sa bayan.

Iboto!

#9 Diaz Tol Carlo

Mamburao

Address

Mamburao
5106

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Carlo Tol Diaz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Carlo Tol Diaz:

Share

Category