OPAD-Records and Archives Division

OPAD-Records and Archives Division Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from OPAD-Records and Archives Division, Public & Government Service, OCCIDENTAL MINDORO, Mamburao.

24/05/2026
22/05/2026
22/05/2026

𝗥𝗲𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁 𝗕𝗲𝗴𝗶𝗻𝘀 𝗮𝘁 𝗛𝗼𝗺𝗲, 𝗣𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝘁𝗮𝗿𝘁𝘀 𝗪𝗶𝘁𝗵 𝗨𝘀
𝗦𝘁𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝗶𝗲𝘀, 𝗦𝗮𝗳𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 💜

Ang Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ng 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐏𝐞𝐚𝐜𝐞 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐏𝐎𝐒), katuwang ang 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐖𝐞𝐥𝐟𝐚𝐫𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐒𝐖𝐃𝐎), 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐍𝐏), at ibang ahensya ng Pamahalaan, sa pangunguna ni 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐄𝐝𝐮𝐚𝐫𝐝𝐨 𝐁. 𝐆𝐚𝐝𝐢𝐚𝐧𝐨 bilang 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐏𝐞𝐚𝐜𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 (𝐏𝐏𝐎𝐂) 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧, ay patuloy na nagsusulong ng mga programa at kampanya laban sa 𝐕𝐢𝐨𝐥𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐀𝐠𝐚𝐢𝐧𝐬𝐭 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝𝐫𝐞𝐧 (𝐕𝐀𝐖𝐂).

Ang paggalang, pagmamahal, at pagprotekta sa kababaihan at kabataan ay responsibilidad ng bawat isa. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng komunidad, sama-sama nating maiiwasan ang karahasan at mapananatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang lipunan.

✔️ Maging mabuting halimbawa
✔️ Magsalita laban sa abuso
✔️ Suportahan ang mga biktima
✔️ Pairalin ang respeto at malasakit

Sama-sama nating wakasan ang karahasan at itaguyod ang ligtas na kinabukasan para sa kababaihan at kabataan.

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!


20/05/2026

𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗞𝗧𝗜𝗕𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟯𝗥𝗗 𝗜𝗡𝗙𝗔𝗡𝗧𝗥𝗬 (𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗬𝗔𝗣𝗔𝗔𝗡) 𝗕𝗥𝗜𝗚𝗔𝗗𝗘

Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamumuno ni 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗢𝗥 𝗘𝗗 𝗚𝗔𝗗𝗜𝗔𝗡𝗢 bilang PPOC Chairperson, at sa pamamagitan ng programa ng Provincial Peace Order and Safety Office (PPOS) ang halagang ₱100,000.00 bilang suporta sa operasyon at mga aktibidad ng 203rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Brigade, 2ID, Philippine Army.

Ang nasabing suporta ay bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan at pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng mga kinauukulang ahensya upang higit pang mapalakas ang kapayapaan at seguridad sa ating lalawigan.

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!


20/05/2026

𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗣𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗧𝗜𝗢 𝗕𝗔𝗟𝗔𝗡𝗜, 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔, 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗕𝗟𝗔𝗬𝗔𝗡

Sa pangunguna ng Provincial Governor's Office – Municipal and Barangay Affairs Office (MBAO) at sa ilalim ng pamumuno ni 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗢𝗥 𝗘𝗗 𝗚𝗔𝗗𝗜𝗔𝗡𝗢, matagumpay na naipagkaloob ang halagang ₱133,510.00 bilang suportang pinansyal para sa pagpapagawa ng Bahay Pulungan ng mga katutubong Mangyan sa Sitio Balani, Brgy. Ligaya, sa bayan ng Sablayan.

Ang nasabing proyekto ay magsisilbing sentro ng mga pagpupulong at gawaing pangkomunidad para sa ating mga kapatid na katutubo. Samantala, sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na naisusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ang malasakit sa mga katutubong komunidad tungo sa mas maayos at inklusibong kaunlaran.

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!




Reference Post: https://www.facebook.com/share/p/1KqAFbroJr/

19/05/2026
13/05/2026

𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗢𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗢𝗥𝗢, 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗟𝗖𝗣𝗖 𝗙𝗨𝗡𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦𝗦𝗠𝗘𝗡𝗧

Kinilala ang Lalawigan ng Occidental Mindoro sa isinagawang 2026 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Assessment ng DILG MIMAROPA Region para sa taong 2025 matapos makamit ang “IDEAL” Level of Functionality.

Sa pamumuno ni 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗢𝗥 𝗘𝗗 𝗚𝗔𝗗𝗜𝗔𝗡𝗢, nakapagtala ang Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) ng kabuuang rating na 88.83%, dahilan upang pumangalawa ang lalawigan sa may pinakamataas na marka sa buong MIMAROPA, kasunod ng Puerto Princesa City, at manguna naman sa hanay ng mga probinsya.

Katuwang sa pagkilalang ito ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Ms. Rosalina R. Lamoca, bilang PCPC Secretariat, para sa kanilang mahusay na suporta sa paghahanda at pagsasakatuparan ng mga kinakailangan sa assessment.

Samantala, sa patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya, lokal na pamahalaan, at mga komunidad, nananatiling isa sa mga prayoridad ng lalawigan ang pagbibigay proteksyon sa ating mga kabataan.

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!




Photo from: DILG MIMAROPA Region

Address

OCCIDENTAL MINDORO
Mamburao
5106

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OPAD-Records and Archives Division posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share