03/09/2026
๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Aktibong nakibahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro sa Capacity Development Exposition (CapDev Expo) 2026 na isinagawa noong Agosto 25โ26 sa Citystate Asturias Hotel Palawan, Puerto Princesa City.
Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) MIMAROPA at ng Local Government Academy (LGA), layunin ng dalawang araw na pagtitipon na palakasin ang capacity development initiatives ng mga lokal na pamahalaan at magsilbing plataporma para sa pagbabahagi ng mga makabagong karanasan, estratehiya, at solusyon sa local governance.
Dumalo para sa Occidental Mindoro si Ms. Juvilyn Z. Tepico, Local Assessment Operations Officer IV, sa nasabing pagtitipon. Naging isa rin siya sa mga resource speaker sa session na โCapacity Development Agenda Formulation Alignment (Province-Municipal Perspective),โ kung saan ibinahagi niya ang karanasan at pananaw ng Occidental Mindoro sa pagtutugma ng mga prayoridad sa capacity development sa antas ng probinsya at mga munisipalidad.
Binigyang-diin sa session ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magkakaugnay na capacity development priorities upang matiyak na ang mga programa at intervention ay tumutugon sa aktuwal na pangangailangan ng mga LGU at nakahanay sa kanilang mga development goals.
Naging bahagi rin ang PGOM ng CapDev Learning Lab, na nagsilbing venue para sa pagpapalitan ng kaalaman, karanasan, at mga best practices sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan, national government agencies, Local Reserve Institute, Local Governance Resource Centers, academe, at iba pang development partners.
Tinalakay sa CapDev Expo 2026 ang iba't ibang mahahalagang usapin sa local governance, kabilang ang transformative governance, digital LGUs and open governance, resilient at citizen-centered public service delivery, early childhood education, at health governance.
Isinagawa rin ang CapDev Hackathon at Pitch Fest, kung saan binigyang-puwang ang mga kalahok na tukuyin ang mga hamon sa local governance at bumuo ng mga makabagong ideya at posibleng solusyon upang higit pang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo publiko.
Bilang pagkilala sa naging ambag ng lalawigan sa aktibidad, ginawaran ng Local Government Academy ng Plaque of Appreciation ang Provincial Government of Occidental Mindoro para sa pagbabahagi nito ng kaalaman at expertise sa Capacity Development Exposition 2026.
Ang pakikibahagi ng Occidental Mindoro sa CapDev Expo ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng administrasyon ni Gov. Ed ng mas mahusay, episyente at tumutugong pamahalaang lokal. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pagpapalitan ng kaalaman sa ibaโt ibang institusyon, patuloy na pinauunlad ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga pamamaraan nito upang higit pang mapahusay ang paglilingkod sa mga Occidental Mindoreรฑo.
๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐ข!
โ๐๐๐ก๐๐๐ข ๐ก๐, ๐ ๐๐ฆ ๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ก ๐ฃ๐!
โ
โ
โ