Agricultural Biosystem Engineering - Occ. Mindoro

Agricultural Biosystem Engineering - Occ. Mindoro Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Agricultural Biosystem Engineering - Occ. Mindoro, Public & Government Service, Provincial Capitol Building, Occidental Mindoro, Mamburao.

02/03/2023
02/03/2023
Nagsagawa kamakailan ng on-hands training ang mga staff ng Agricultural and Biosystem Engineering Office sa bayan Mambur...
10/08/2022

Nagsagawa kamakailan ng on-hands training ang mga staff ng Agricultural and Biosystem Engineering Office sa bayan Mamburao na kung saan iba’t ibang mga farm machineries at equipment ang kanilang personal na nagamit. Layon nito na mas lumawak ang kanilang kaalaman at personal na maranasan humawak ng mga nasabing kagamitang pambukid at pangsaka, gayundin ang nasabing aktibidad ng mga staff ng ABEO ay bahagi ng kanilang capacity development upang makapagbigay ng ibayong Serbisyong Ganado sa ating mga kababayan. Lubos din ang pasasalamat ng ABE Office kay Ginoong Dhing Tuscano ng bayan ng Sta, Cruz sa kanyang mainit na pagtanggap at pagtulong sa mga staff ng ABEO.

Matapos ang naging evaluation and monitoring sa MAPSA at Sabalayan ng mga kawani ng PhilMech sa pakikipagtulungan ng Agr...
21/06/2022

Matapos ang naging evaluation and monitoring sa MAPSA at Sabalayan ng mga kawani ng PhilMech sa pakikipagtulungan ng Agricultural and Biosystem Engineering Office ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kanlurang Mindoro, agad namang nagtungo ang mga naturang staff sa SAMARICA Area upang ituloy ang isinisagawang monitoring and evaluation sa mga makinaryang pambukid na ipinagkaloob ng PhilMech sa mga asosasyon at kooperatiba.

Ang mga makinaryang pansaka mula sa RCEF-Mechanization program ng PhilMech ay napakalaki ng naitutulong sa modernisasyon ng mga pamamaraan ng pagsasaka, sa ganitong paraan ay mas madadagdagan ang kita ng ating mga magsasaka at mas mapapa gaan ang kanilang mga gawain. Dahil na rin sa mabigat na trabaho na ginagampanan ng mga nasabing makinaryang-pambukid, kailangang masisiguro na wasto ang maintenance ng mga ito, kung kaya’t ang PhilMech at ABE office ay nagtutungo sa mga recipients ng mga nasabing makinarya upang masiguro na ligtas at gumagana ang mga ito.

Hindi lamang sa pagbibigay ng tulong pangkabuhayan ng mga makinaryang pambukid natatapos ang PhilMech kundi nagsasagawa ...
15/06/2022

Hindi lamang sa pagbibigay ng tulong pangkabuhayan ng mga makinaryang pambukid natatapos ang PhilMech kundi nagsasagawa rin ito ng mga Monitoring and Evaluation activities kaagapay ang Pamahalaang Panlalawigan at ng Agricultural and Biosystem Engineering Office (ABE). Kamakailan lamang ay nagsagawa ng on-site monitoring and evaluation ang ABE at PhilMech sa mga naging benepisyaryo nito ng mga makinanang pambukid sa MAPSA Area at sa bayan ng Sablayan.

Layunin ng ng nasabing aktibidad na malaman ang operational status ng mga makinarya, degree of utilization, at kung ano ang nagawa at naiambag para maibsan ang kahirapan na nararanasan ng ating mga magsasaka, isa-isang tinutungo ng mga nasabing kawani ng PhilMech at ABE ang mga kooperatiba at asosasyon na nabiyayaan ng mga makabagong makinaryang pambukid tulad ng mga combined harvester, hand tractor at mechanical dryer.

Kasama ang mga kawani ng Provincial Assessors Office (PASSO), Provincial Planning and Development Office (PPDO), Provinc...
25/05/2022

Kasama ang mga kawani ng Provincial Assessors Office (PASSO), Provincial Planning and Development Office (PPDO), Provincial Engineering Office (PEO), Office of the Provincial Agriculturist (OPA), at ng Agricultural and Biosystem Engineering Office (ABE), sama-samang nag ocular visit o bumisita sa isang lugar sa Brgy. Murtha sa bayan ng San Jose na posibleng pagtayuan ng isang napakalaking Post-Harvest Facility na makakatulong sa ating nga magsasaka ng Kanlurang Mindoro.

Ang nasabing proposed Post-Harvest Facility ay mangagaling mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PhilMech sa pakikipagtulungan ng ang ating Pamahalaang Panlalawigan. Sa pamagitan ng pagpapatayo ng nasabing facility ay magkakaroon ng kaluwagan at kaalwanan ang ating mga kababayang magsasaka sa pagproproseso ng kanilang mga inaning palay.

Matatandaan na nitong nakaraan lamang ay namahagi ng mga makinaryang pambukid ang PhilMech tulad ng mga combined harvester, mechanical dryer at mga farm at hand tractors para sa mga asosasyon at kooperatiba sa ating lalawigan.

Isang mapalad na Farmers Association mula sa bayan ng Sablayan ang kamakailan lamang ay napagkalooban ng IMPELLER RICE M...
06/05/2022

Isang mapalad na Farmers Association mula sa bayan ng Sablayan ang kamakailan lamang ay napagkalooban ng IMPELLER RICE MILL for white and brown rice mula sa RCEF-mechanization program. Patuloy po tayong gagabayan ng ating Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Agricultural and Biosystem Engineering Division (ABEO) upang magpatuloy ang pagtangap ng mga post-harvest na teknolohiya mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan lalong-lalo na sa RCEF.

Hangad din po ng ating Gov. Ed Gadiano na patuloy na mapaunlad ang ating pamumuhay at kabuhayan ng ating mga kapatid na magsasaka ng lalawigan ng Kanlurang Mindoro.


-ABEoffice

Mahalagang napupuntahan at nakakadaupang-palad natin ang ating mga kababayang magsasaka sa kanilang mismong sakahan at b...
22/04/2022

Mahalagang napupuntahan at nakakadaupang-palad natin ang ating mga kababayang magsasaka sa kanilang mismong sakahan at bukirin upang mailapit ang mga serbisyo ng ating pamahalaan sa ating mga kababayan.

Kamakailan lamang ay personal na tinungo ng ating mga staff mula sa Agricultural and Biosystem Engineering (ABE) ang mga magiging recipient o mga napiling mga magsasaka at kooperatiba na makakatanggap ng mechanical dryer na lubos na makakatulong sa pagpapatuyo ng kanilang mga inaning palay. Sa atas na rin ng ating Gobernador Eduardo B, Gadiano, ang ating mga staff mula sa ABE ay walang tigil sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa ating mga kababayan upang matiyak na ang mga tulong at programa ng Pamahalaang Panlalawigan ay maibahagi ng naayon sa kanilang mga pangangailangan.

Ang mechanical dryer ay isa sa matagal nang inaantay ng makina ng ating ating mga kababayang magsasaka na makakapagsalba sa kanilang mga inaning palay mula sunod sunod na ulan sa panahon ng anihan, lalo na ang ating bansa ay madalas natatamaan ng mga malalakas na bagyo tuwing sasapit ang panahon ng tag-ulan. Umasa po tayo na patuloy ang mga ganitong programa at proyekto mula sa RCEF- Mechanization Component ng PhilMech.

Address

Provincial Capitol Building, Occidental Mindoro
Mamburao
5106

Telephone

+639772902132

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Agricultural Biosystem Engineering - Occ. Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Agricultural Biosystem Engineering - Occ. Mindoro:

Share