04/06/2026
๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐ข๐ฃ๐ ๐ก๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐ฟ๐๐ฒ๐๐ ๐๐ฎ๐น๐น ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐จ๐ด๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐จ ๐ป๐ด ๐ข๐ฐ๐ฐ๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ผ
Noong Hunyo 2โ3, 2026, bumisita sa Lalawigan ng Occidental Mindoro ang ๐พ๐ค๐ข๐ข๐๐จ๐จ๐๐ค๐ฃ ๐ค๐ฃ ๐๐ค๐ฅ๐ช๐ก๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ซ๐๐ก๐ค๐ฅ๐ข๐๐ฃ๐ฉ (๐พ๐๐ฟ) ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ผ sa pangunguna ni ๐๐จ. ๐๐ก๐ค๐ง๐๐ฃ ๐. ๐๐๐ฃ๐ก๐ค, ๐๐๐๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐ฟ๐๐ง๐๐๐ฉ๐ค๐ง, kasama si ๐๐ง. ๐๐๐ง๐ ๐ก๐๐ช๐ง๐๐ฃ๐๐ ๐๐ช๐๐ก๐ก๐๐จ, ๐ผ๐จ๐จ๐๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐ฉ ๐๐๐๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐ฟ๐๐ง๐๐๐ฉ๐ค๐ง, at ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ข๐๐ mga kawani ng ๐๐๐๐ฟ๐-๐๐๐๐ฟ๐๐ ๐ฟ๐๐ซ๐๐จ๐๐ค๐ฃ upang magsagawa ng serye ng courtesy call at pagpapatibay ng ugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa lalawigan.
Unang nagsagawa ng courtesy call ang delegasyon kay๐๐ค๐๐๐ง๐ฃ๐๐๐ค๐ง ๐๐๐ช๐๐ง๐๐ค ๐ฝ. ๐๐๐๐๐๐ฃ๐ค, na kinatawan nina Ms. ๐๐ช๐ง๐๐๐ก ๐๐๐๐ช๐๐ก๐๐๐ฃ๐, ๐๐ง๐ค๐ซ๐๐ฃ๐๐๐๐ก ๐ผ๐๐ข๐๐ฃ๐๐จ๐ฉ๐ง๐๐ฉ๐ค๐ง, at Ms. ๐๐๐ง๐ฎ๐ก๐ค๐ช ๐พ๐ค๐ก๐ค๐๐๐ฃ, ๐๐ญ๐๐๐ช๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ผ๐จ๐จ๐๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐ฉ ๐๐. Naging daan ang pagpupulong upang higit na mapalakas ang koordinasyon at pakikipagtulungan ng CPD at ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapatupad ng mga programang pang-populasyon at kaunlaran.
Matapos nito, nagtungo ang grupo sa mga munisipalidad ng Rizal at Calintaan, Abra de Ilog, Paluan at Sta. Cruz upang magsagawa ng courtesy call sa kanilang mga Local Chief Executives. Sa isinagawang pakikipag-ugnayan, natalakay ang iba't ibang prayoridad na programa ng ahensya kabilang ang pag-iwas sa maagang pagbubuntis (Early Pregnancy), pangangalaga sa kalusugan ng mga ina (Maternal Care), Basic Emergency Obstetric and Newborn Care (BEmONC), at iba pang mga programang nakatuon sa populasyon at kaunlaran. Tinalakay rin ang kahalagahan ng Mobile-Based Registry of Barangay Inhabitants and Migrants (RBIM) bilang isang mahalagang kasangkapan sa pangangalap ng datos na magsisilbing batayan sa pagpaplano, pagbuo ng mga polisiya, at mas epektibong paghahatid ng mga serbisyo ng pamahalaan.
Ang naturang aktibidad ay nagpatibay sa ugnayan at pagtutulungan ng CPD at ng mga lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng mga programang naglalayong mapabuti ang kalusugan, kapakanan, at pangkalahatang kalidad ng buhay ng mamamayan sa lalawigan.