OMPH Occidental Mindoro

OMPH Occidental Mindoro Occidental Mindoro Provincial Hospital

11/08/2026
11/08/2026
09/08/2026

๐€๐‹๐€๐’-๐Š๐–๐€๐“๐‘๐Ž ๐Š๐Ž๐๐“๐‘๐€ ๐Œ๐Ž๐’๐๐”๐ˆ๐“๐Ž!

Dahil sa patuloy na pag-ulan, mas maraming naiipong tubig na maaaring maging breeding site ng lamok na nagdadala ng dengue.

Kaya bago pa dumilim at maging aktibo ang mga lamok, maglaan ng ilang minuto tuwing alas-kwatro ng hapon para maglinis at maghanap ng mga posibleng pamugaran ng lamok.

๐†๐š๐ฐ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐Ÿ’๐“๐ฌ ๐ค๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐š ๐๐ž๐ง๐ ๐ฎ๐ž:

โœ… ๐“๐€๐Ž๐ โ€“ Baliktarin ang mga lalagyan na maaaring maipunan ng tubig.
โœ… ๐“๐€๐Š๐“๐€๐Š โ€“ Itaktak at alisin ang tubig sa mga paso, bote, lata, gulong at iba pang lalagyan.
โœ… ๐“๐”๐˜๐Ž โ€“ Panatilihing tuyo at malinis ang paligid ng bahay.
โœ… ๐“๐€๐Š๐ˆ๐ โ€“ Takpan nang maayos ang mga imbakan ng tubig.

Gawin nating habit ang paglilinis bago magtakipsilim. Ilang minuto ng paglilinis, malaking proteksyon sa buong pamilya!

Isang malusog na paalala mula sa Department of Health at Provincial Health Office of Occidental Mindoro.

๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐†๐€๐๐€๐ƒ๐Ž!
๐†๐€๐๐€๐ƒ๐Ž ๐๐€, ๐Œ๐€๐’ ๐†๐€๐†๐€๐๐€๐‡๐€๐ ๐๐€!

09/08/2026

๐๐‘๐Ž๐•๐ˆ๐๐‚๐„-๐–๐ˆ๐ƒ๐„ ๐‡๐„๐€๐‹๐“๐‡ ๐…๐€๐‚๐ˆ๐‹๐ˆ๐“๐˜ ๐‡๐Ž๐“๐‹๐ˆ๐๐„ ๐๐”๐Œ๐๐„๐‘๐’

Narito ang updated na Province-wide Health Facility Hotline Numbers ng Occidental Mindoro upang mas madali kayong makakontak sa pinakamalapit na ospital, Municipal Health Office (MHO), o sa Provincial Health Office para sa inyong mga katanungan at pangangailangang pangkalusugan.

๐Ÿ“ฒ I-save at i-share ang listahang ito upang maging handa sa oras ng pangangailangan.

Ang inyong kalusugan ang aming prayoridad. Sama-sama nating isulong ang mas malusog na Occidental Mindoro!

๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—•๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—š๐—”๐—ก๐—”๐——๐—ข!
๐—š๐—”๐—ก๐—”๐——๐—ข ๐—ก๐—”, ๐— ๐—”๐—ฆ ๐—š๐—”๐—š๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”!





To our Valued patients,Please be advised that the Dental Clinic of Occidental Mindoro Provincial Hospital will be tempor...
31/07/2026

To our Valued patients,

Please be advised that the Dental Clinic of Occidental Mindoro Provincial Hospital will be temporarily closed on August 5โ€“6, 2026.

Regular dental services will resume on August 7, 2026.

We sincerely apologize for any inconvenience this may cause and thank you for your patience, understanding, and continued support.

Thank you for your cooperation. Stay safe and keep smiling! ๐Ÿฆท๐Ÿ’š

Dalamhasik Bigkis๐Ÿค
19/07/2026

Dalamhasik Bigkis๐Ÿค

Simula Hulyo 21, 2026, ang Ultrasound Examination para sa mga Out-Patient (Non-Emergency) sa Occidental Mindoro Provinci...
16/07/2026

Simula Hulyo 21, 2026, ang Ultrasound Examination para sa mga Out-Patient (Non-Emergency) sa Occidental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) ay by schedule/appointment na lamang.

Para sa mga katanungan o karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa aming mga hotline na nakasaad sa ibaba.

Maraming salamat sa inyong patuloy na kooperasyon at pang-unawa.

Isang malaking hakbang tungo sa mas episyente at mas maayos na serbisyo! Mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 3, 2026, matagumpa...
09/07/2026

Isang malaking hakbang tungo sa mas episyente at mas maayos na serbisyo!

Mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 3, 2026, matagumpay na naisagawa ng DOH KMITS at DOH CHD-Mimaropa, katuwang ang PDOHO Occidental Mindoro, ang installation ng IHOMIS+ sa Occidental Mindoro Provincial Hospital at ang pagbibigay ng komprehensibong pagsasanay sa bawat yunit para sa maayos na implementasyon nito.

Layunin ng IHOMIS+ na mapahusay ang hospital information system upang maging mas maayos, mas mabilis, at mas episyente ang operasyon ng ating ospital, para sa mas dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa ating mga pasyente.

Maraming salamat sa DOH KMITS, DOH CHD-Mimaropa, PDOHO Occidental Mindoro, at sa lahat ng naging bahagi ng limang araw na installation at training. Sama-sama nating isinusulong ang digital transformation para sa mas mahusay na pangangalaga sa ating mga pasyente.

Address

Brgy. Tayamaan
Mamburao
5106

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OMPH Occidental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share