MBAO Occidental Mindoro

MBAO Occidental Mindoro Municipal and Barangay Affairs Section -
Provincial Government of Occidental Mindoro

Happy Birthday Pastor Jun F. Javate, Focal Person on Provincial Values Formation and Spiritual Development. Hangad po na...
04/06/2026

Happy Birthday Pastor Jun F. Javate, Focal Person on Provincial Values Formation and Spiritual Development.

Hangad po namin ang inyong kalakasan araw araw. Pagpalain po kayo!

The five governors of the MIMAROPA region convened for the Regional Development Council (RDC) MIMAROPA Second Quarter Fu...
04/06/2026

The five governors of the MIMAROPA region convened for the Regional Development Council (RDC) MIMAROPA Second Quarter Full Council Meeting held in Odiongan, Romblon on Thursday, June 4, 2026.
RDC Chairperson & Oriental Mindoro Governor Humerlito "Bonz' Dolor, Romblon Governor Trina Firmalo-Fabic, Occidental Mindoro Governor ED Gadiano, Marinduque Governor Melecio Go & Palawan Governor Amy Roa Alvarez are all present.
The meeting serves as a platform to discuss key development priorities, programs and initiatives aimed at accelerating growth and improving the quality of life of MIMAROPA residents.

𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐔𝐍𝐋𝐀𝐑𝐀𝐍: 𝐌𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒 𝐍𝐀 𝐃𝐀𝐀𝐍, 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘𝐀𝐍!Sa tulong ng 𝐅𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 para sa Barangay Armado, A...
04/06/2026

𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐔𝐍𝐋𝐀𝐑𝐀𝐍: 𝐌𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒 𝐍𝐀 𝐃𝐀𝐀𝐍, 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘𝐀𝐍!

Sa tulong ng 𝐅𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 para sa Barangay Armado, Abra de Ilog, na nagkakahalaga ng ₱𝟏𝟎𝟎,𝟎𝟎𝟎.𝟎𝟎 mula sa 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐎𝐜𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨- 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗟 𝗔𝗡𝗗 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗙𝗙𝗔𝗜𝗥𝗦 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 (𝗠𝗕𝗔𝗢), sa ilalim ng pamumuno ni 𝐆𝐨𝐯. 𝐄𝐝𝐮𝐚𝐫𝐝𝐨 𝐁. 𝐆𝐚𝐝𝐢𝐚𝐧𝐨, matagumpay na naisagawa ang 𝐑𝐞𝐠𝐫𝐚𝐯𝐞𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐫𝐦-𝐭𝐨-𝐌𝐚𝐫𝐤𝐞𝐭 𝐑𝐨𝐚𝐝 na magsisilbing mahalagang daanan para sa mga magsasaka at mamamayan ng komunidad.

Ang proyektong ito ay naglalayong mapabuti ang transportasyon ng mga produktong agrikultural, mapadali ang paglalakbay, at mabigyan ng mas ligtas at maayos na akses ang mga residente. Sa pamamagitan ng maayos na farm-to-market road, mas mabilis na maihahatid ang ani sa pamilihan at mas mapapalakas ang lokal na ekonomiya.

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!

𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐓𝐋𝐄𝐓𝐀, 𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘: 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐓𝐋𝐄𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍Sa inisyatibo ng 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗢...
04/06/2026

𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐓𝐋𝐄𝐓𝐀, 𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘: 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐓𝐋𝐄𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍

Sa inisyatibo ng 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗢𝗰𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 – 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗠𝗕𝗔𝗢), sa ilalim ng matatag na pamumuno ni 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗘𝗱𝘂𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗕. 𝗚𝗮𝗱𝗶𝗮𝗻𝗼, ipinagkaloob ang 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 na nagkakahalaga ng ₱𝟭𝟬,𝟬𝟬𝟬.𝟬𝟬 para sa 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 – 𝗔𝗹𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗻𝗻𝗲𝘅 bilang suporta sa kanilang paglahok sa 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆 𝗦𝗲𝗰𝗼𝗻𝗱𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿-𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗠𝗲𝗲𝘁.

Ang tulong na ito ay sumasalamin sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga kabataang atleta at sa pagsusulong ng mga gawaing nagpapalakas ng disiplina, pagkakaisa, at sportsmanship. Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, nabibigyan ng pagkakataon ang ating mga mag-aaral na maipakita ang kanilang husay at talento sa larangan ng palakasan.

Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang higit pang pagbutihin ng ating mga kabataan ang kanilang kakayahan at magbigay ng karangalan sa kanilang paaralan at komunidad.

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!


𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐊𝐔𝐑𝐓𝐈𝐍𝐆𝐀𝐍, 𝐒𝐓𝐀. 𝐂𝐑𝐔𝐙: 𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐍𝐀 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐀𝐀𝐑𝐈 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐌𝐈𝐓𝐈𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍, 𝐇𝐀𝐊𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒...
03/06/2026

𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐊𝐔𝐑𝐓𝐈𝐍𝐆𝐀𝐍, 𝐒𝐓𝐀. 𝐂𝐑𝐔𝐙: 𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐍𝐀 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐀𝐀𝐑𝐈 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐌𝐈𝐓𝐈𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍, 𝐇𝐀𝐊𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐔𝐍𝐋𝐀𝐃 𝐍𝐀 𝐊𝐎𝐌𝐔𝐍𝐈𝐃𝐀𝐃.

Sa pamamagitan ng suporta ng 𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐍𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐅 𝐎𝐂𝐂𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐍𝐃𝐎𝐑𝐎 - 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗟 𝗔𝗡𝗗 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗙𝗙𝗔𝗜𝗥𝗦 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 (𝗠𝗕𝗔𝗢), sa ilalim ng pamumuno ni 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗢𝗥 𝐄𝐃𝐔𝐀𝐑𝐃𝐎 𝐁. 𝐆𝐀𝐃𝐈𝐀𝐍𝐎. Matagumpay na isinagawa ang 𝗢𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗥𝗢𝗔𝗗𝗦 sa 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗞𝘂𝗿𝘁𝗶𝗻𝗴𝗮𝗻𝗮𝗻, 𝗦𝘁𝗮. 𝗖𝗿𝘂𝘇 na nagkakahalaga ng ₱𝟭𝟮𝟲,𝟬𝟬𝟬.𝟬𝟬. Ang proyektong ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapabuti ng imprastraktura at pagpapadali ng transportasyon para sa mga residente ng barangay.

Layunin ng proyektong ito na mabigyan ang komunidad ng mas maayos, ligtas, at maginhawang daanan upang mapadali ang pagbiyahe ng mga mamamayan, pagdadala ng mga produkto, at pag-access sa iba't ibang serbisyo. Sa pamamagitan ng bagong kalsada, mas mapapalakas ang koneksyon ng barangay sa iba pang lugar at mas mapabubuti ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga residente.

Sa bawat proyektong naisasakatuparan, mas napapalapit ang layunin ng pagkakaroon ng isang maayos, ligtas, at progresibong barangay. Patunay ito na ang kaunlaran ay nagsisimula sa mga proyektong direktang nakikinabang ang mamamayan.

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!


𝐀𝐋𝐀𝐌 𝐍'𝐘𝐎 𝐁𝐀? 𝐌𝐀𝐘 𝐈𝐍𝐒𝐄𝐍𝐓𝐈𝐁𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐎𝐍𝐃𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐆𝐋𝐆 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐄𝐄 𝐋𝐆𝐔𝐬 𝐒𝐀 𝐎𝐂𝐂𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐍𝐃𝐎𝐑𝐎!Sa bisa ng 𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗢𝗿𝗱𝗲𝗿 ...
03/06/2026

𝐀𝐋𝐀𝐌 𝐍'𝐘𝐎 𝐁𝐀? 𝐌𝐀𝐘 𝐈𝐍𝐒𝐄𝐍𝐓𝐈𝐁𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐎𝐍𝐃𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐆𝐋𝐆 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐄𝐄 𝐋𝐆𝐔𝐬 𝐒𝐀 𝐎𝐂𝐂𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐍𝐃𝐎𝐑𝐎!

Sa bisa ng 𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗢𝗿𝗱𝗲𝗿 𝗡𝗼. 𝟔, 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝟐𝟎𝟐𝟓, ang 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗢𝗰𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 sa ilalim ng pamumuno ni 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗘𝗱𝘂𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗕. 𝗚𝗮𝗱𝗶𝗮𝗻𝗼 ay nagbibigay ng insentibong pinansyal sa mga barangay at munisipalidad na kinilalang 𝗦𝗚𝗟𝗚 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝗲𝗲𝘀.

Layunin ng programang ito na kilalanin at palakasin ang aktibong partisipasyon ng mamamayan sa pagtukoy, pagpaplano, paghahanda, at pagsasakatuparan ng mga proyektong pangkaunlaran gamit ang 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆-𝗗𝗿𝗶𝘃𝗲𝗻 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗖𝗗𝗗) Approach ng programang 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗜-𝗖𝗜𝗗𝗦𝗦.

Ang mga proyektong maaaring pondohan sa pamamagitan ng insentibong ito ay dapat nakatuon sa mga sumusunod:

✅ Pagbawas ng kahirapan (Poverty Reduction)
✅ Pagbabawas ng panganib dulot ng kalamidad (Disaster Risk Reduction)
✅ Mga serbisyong pangkalusugan at panlipunan (Health and Social Services)
✅ Suporta sa sektor ng agrikultura (Agricultural Support Services)
✅ Mga programang may kaugnayan sa kapayapaan at kaayusan (Peace and Order)
✅ Mga proyektong pangkaunlarang sosyo-ekonomiko (Socio-Economic Development)

Bago maigawad ang insentibo, kinakailangang dumaan ang bawat benepisyaryo sa mga itinakdang proseso ng KALAHI-CIDSS upang matiyak ang maayos, transparent, at epektibong pagpapatupad ng proyekto. Higit sa lahat, layunin nitong hikayatin ang mas malawak at makabuluhang pakikilahok ng mga mamamayan, lalo na ng mga komunidad na higit na nangangailangan ng suporta at serbisyo.

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!


𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗢𝗥 𝗘𝗗 𝗚𝗔𝗗𝗜𝗔𝗡𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗞𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗪𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗥𝗣𝗢𝗖 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔
03/06/2026

𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗢𝗥 𝗘𝗗 𝗚𝗔𝗗𝗜𝗔𝗡𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗞𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗪𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗥𝗣𝗢𝗖 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔

𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗗𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗗𝗔𝗜𝗚𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗔𝗕𝗟𝗔𝗗𝗢!Sa pangunguna ng 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶...
03/06/2026

𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗗𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗗𝗔𝗜𝗚𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗔𝗕𝗟𝗔𝗗𝗢!

Sa pangunguna ng 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗢𝗰𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 – 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗠𝗕𝗔𝗢), sa ilalim ng matatag na pamumuno ni 𝗚𝗼𝗯𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗘𝗱𝘂𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗕. 𝗚𝗮𝗱𝗶𝗮𝗻𝗼, ipinagkaloob ang 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 na nagkakahalaga ng 𝗣𝗵𝗽 𝟱𝟬,𝟬𝟬𝟬 para sa mga mag-aaral ng 𝗖𝗼𝗹𝗲𝗴𝗶𝗼 𝗗𝗲 𝗦𝗮𝗻 𝗦𝗲𝗯𝗮𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻, 𝗜𝗻𝗰. bilang suporta sa kanilang paglahok sa 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗹𝘀 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗹 𝗥𝗼𝗯𝗼𝘁𝗶𝗰𝘀 𝗖𝗵𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻𝗴𝗲 na ginanap sa 𝗢𝘀𝗮𝗸𝗮, 𝗝𝗮𝗽𝗮𝗻.
Ang tulong na ito ay patunay ng patuloy na suporta sa mga kabataang may pambihirang kakayahan sa larangan ng agham, teknolohiya, at inobasyon. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang higit pang pagyamanin ang kanilang talento at maipakita ang galing ng mga Pilipino sa pandaigdigang kompetisyon.

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!


02/06/2026

𝐆𝐎𝐎𝐃 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐁𝐄𝐘𝐎𝐍𝐃 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐄𝐀

𝗜𝘀𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗶𝘁𝗲 𝗩𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼𝗻𝗴 “𝗖𝗼𝗻𝗰𝗿𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗣𝗮𝘁𝗵𝘄𝗮𝘆” 𝘀𝗮 𝗦𝘁𝗮. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮, 𝗔𝗯𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗜𝗹𝗼𝗴, 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗶𝘁𝗶𝘆𝗮𝗸 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗶𝗽𝗮𝘁𝘂𝗽𝗮𝗱 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗮𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗶𝘁𝗶𝗻𝗮𝗸𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱.

Sa pangunguna ng 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 – 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐚𝐧𝐝 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫𝐬 (𝐌𝐁𝐀𝐎) sa ilalim ng pamumuno ng ating Ganadong 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐄𝐝𝐮𝐚𝐫𝐝𝐨 𝐁. 𝐆𝐚𝐝𝐢𝐚𝐧𝐨.
Sa isinagawang inspeksyon, sinuri at tiniyak ng mga kinauukulang tanggapan na ang proyekto ay naipatupad alinsunod sa itinakdang pamantayan at may kalidad na makapagbibigay ng pangmatagalang benepisyo sa mga residente ng komunidad.

Ang matagumpay na pagkumpleto ng proyektong ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na makapaghatid ng mga programang may konkretong epekto sa buhay ng mamamayan at nag-aambag sa pangmatagalang kaunlaran ng komunidad.

𝙎𝙀𝙍𝘽𝙄𝙎𝙔𝙊𝙉𝙂 𝙂𝘼𝙉𝘼𝘿𝙊 𝙉𝘼, 𝙈𝘼𝙎 𝙂𝘼𝙂𝘼𝙉𝘼𝙃𝘼𝙉 𝙋𝘼!


₱𝟏 𝐌𝐈𝐋𝐋𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐄𝐑 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐓 ₱𝟓 𝐌𝐈𝐋𝐋𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐋𝐆𝐔 𝐒𝐀 𝐎𝐊𝐒𝐈!Sa bisa ng 𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗢𝗿𝗱𝗲𝗿 𝗡𝗼. 𝟔, 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝟐𝟎𝟐𝟓, ang 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗣...
02/06/2026

₱𝟏 𝐌𝐈𝐋𝐋𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐄𝐑 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐓 ₱𝟓 𝐌𝐈𝐋𝐋𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐋𝐆𝐔 𝐒𝐀 𝐎𝐊𝐒𝐈!

Sa bisa ng 𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗢𝗿𝗱𝗲𝗿 𝗡𝗼. 𝟔, 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝟐𝟎𝟐𝟓, ang 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗢𝗰𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 sa ilalim ng pamumuno ni 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗘𝗱𝘂𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗕. 𝗚𝗮𝗱𝗶𝗮𝗻𝗼 ay nagbibigay ng insentibong pinansyal sa mga barangay at munisipalidad na kinilalang 𝗦𝗚𝗟𝗚 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝗲𝗲𝘀.

Layunin ng programang ito na kilalanin at palakasin ang aktibong partisipasyon ng mamamayan sa pagtukoy, pagpaplano, paghahanda, at pagsasakatuparan ng mga proyektong pangkaunlaran gamit ang 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆-𝗗𝗿𝗶𝘃𝗲𝗻 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗖𝗗𝗗) Approach ng programang 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗜-𝗖𝗜𝗗𝗦𝗦.

Ang mga proyektong maaaring pondohan sa pamamagitan ng insentibong ito ay dapat nakatuon sa mga sumusunod:

✅ Pagbawas ng kahirapan (Poverty Reduction)
✅ Pagbabawas ng panganib dulot ng kalamidad (Disaster Risk Reduction)
✅ Mga serbisyong pangkalusugan at panlipunan (Health and Social Services)
✅ Suporta sa sektor ng agrikultura (Agricultural Support Services)
✅ Mga programang may kaugnayan sa kapayapaan at kaayusan (Peace and Order)
✅ Mga proyektong pangkaunlarang sosyo-ekonomiko (Socio-Economic Development)

Bago maigawad ang insentibo, kinakailangang dumaan ang bawat benepisyaryo sa mga itinakdang proseso ng KALAHI-CIDSS upang matiyak ang maayos, transparent, at epektibong pagpapatupad ng proyekto. Higit sa lahat, layunin nitong hikayatin ang mas malawak at makabuluhang pakikilahok ng mga mamamayan, lalo na ng mga komunidad na higit na nangangailangan ng suporta at serbisyo.

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!


Address

2F, Capitol Building, Capitol Complex, Barangay Payompon
Mamburao
5106

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MBAO Occidental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share