28/07/2026
๐ฑ๐ฏ๐ฟ๐ฑ ๐ฅ๐๐๐จ๐๐๐ฅ ๐ฆ๐๐ฆ๐ฆ๐๐ข๐ก
Matagumpay po nating naidaos ang ika-53 Regular na Sesyon ng ating Sangguniang Bayan kahapon, Hulyo 27, 2026. Para sa kaalaman po ng lahat, narito ang maikling buod ng ating mga tinalakay:
Komersyo, Transportasyon, at Imprastraktura: Tinalakay po ang rehabilitasyon ng Mamburao Public Market, Memorandum of Agreement sa Blue Alliance, at ang designated parking area para sa mga TODA. Pinag-usapan din po ang suporta para sa mga Farm-to-Market Road at ang pagpapatayo ng Micro Fuel Station sa Brgy. Balansay, pati na rin po ang akreditasyon ng Purok Pag-asa TODA bilang Civil Society Organization.
Kalusugan, Seguridad, at Kaayusan: Patuloy pong pinag-aaralan ang panukalang pansamantalang pagpapatanggal ng helmet at face mask sa mga papasok sa negosyo para iwas-krimen, pati na ang mga ordinansa ukol sa BJMP dengue fogging at water potability testing. Tinalakay rin po ang kasunduan na may kinalaman sa donasyong medical lab equipment, mga ordinansa para sa bakuna, mental health, at ang Water Safety Plan.
Lupa, Edukasyon, at Agrikultura: Tinalakay pong muli ang reclassification ng lupa sa San Luis para sa itatayong Mega Sports Complex ng ating provincial government, ang "Gulayan sa Bayan Project" katuwang ang Department of Agriculture, at ang integrasyon para sa Puricon Integrated School.
Enerhiya at Badyet: Tinalakay po ang kasunduan katuwang ang OMCPC at pagbukas ng Trust Accounts para sa pondo sa enerhiya, pati na ang pag-endorso sa 15.04 MW DMCI Power Plant sa Brgy. Tayamaan. Kasama na rin ang pag-aaral ng 2026 badyet ng Barangay 4 at Barangay 8.
Patuloy po ang inyong Sangguniang Bayan ng Mamburao sa maayos na pagbalangkas ng mga programa para sa ikabubuti ng ating bayan. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa!