PLO Occidental Mindoro

PLO Occidental Mindoro Provincial Legal Office - Occidental Mindoro

02/09/2026
๐’๐“๐€๐“๐„ ๐Ž๐… ๐‚๐€๐‹๐€๐Œ๐ˆ๐“๐˜, ๐ˆ๐ƒ๐ˆ๐๐„๐Š๐‹๐€๐‘๐€ ๐๐€ ๐’๐€ ๐๐”๐Ž๐๐† ๐Ž๐‚๐‚๐ˆ๐ƒ๐„๐๐“๐€๐‹ ๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐Ž๐‘๐ŽOpisyal nang idineklara sa ilalim ng State of Calamity ang b...
01/09/2026

๐’๐“๐€๐“๐„ ๐Ž๐… ๐‚๐€๐‹๐€๐Œ๐ˆ๐“๐˜, ๐ˆ๐ƒ๐ˆ๐๐„๐Š๐‹๐€๐‘๐€ ๐๐€ ๐’๐€ ๐๐”๐Ž๐๐† ๐Ž๐‚๐‚๐ˆ๐ƒ๐„๐๐“๐€๐‹ ๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐Ž๐‘๐Ž

Opisyal nang idineklara sa ilalim ng State of Calamity ang buong lalawigan ng Occidental Mindoro matapos pagtibayin ng Sangguniang Panlalawigan, sa pamumuno ni Vice Governor Anecita Diana Apigo-Tayag, ang kaukulang resolusyon sa regular na sesyon ngayong araw, ika-1 ng Setyembre 2026.

Ang deklarasyon ay isinagawa kasunod ng pag-endorso ni Governor Eduardo B. Gadiano sa Sangguniang Panlalawigan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Resolution No. 6, Series of 2026, na nagrerekomenda ng pagdedeklara ng State of Calamity sa buong lalawigan.

Ito ay bunsod ng malawak at matinding pinsalang idinulot ng habagat na lalo pang pinalakas ng Tropical Depressions Maymay at Neneng, na nakaapekto sa mga komunidad, kabuhayan, imprastraktura at iba pang sektor sa ibaโ€™t ibang bahagi ng Occidental Mindoro.

Sa pamamagitan ng deklarasyong ito, mas mapapabilis ang pagpapakilos ng mga kinakailangang pondo, programa at iba pang hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga apektadong mamamayan at masuportahan ang rehabilitasyon at pagbangon ng mga komunidad.

01/09/2026
๐‡๐„๐€๐‹๐“๐‡ ๐‘๐„๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐„๐‘: ๐Œ๐€๐†-๐ˆ๐๐†๐€๐“ ๐’๐€ ๐‡๐€๐™๐„!Napapansin mo ba ang malabo at mausok na hangin? Ang ๐ก๐š๐ณ๐ž ay maaaring maglaman ng mal...
01/09/2026

๐‡๐„๐€๐‹๐“๐‡ ๐‘๐„๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐„๐‘: ๐Œ๐€๐†-๐ˆ๐๐†๐€๐“ ๐’๐€ ๐‡๐€๐™๐„!

Napapansin mo ba ang malabo at mausok na hangin?

Ang ๐ก๐š๐ณ๐ž ay maaaring maglaman ng maliliit na particles na maaaring makairita sa mata, ilong at lalamunan at maaaring magdulot ng ubo, hirap sa paghinga, pananakit ng dibdib at paglala ng hika o iba pang sakit sa baga.

๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐ค๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐ฅ๐ข ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š:

โœ… Iwasang lumabas kung hindi kinakailangan, lalo na kung makapal ang haze.
โœ… Kung kailangang lumabas, magsuot ng face mask.
โœ… Iwasan muna ang matagal at mabibigat na outdoor activities o ehersisyo.
โœ… Panatilihing malinis at maaliwalas ang loob ng bahay.
โœ… Magbigay ng dagdag na pag-iingat sa mga bata, matatanda, buntis, at may hika o sakit sa puso at baga.
โœ… Manatiling updated sa mga opisyal na ulat tungkol sa kalidad ng hangin.

Kung makaranas ng matinding hirap sa paghinga, pananakit ng dibdib, o patuloy na pag-ubo at pangangati ng mata, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility.

Isang maingat at malusog na paalala mula sa Provincial Health Office of Occidental Mindoro.

๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐†๐€๐๐€๐ƒ๐Ž!
๐†๐€๐๐€๐ƒ๐Ž ๐๐€, ๐Œ๐€๐’ ๐†๐€๐†๐€๐๐€๐‡๐€๐ ๐๐€!

19/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ž ๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ ๐—”๐—ง ๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ฅ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—ข๐——๐—˜๐—ฆ, ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—œ๐—š๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ข๐—–๐—–๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—ข๐—ฅ๐—ข, ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ, ๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Patuloy na ipatutupad sa Lalawigan ng Occidental Mindoro ang alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan at alternative learning modes sa mga paaralan, bukas, Agosto 20, 2026, alinsunod sa Memorandum Circular No. 131 na inilabas ng Malacaรฑang.

Ito ay bilang tugon sa pag-ulan na dulot ng enhanced Southwest Monsoon (Habagat) at mga kaakibat nitong panganib gaya ng pagbaha at mga panganib sa pagbiyahe.

Ipatutupad rin sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas ang alternative learning modes at iba pang learning continuity measures, maliban kung may ibang direktiba mula sa kani-kanilang Local Chief Executives.

Patuloy ring mag-ooperate ang mga ahensyang responsable sa paghahatid ng pangunahing serbisyo, serbisyong pangkalusugan, paghahanda at pagtugon sa mga sakuna at kalamidad, at iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa publiko.

Ipinagkakaloob ang kaukulang sahod o suweldo ng mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers na saklaw ng alternative work arrangements, alinsunod sa umiiral na mga patakaran at regulasyon.

Para naman sa pribadong sektor, ang pagsususpinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements ay mananatiling nasa pagpapasya ng kani-kanilang pamunuan.

Pinapayuhan ang lahat ng Mindoreรฑo na manatiling alerto, mag-ingat sa pagbiyahe, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng pamahalaan.

Kaligtasan at kapakanan ng bawat Mindoreรฑo ang patuloy nating prayoridad.

SOURCE: https://www.facebook.com/share/p/1HQWqs53an/

18/08/2026

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ: ๐’๐”๐’๐๐„๐๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐Š๐‹๐€๐’๐„ ๐€๐“ ๐“๐‘๐€๐๐€๐‡๐Ž ๐’๐€ ๐†๐Ž๐๐˜๐„๐‘๐๐Ž โ€” 19 ๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž 2026

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 na inilabas ng Office of the President - Malacaรฑang, ipatutupad ang alternatibong ayos ng trabaho at pag-aaral sa Occidental Mindoro at iba pang bahagi ng bansa sa Agosto 19, 2026 (Miyerkules), bunga ng inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng pinatinding Southwest Monsoon.

Ito ay batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa panganib ng lokalisadong pagbaha at mga hazard sa paglalakbay.

Magpapatuloy ang operasyon ng mga ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa health at basic services, disaster response, at iba pang mahahalagang serbisyo, habang ang mga COS at JO worker sa alternatibong ayos ng trabaho ay patuloy na sasahurin.

Ipatutupad din ang alternatibong paraan ng pagkatuto sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan, maliban na lamang kung may ibang ipag-uutos ang Local Chief Executive. Ang desisyon naman sa pribadong sektor ay nasa pagpapasya ng bawat management. Agad na magkakabisa ang Circular na ito.

Manatiling ligtas at bantayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa inyong LGU at LDRRMO para sa karagdagang update. ๐ŸŒง๏ธ



๐–๐Ž๐‘๐Š-๐…๐‘๐Ž๐Œ-๐‡๐Ž๐Œ๐„ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐“๐€๐๐†๐†๐€๐๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐€๐ ๐€๐“ ๐€๐‹๐“๐„๐‘๐๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐‹๐„๐€๐‘๐๐ˆ๐๐† ๐Œ๐Ž๐ƒ๐„๐’ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐€๐‘๐€๐‹๐€๐, ๐ˆ๐๐€๐“๐”๐“๐”๐๐€๐ƒ ๐’๐€ ๐Ž๐‚๐‚๐ˆ๐ƒ๐„๐๐“๐€๐‹ ๐Œ๐ˆ...
17/08/2026

๐–๐Ž๐‘๐Š-๐…๐‘๐Ž๐Œ-๐‡๐Ž๐Œ๐„ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐“๐€๐๐†๐†๐€๐๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐€๐ ๐€๐“ ๐€๐‹๐“๐„๐‘๐๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐‹๐„๐€๐‘๐๐ˆ๐๐† ๐Œ๐Ž๐ƒ๐„๐’ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐€๐‘๐€๐‹๐€๐, ๐ˆ๐๐€๐“๐”๐“๐”๐๐€๐ƒ ๐’๐€ ๐Ž๐‚๐‚๐ˆ๐ƒ๐„๐๐“๐€๐‹ ๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐Ž๐‘๐Ž ๐๐”๐Š๐€๐’, ๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž 18, 2026

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128 na inilabas ng Office of the President, ipatutupad ang work-from-home arrangement sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Occidental Mindoro bukas, 18 Agosto 2026, dahil sa patuloy na malakas na ulan na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).

Ang mga ahensiya ng gobyerno na sangkot sa paghahatid ng batayan at health services, disaster preparedness at response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay patuloy na mag-ooperate at magbibigay ng kinakailangang serbisyo.

Ipatutupad din ang alternative learning modes para sa mga klase sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan sa Occidental Mindoro, maliban na lamang kung may ibang ipag-uutos ang Local Chief Executive.

Ang suspensyon ng trabaho o pag-aadopt ng alternative work arrangement sa pribadong sektor ay nasa desisyon ng kani-kanilang management.

Source: Presidential Communications Office

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ž-๐—™๐—ฅ๐—ข๐— -๐—›๐—ข๐— ๐—˜ ๐—”๐—ง ๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ฅ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—ข๐——๐—˜๐—ฆ, ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ข๐—–๐—–๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—ข๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿญ๐ŸญPatuloy na ip...
10/08/2026

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ž-๐—™๐—ฅ๐—ข๐— -๐—›๐—ข๐— ๐—˜ ๐—”๐—ง ๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ฅ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—ข๐——๐—˜๐—ฆ, ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ข๐—–๐—–๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—ข๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿญ

Patuloy na ipatutupad ang Work-From-Home (WFH) arrangement sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Occidental Mindoro ngayong Agosto 11, 2026, alinsunod sa Memorandum Circular No. 124 mula sa Tanggapan ng Pangulo.

Bahagi ito ng mga hakbang sa pag-iingat bunsod ng inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat), kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kabilang ang Occidental Mindoro sa mga lalawigang sakop ng direktiba, kasama ang Zambales at Bataan.

Samantala, ipatutupad din ang Alternative Learning Modes (ALM) para sa mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga nasabing lalawigan.

Gayunman, ang mga tanggapan at ahensiyang nangangasiwa sa basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay inaasahang magpapatuloy sa kanilang operasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa publiko.

Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling alerto at updated sa mga opisyal na abiso ng mga kinauukulang ahensya at lokal na pamahalaan. Higit sa lahat, unahin ang kaligtasan ng bawat isa habang nagpapatuloy ang masamang panahon.

Source: Presidential Communications Office

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ž-๐—™๐—ฅ๐—ข๐— -๐—›๐—ข๐— ๐—˜ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ข๐—–๐—–๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—ข๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช, ๐—”๐—จ๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐Ÿญ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒAlinsunod sa Memorandum...
09/08/2026

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ž-๐—™๐—ฅ๐—ข๐— -๐—›๐—ข๐— ๐—˜ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ข๐—–๐—–๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—ข๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช, ๐—”๐—จ๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐Ÿญ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 123 mula sa Tanggapan ng Pangulo, ipatutupad ang Work-From-Home (WFH) arrangement sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Occidental Mindoro, ngayong araw, August 10, 2026, dahil sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).

Kasama ang Occidental Mindoro sa mga lalawigang sakop ng naturang direktiba.

Samantala, alternatibong paraan ng pag-aaral ang ipatutupad sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas.

Ang mga ahensyang nangangasiwa sa pangunahing serbisyo, serbisyong pangkalusugan, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa publiko.

Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling alerto, sumubaybay sa mga opisyal na abiso, at unahin ang kaligtasan ngayong patuloy ang pag-ulan.



SOURCE: https://www.facebook.com/share/p/19K3AWhAMb/

Address

Provincial Capitol Compound, Barangay Payompon, Occidental Mindoro
Mamburao
5106

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PLO Occidental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share