05/08/2026
WALANG PASOK SA MGA TANGGAPAN NG PAMAHALAAN AT KLASE SA LALAWIGAN NG OCCIDENTAL MINDORO NGAYONG AGOSTO 6, 2026
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 122, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at ang klase sa lahat ng antas sa buong Lalawigan ng Occidental Mindoro ngayong Agosto 6, 2026.
Samantala, magpapatuloy ang operasyon ng mga ahensyang may tungkuling maghatid ng mga pangunahing serbisyo, kabilang ang serbisyong pangkalusugan, paghahanda at pagtugon sa mga sakuna at kalamidad, at iba pang mahahalagang serbisyo.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag at sundin ang mga abiso ng mga kinauukulang ahensya. Higit sa lahat, unahin ang kaligtasan ng bawat isa.