Mamburao Public Information Office - MPIO

Mamburao Public Information Office - MPIO Ang Opisyal na page ng Bayan ng Mamburao Public Information Office (MPIO)

07/08/2026
Magnitude 2.7 ang naitalang pag lindol kani kanilang (10:22PM), August 7, 2026 at posibleng nagdulot din ng brownout sa ...
07/08/2026

Magnitude 2.7 ang naitalang pag lindol kani kanilang (10:22PM), August 7, 2026 at posibleng nagdulot din ng brownout sa ating bayan. Maaaring aftershock ito sa nangyaring lindol kaninang umaga.

Ingat po tayong lahat. ๐Ÿ™

Mainit na Sopas at Lugaw Hatid ng Mobile Kitchen Mainit na sopas at lugaw ang hatid ng LGU Mobile Kitchen sa mga lugar n...
07/08/2026

Mainit na Sopas at Lugaw Hatid ng Mobile Kitchen

Mainit na sopas at lugaw ang hatid ng LGU Mobile Kitchen sa mga lugar ng Brgy. Payompon, Dos, 7, at Sitio Aroma sa Brgy. Tayamaan kaugnay ng ilang araw nang pag-ulan bunsod ng habagat na dala ng bagyong Maymay.

Sa direktiba ni Mayor Atty. E-K Almero ay pinangunahan ito ng MDRRMO-Mamburao,Occidental Mindoro katuwang ang BFP, at Philippine Army - Special Action Force.

WEATHER ADVISORY NO. 24 For: Southwest Monsoon (Habagat)Issued: 5:00 PM, August 7, 2026PAGASA forecasts heavy rainfall d...
07/08/2026

WEATHER ADVISORY NO. 24

For: Southwest Monsoon (Habagat)
Issued: 5:00 PM, August 7, 2026

PAGASA forecasts heavy rainfall due to the Southwest Monsoon over several areas from August 7 to 10. Rainfall of 100โ€“200 mm is expected in some areas, while others may receive 50โ€“100 mm. Rainfall may be higher in mountainous and elevated areas, and impacts may be worsened by significant antecedent rainfall.

OCCIDENTAL MINDORO
โ€ข August 7โ€“8: 100โ€“200 mm
โ€ข August 8โ€“9: 100โ€“200 mm
โ€ข August 9โ€“10: 50โ€“100 mm

Occidental Mindoro is therefore among the areas with the highest rainfall outlook through August 9, before the forecast decreases to 50โ€“100 mm for August 9โ€“10.

OTHER AREAS

The 100โ€“200 mm rainfall outlook covers different areas depending on the forecast period, including Ilocos Sur, La Union, Abra, Benguet, Zambales, Bataan and Occidental Mindoro.

Areas under the 50โ€“100 mm outlook include portions of Northern and Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Oriental Mindoro and Antique, with the specific areas varying by forecast period.

IMPORTANT

PAGASA advises concerned disaster risk reduction offices to take necessary measures to protect life and property. The public should continue monitoring Heavy Rainfall Warnings, Thunderstorm Advisories and other severe weather information issued by PAGASA.

Next Weather Advisory: 11:00 PM, August 7, unless significant changes occur.

Source: DOST-PAGASA
Visit original post: https://www.facebook.com/PAGASA.DOST.GOV.PH/posts/pfbid0GZEcrDj3v5sxBa5PW1VxNZnb4eunCKr2n4ACF8hoNdPhteyo44fwirLLNXZQP69Pl

August 7, 2026Malakas na pag ulan na dinagdagan ng Magnitude 5.8 na lindol epicenter ang ating bayan. Ang Pamahalaang Ba...
07/08/2026

August 7, 2026

Malakas na pag ulan na dinagdagan ng Magnitude 5.8 na lindol epicenter ang ating bayan. Ang Pamahalaang Bayan ng Mamburao ay palaging naka alerto at ginagawa ang buong makakaya para tugunan ang kaligtasan ng bawat Mambureรฑo.

Dasal natin ang pagbawas sa pag ulan at seguridad ng lahat.

MDRRMO Hotline Numbers:
09773379723
09606918466

โ€”-

07/08/2026

Mayor Almero, naglibot sa paghupa ng ulan sa ilang lugar sa Brgy. Tayamaan
August 6, 2026

07/08/2026

Walang indikasyon ng biglang pagbaba ng tubig sa ating dalampasigan pagkatapos ng malakas na lindol. Patuloy pa rin nag momonitor ang ating mga personnel at magbibigay tayo ng updates. Huwag po basta maniwala sa mga hindi beripikadong impormasyon.

Sundan lang ang ating official pages.

Atty. E-K Almero
Mamburao Public Information Office - MPIO
Mamburao Naman
MDRRMO-Mamburao,Occidental Mindoro

Ingat tayong lahat. Patuloy tayong magmomonitor.

โ€”-

Niyanig ng Magnitude 5.8 na lindol ang bayan ng Mamburao kaninang 10:38 ng umaga.
07/08/2026

Niyanig ng Magnitude 5.8 na lindol ang bayan ng Mamburao kaninang 10:38 ng umaga.

๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ผ, ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฒNasa ilalim ng Red Rainfall Warning ang Occidental Mindoro...
07/08/2026

๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ผ, ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ

Nasa ilalim ng Red Rainfall Warning ang Occidental Mindoro habang inaasahang magdadala ang Habagat ng mahigit 200 mm ng ulan sa lalawigan, ayon sa abiso ng Office of Civil Defense batay sa datos ng DOST-PAGASA. Dahil dito, mataas ang banta ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Bunsod nito, ipinag-utos ni Mamburao Mayor Atty. Glicerio S. Almero III ang pagsuspinde ng trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa bayan ngayong August 7 sa ilalim ng Executive Order No. 37, Series of 2026. Layunin nitong mabawasan ang panganib sa mga kawani ng pamahalaan at sa publiko dulot ng matinding panahon.

Nilinaw sa kautusan na hindi saklaw ng suspensyon ang mga tanggapan na naghahatid ng pangunahing serbisyo, serbisyong pangkalusugan, disaster response, at iba pang mahahalagang frontline at emergency services. Nasa pagpapasya naman ng mga pribadong tanggapan, negosyo, at komersyal na
establisimyento kung magsususpinde ng trabaho batay sa kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga empleyado.

๐—˜๐—ข 36: ๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ผ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ 7Ipinag-utos ni Mamburao Mayor Atty. Glicerio S. Almero III ang pagsuspin...
07/08/2026

๐—˜๐—ข 36: ๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ผ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ 7

Ipinag-utos ni Mamburao Mayor Atty. Glicerio S. Almero III ang pagsuspinde ng klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ngayong August 7 dahil sa hindi magandang panahon. Nakasaad ito sa Executive Order No. 36, Series of 2026.

Base sa Weather Advisory No. 20 ng DOST-PAGASA, inaasahang magdadala ang Habagat na pinalalakas ng Tropical Cyclone "Maymay" ng 100 hanggang 200 mm ng ulan sa Occidental Mindoro. Nananatili rin ang Orange Rainfall Warning na nagbabadya ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga peligrong lugar.

Ayon pa sa EO No. 36, inirekomenda ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang suspensyon bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at publiko. Pinayuhan naman ang mga paaralan na ipatupad ang naaangkop na alternative learning modalities alinsunod sa mga patnubay ng DepEd at CHED.

Address

Mamburao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mamburao Public Information Office - MPIO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share