31/08/2026
𝗟𝗢𝗖𝗔𝗟 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | 𝟮𝟱 𝗧𝗮𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱: 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗼𝗮𝗴, 𝗡𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝗦𝗮 𝗝𝘂𝗯𝗶𝗹𝗲𝗼 𝗡𝗶 𝗔𝗿𝗰𝗵𝗯𝗶𝘀𝗵𝗼𝗽 𝗦𝗼𝗰𝗿𝗮𝘁𝗲𝘀 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗲𝗴𝗮𝘀
August 31, 2026
𝙈𝙖𝙡𝙞𝙜𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙠𝙖-𝟮𝟱 𝘼𝙣𝙞𝙗𝙚𝙧𝙨𝙖𝙧𝙮𝙤 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙞𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙊𝙗𝙞𝙨𝙥𝙤, 𝘼𝙧𝙘𝙝𝙗𝙞𝙨𝙝𝙤𝙥 𝙎𝙤𝙘𝙧𝙖𝙩𝙚𝙨 𝙑𝙞𝙡𝙡𝙚𝙜𝙖𝙨!
Ngayong araw, nasaksihan ng Manaoag ang isang makasaysayang pagdiriwang ng pananampalataya bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng 𝙀𝙥𝙞𝙨𝙘𝙤𝙥𝙖𝙡 𝙊𝙧𝙙𝙞𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 ni 𝗔𝗿𝗰𝗵𝗯𝗶𝘀𝗵𝗼𝗽 𝗦𝗼𝗰𝗿𝗮𝘁𝗲𝘀 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗲𝗴𝗮𝘀. Daan-daang pari, mga obispo at arsobispo, deboto, at mga bisita ang nakiisa sa espesyal na okasyong ito.
Bagama’t hindi nakarating ang nakatakda sanang pagdalo ni Apostolic Nuncio to the Philippines na si Archbishop Charles John Brown dahil sa mga pagbaha sa kanyang daraanan, ipinaabot pa rin nito ang kanyang pagbati kay Archbishop Villegas.
Kabilang sa mga nakiisa sa makasaysayang okasyong ito si 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗝𝗲𝗿𝗲𝗺𝘆 𝗔𝗴𝗲𝗿𝗶𝗰𝗼 “𝗗𝗼𝗰 𝗠𝗶𝗻𝗴” 𝗕. 𝗥𝗼𝘀𝗮𝗿𝗶𝗼, kasama ang kanyang maybahay na si 𝗗𝗿𝗮. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗲 𝗦𝘂𝘇𝘇𝗲𝘁𝘁𝗲 “𝗧𝘄𝗶𝗴𝗴𝘆” 𝗕. 𝗥𝗼𝘀𝗮𝗿𝗶𝗼.
Samantala, nakahanda at nakaantabay ang buong pwersa ng Lokal na Pamahalaan ng Manaoag upang tiyakin ang kaligtasan, kaayusan, at maayos na daloy ng pagdiriwang. Kabilang dito ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Health Office, Municipal Tourism Office, Public Order and Safety Office (POSO), General Services Office Utility Personnel, Manaoag Bureau of Fire Protection (BFP), Manaoag Philippine National Police (PNP), 702nd Infantry Brigade, 51st Engineering Brigade ng Camp Tito Abat at Explosive Ordnance Disposal (EOD) K9 Unit.
Sa gitna ng ulan at mga hamon ng panahon, nagkaisa ang Manaoag sa isang makabuluhang araw ng pananampalataya, paglilingkod, at pasasalamat.
𝙈𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙥𝙤 𝙠𝙖𝙮𝙤, 𝘼𝙧𝙘𝙝𝙗𝙞𝙨𝙝𝙤𝙥 𝙎𝙤𝙘𝙧𝙖𝙩𝙚𝙨 𝙑𝙞𝙡𝙡𝙚𝙜𝙖𝙨! 𝙋𝙖𝙩𝙪𝙡𝙤𝙮 𝙣𝙖𝙬𝙖 𝙠𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙥𝙖𝙡𝙖𝙞𝙣 𝙨𝙖 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙡𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜𝙠𝙤𝙙 𝙨𝙖 𝙎𝙞𝙢𝙗𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙨𝙖𝙢𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣𝙖𝙣.
#𝗢𝗻𝗲𝗠𝗮𝗻𝗮𝗼𝗮𝗴