01/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ก ๐๐ง ๐ฆ๐๐ฃ๐๐ง๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ฃ๐ข๐ก๐๐ข ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐ฆ๐จ๐! ๐ฃ๏ธ
Taon-taon na lamang ba kailangang ipaglaban ng mga Iskolar ng Bayan ang pondong dapat ay nakalaan para sa kanilang kinabukasan?
Sa pagsisimula ng panibagong akademikong taon, ang ๐ฅ๐ง๐จ ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ฆ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐๐ (๐ฃ๐ข๐๐ฆ๐ฆ๐ข๐) โ ๐๐ผ๐ป๐ถ ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐, bilang kinatawan ng mga mag-aaral ng Agham Pampulitika ng Rizal Technological University, ay mariing naninindigan laban sa panukalang pagbawas ng pondo para sa mga ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฒ ๐จ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐ถ๐ฒ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฒ๐ (๐ฆ๐จ๐๐) ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ๐ถ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ณ.
Ayon sa Saligang Batas ng 1987, nararapat na bigyan ng Estado ng pinakamataas na prayoridad ang edukasyon sa pambansang badyet. Gayunman, 49 sa 113 SUCs ang nakatakdang makaranas ng pagbawas sa pondo para sa susunod na taon. Kasabay nito, kailangang tiyakin ang sapat na pondo para sa pagpapatupad ng Batas Republika Blg. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na naglalayong tiyakin ang libreng matrikula at iba pang bayarin para sa mga kwalipikadong mag-aaral sa mga pampublikong pamantasan.
Hindi sapat ang pagkakaroon ng libreng matrikula kung kapos naman ang pondong nagpapanatili sa kalidad ng pampublikong edukasyon. Ang pagbawas sa pondo ng mga SUC ay direktang banta sa kakayahan ng mga pamantasang tumugon sa lumalaking pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral at pamayanan.
Higit itong nararamdaman sa Rizal Technological University. Para sa Taong Pananalapi 2027, nakalaan ang โฑ995,430,000 para sa unibersidadโโฑ113,122,000 na mas mababa kumpara sa โฑ1,108,552,000 na badyet noong nakaraang taon.
โฑ113.122 milyon. Hindi lamang ito numero sa isang dokumento. Ang RTU ay tahanan ng libo-libong estudyanteng umaasa sa pampublikong edukasyon upang makapagpatuloy at makapagtapos. Sa ganitong kalaking pagbawas, nararapat lamang na itanong: Ano ang magiging epekto nito sa kalidad ng edukasyon at serbisyong natatanggap ng mga estudyante?
Hindi namin isinasantabi ang mga positibong bahagi ng panukalang badyet. Subalit hindi rin namin maaaring ipikit ang aming mga mata sa mga kakulangang maaaring maramdaman ng mga mag-aaral, g**o, kawani, at buong pamayanan ng RTU.
Taon-taon na lamang ba kailangang ipaglaban ng mga Iskolar ng Bayan ang pondong dapat ay para sa kanilang edukasyon? Kung tunay na maka-estudyante ang pamahalaan, bakit kailangang paulit-ulit na ipaglaban ng kabataan ang pondong kinakailangan upang sila ay makapag-aral at makapagtapos?
Ang pagiging maka-estudyante ay hindi lamang nasusukat sa pagkakaroon ng libreng matrikula. Dapat itong makita sa sapat na silid-aralan, maayos na pasilidad, kumpletong kagamitan, sapat na bilang ng g**o at kawani, at mga serbisyong tunay na tumutugon sa pangangailangan ng bawat mag-aaral.
Ang badyet ay hindi lamang talaan ng mga numero. Ito ay pagpapakita ng prayoridad ng pamahalaan. Kung tunay na prayoridad ang kinabukasan ng kabataan, dapat itong makita sa pondong inilalagak para sa kanilang edukasyon.
Kaya naman, nananawagan ang RTU Political Science Society โ Boni Campus para sa:
Sapat at makatarungang pondo para sa mga SUC!
Pagpapanatili at pagpapalakas ng libreng pampublikong edukasyon!
Mas malaking suporta para sa mga mag-aaral at pamantasang nagsisilbi sa kanila!
Ang panawagang ito ay para rin sa mga nakaupo sa pwesto, ang panawagang gampanan nila ang kanilang tungkulin bilang mga lider ng bayan. Pakinggan at bigyang-tinig ninyo ang hinaing ng mga iskolar ng bayan. Hangad namin ang maayos at tapat na proseso ng deliberasyon ng badyet. Nais naming makita ang isang badyet na tunay na naglilingkod sa mga mag-aaral at nagpapalakas sa ating mga pampublikong institusyon.
Hindi dapat ipinagpapalimos ng kabataan ang pondong kailangan para sa kanilang kinabukasan.
๐ฃ๐ข๐ก๐๐ข ๐ฆ๐ ๐๐๐จ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก, ๐๐๐ก๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ฃ๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก!
๐๐๐จ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก, ๐๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ง๐๐ก ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐ฌ๐๐ก!
๐๐๐๐๐๐๐๐ก ๐๐ง ๐ฆ๐๐ฃ๐๐ง๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ฃ๐ข๐ก๐๐ข ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐ฆ๐จ๐!
Tuloy ang panawagan. Tuloy ang pagkilos. Tuloy ang pakikibaka para sa edukasyong para sa lahat.