25/09/2026
Mas ligtas ang komunidad kapag mas responsable ang bawat isa
Naghain sina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ng House Bill No. 11387 o Responsible Firearm Ownership and Safe Storage Act.
Layunin ng panukala na palakasin ang safe storage, gun-safety training, at pananagutan ng mga registered firearm owners at custodians upang maiwasan ang access ng mga bata at iba pang hindi awtorisadong tao.
Para sa KF, ang ganitong hakbang ay bahagi ng pagbuo ng mas ligtas na environment kung saan ang kabataan ay malayang makapag-aral, makapagpursige sa kanilang pangarap, at makapaghanda para sa kanilang kinabukasan.
Responsableng pagmamay-ari. Mas ligtas na komunidad. Mas protektadong kabataan.