KAISA KA

KAISA KA KAISA KA is a national federation of women working for the liberation of Filipino women from patriarchy, national and class oppression.

It is affiliated with the KILUSAN ( short for Kilusan Para sa Pambansang Demokrasya). Since its inception in 1998, KAISA KA has been advancing the rights and welfare of Filipino women who are usually in the periphery of development and most often, the victims of natural and man-made disasters, economic crisis and militarism fomented by globalization. Women from various sectors—peasants, workers,

students, urban poor and indigenous people—have formed KAISA KA chapters in different regions and provinces throughout the Philippines. Filipino women now believe that, armed with information, analytical skills and readiness to work, they can be empowered to address their situation collectively.

PAHAYAG NG KAISA KA SA IKA-128 ANIBERSARYO NG ARAW NG KASARINLAN"Hangga't hindi malaya ang kababaihan, hindi pa malaya a...
12/06/2026

PAHAYAG NG KAISA KA SA IKA-128 ANIBERSARYO NG ARAW NG KASARINLAN

"Hangga't hindi malaya ang kababaihan, hindi pa malaya ang bayan."

Sa paggunita sa deklarasyon ng kasarinlan, binibigyang-pugay ng KAISA KA ang mga bayaning nag-alay ng buhay laban sa kolonyal na paghahari. Ngunit ang Hunyo 12 ay hindi lamang araw ng pag-alala—ito ay araw ng pagsusuri. Tunay bang malaya ang sambayanang Pilipino?

Sa gitna ng lumalalim na krisis, mataas na presyo ng pagkain, kawalan ng disenteng trabaho, at talamak na kahirapan, malinaw na ang pangarap na isang maunlad at makatarungang lipunan ay hindi pa ganap na natutupad.

Sa umuusbong na tensyon ng mga makapangyarihang bansa sa mundo, nananatiling bulnerable ang Pilipinas sa mga patakarang mas pabor sa dayuhang interes kaysa sa sarili nating mamamayan.

Bilang organisasyon ng kababaihan, nakikita naming pinakamabigat ang epekto ng krisis na ito sa kanila. Ang kababaihan ang unang humaharap sa gutom sa loob ng tahanan, naghahati ng kakarampot na kita, at nag-aalaga sa pamilya kapag kulang ang serbisyong pampubliko.

Dito nag-uugat ang Tatlong Sapin ng Pang-aapi sa kababaihan:
Bilang Mamamayan: Nakagapos sa dominasyon ng dayuhang interes sa ekonomiya at seguridad.
Bilang Sektor na Pinagsasamantalahan: Biktima ng sistemang nakasentro sa tubo at hindi sa tao.
Bilang Babae: Patuloy na dumaranas ng patriyarkal na diskriminasyon.

Kaya para sa KAISA KA, ang laban para sa kababaihan ay hindi maihihiwalay sa laban para sa pambansang soberanya at katarungang panlipunan. Nananawagan kami para sa isang Pilipinas na may kakayahang pakainin ang sarili, pinoprotektahan ang lokal na magsasaka at mangingisda, at may gobyernong may pananagutan sa bayan.

Hindi lamang biktima ang kababaihan; sila ay tagapaglikha ng kasaysayan! Ngayong Hunyo 12, magkaisa tayo! Ipagtanggol ang katotohanan, tutulan ang korapsyon, at isulong ang karapatan sa pagkain, disenteng sahod, at tunay na pagkakapantay-pantay.

Hangga't may nagugutom, may inaapi, at may pinatatahimik, hindi pa tapos ang laban para sa kalayaan!

Mabuhay ang kababaihan! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

28/05/2026

KAISA KA Statement
On the International Day of Action for Women’s Health
May 28, 2026

Today, as the world marks the International Day of Action for Women’s Health, KAISA KA stands in solidarity with Filipino women in asserting that women’s health is a fundamental human right—not a privilege reserved only for those who can afford it.

Women’s health is not limited to maternal care. It includes physical, mental, emotional, reproductive, social, and economic well-being throughout a woman’s entire life cycle. Yet millions of women continue to suffer silently from poverty, violence, discrimination, overwork, malnutrition, lack of access to healthcare, unsafe environments, online exploitation, and the unequal burden of unpaid care work.

In the Philippines, women are constantly praised for being “matiisin,” “matatag,” and “mapag-aruga.” But resilience should never become an excuse for systemic neglect.

A woman cannot truly be healthy when:
• she fears violence inside her own home;
• she carries the double burden of paid and unpaid labor;
• she has no access to affordable healthcare and mental health support;
• she is exploited online and offline;
• she is silenced when speaking about reproductive health;
• she experiences discrimination because she is poor, elderly, indigenous, disabled, LGBTQIA+, or from marginalized communities.

Women’s health is deeply connected to social justice.

It is a governance issue when public hospitals lack services for women.
It is a labor issue when women workers are overworked and underpaid.
It is an education issue when young girls lack accurate information about their bodies and rights.
It is a safeguarding issue when women and children suffer abuse in silence.
It is a media issue when women’s bodies are commodified while their voices are ignored.

KAISA KA therefore calls on:
• national and local governments to strengthen gender-responsive healthcare and mental health services;
• schools and communities to promote comprehensive and age-appropriate gender and health education;
• media institutions to practice responsible and gender-fair reporting;
• workplaces to uphold women’s dignity, safety, and reproductive rights;
• and all sectors to reject cultures of misogyny, victim-blaming, exploitation, and silence.

As women continue to fight for dignity and equality, we remind society that caring for women’s health is not merely about medicine. It is about creating conditions where women can live free from fear, violence, hunger, discrimination, and exploitation.

The health of women reflects the health of our democracy.

No woman should have to sacrifice her body, dignity, or dreams simply to survive.

Lalaban ang kababaihan. Ngunit higit sa lahat, dapat mabuhay ang kababaihan nang may kalusugan, karapatan, at dangal.



23/05/2026

R**E IS NOT A JOKE.
When broadcasters laugh about r**e, they don’t just “make a mistake” — they normalize violence, reinforce misogyny, and silence survivors.

KAISA KA condemns the recent r**e jokes aired in Bacolod.
We stand with women and survivors: Your pain is real. Your anger is justified. Your silence should never be forced.

A society that laughs at r**e jokes forgets the humanity of women.
That’s why we resist. ✊💜

10/05/2026
Pahayag ng KAISA KAAraw ng mga Manggagawa | Mayo 1, 2026Ang Mayo Uno ay hindi simpleng paggunita.Ito ay araw na isinilan...
01/05/2026

Pahayag ng KAISA KA
Araw ng mga Manggagawa | Mayo 1, 2026

Ang Mayo Uno ay hindi simpleng paggunita.
Ito ay araw na isinilang sa pakikibaka—sa dugo, pawis, at tapang ng mga manggagawa sa iba’t ibang panig ng mundo.

At sa mahabang kasaysayang iyon, malinaw:
hindi kailanman naging tahimik ang kababaihang manggagawa.

Mula sa mga pabrika at bukirin, hanggang sa mga komunidad at tahanan—
sila ang nasa likod ng produksyon, at nasa harap ng pakikibaka.

Ngunit hanggang ngayon, pasan nila ang tatlong sapin ng pangaapi:

Pambansa — Sa isang ekonomiyang hindi pa ganap na nagsasarili, nananatiling mura ang paggawa. At sa murang paggawa, kababaihan ang madalas unang iniaalay.

Makauri — Bilang manggagawa, sila ang nasa pinakailalim—kontraktwal, kulang sa benepisyo, laging nasa bingit ng pagkawala ng trabaho.

Kasarian — Bilang babae, may dagdag na pasan: diskriminasyon, karahasan, at ang hindi nakikitang “gawaing bahay at pagaaruga sa mga bata , matanda at may kapansanan” na siyang tahimik na sumusuporta sa buong ekonomiya.

Ito ang hindi natatapos na laban.

Kaya ngayong Araw ng mga Manggagawa, ang panawagan ng KAISA KA ay hindi bago—
ito ay pagpapatuloy.

Pagpapatuloy ng laban para sa:

* makatarungang sahod,
* seguridad sa trabaho,
* ligtas at makataong lugar ng paggawa,
* pagkilala sa unpaid care work,
* at ganap na pagkakapantay-pantay ng kababaihan sa lahat ng larangan.

Sapagkat ang kaunlaran na hindi nararamdaman ng manggagawa—lalo na ng kababaihan—
ay kaunlarang hungkag.

Sa araw na ito, kinikilala natin hindi lamang ang kanilang ambag—
kundi ang kanilang tapang na patuloy na lumalaban.

Ang Mayo Uno ay araw ng paggunita sa kadakilaan ng pakikibaka ng manggagawa—ngunit araw din ng paniningil.

Paniningil sa kasaysayan na hindi pa natutupad ang pangako.
Paniningil sa kasalukuyan na kailangang magbago.
Paniningil para sa kinabukasang dapat maging makatarungan.

Manggagawa ang pundasyon ng bayan.
Kababaihang manggagawa ang puso ng pakikibaka.

At kung may kadakilaan ang araw na ito,
nasa kanila iyon—sa mga hindi sumuko, at patuloy na lumalaban.

KAISA KA. Kasama sa kasaysayan. Kasama sa laban.

Address

22 Domingo Guevara Street, Highway Hills
Mandaluyong
1550

Telephone

+6327173262

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KAISA KA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to KAISA KA:

Share