08/06/2026
π§ππ‘ππ‘ππ‘! | π¨π‘ππ‘π ππ₯ππͺ π‘π π§π₯πππ‘ππ‘π π’π‘ π£ππ₯ππ‘π§ ππππππ§ππ©ππ‘ππ¦π¦ π¦ππ₯π©πππ (π£ππ¦) π£π₯π’ππ₯ππ πππππππ§ππ§π’π₯π¦, ππ¦ππ‘ππππͺπ
Pormal nang sinimulan ngayong araw sa Mandaluyong City Protection Center ang limang (5) araw na Training on Parent Effectiveness Service (PES) Program Facilitators na dinaluhan ng mga Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) Focal Persons, Violence Against Women and Children (VAWC) Desk Officers, mga miyembro ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), at mga kawani ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD) ng Mandaluyong.
Sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD) at Gender and Development (GAD) Department, layunin ng pagsasanay na higit pang palakasin ang kaalaman, kakayahan, at kahandaan ng mga kalahok bilang mga Parent Effectiveness Service (PES) Facilitators upang mas epektibong maitaguyod ang responsableng pagiging magulang, positibong pagpapalaki ng mga anak, at pagpapatatag ng pamilyang MandaleΓ±o.
Patunay ang gawaing ito ng patuloy na pangako ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong na maghatid ng mga programang nagpapalakas sa institusyon ng pamilya, nagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga bata, at bumubuo ng mas ligtas, mas inklusibo, at mas matatag na komunidad para sa lahat.