22/09/2026
DOH: HIGIT 9,000 NA MGA PILIPINO ANG NADI-DIAGNOSE NG PROSTATE CANCER BAWAT TAON
Ayon sa datos mula sa Department of Health (DOH) at Global Cancer Observatory (GLOBOCAN), tinatayang higit 9,000 na bagong kaso ng prostate cancer ang naitala sa bansa, partikular sa mga kalalakihang may edad 50 pataas. Dahil madalas ay walang nararamdamang sintomas sa maagang antas nito, mahalagang magkaroon ng regular na konsultasyon at pagsusuri tulad ng Prostate-Specific Antigen (PSA) test at Digital Re**al Examination (DRE).
Tandaan: Ang maagang pagtukoy ay susi sa mas mataas na pagkakataon ng paggaling. Kung may nararanasang pagbabago sa pag-ihi, huwag mag-atubiling kumonsulta agad sa pinakamalapit na health center o primary care physician.