09/03/2026
MAHALAGANG ANUNSYO | 4-DAY WORKWEEK SA PAMAHALAANG LUNGSOD NG MANDALUYONG
Alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand Marcos Jr. (Memorandum Circular No. 114, s. 2026), ipinag-utos ni Mayor Menchie Abalos sa bisa ng Executive Order No. 2 Series 2026 at unumbered memorandum na magpapatupad ang Lungsod ng Mandaluyong ng 4-Day Workweek sa mga tanggapan ng pamahalaang lungsod.
Bukas ang mga opisina mula LUNES hanggang HUWEBES, 7:00 AM – 6:00 PM, MALIBAN sa mga ESSENTIAL o FRONTLINE OFFICES na patuloy na maghahatid ng serbisyo ayon sa kanilang dating iskedyul upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo para sa mga Mandaleño.
Layunin ng hakbang na ito na makatipid sa konsumo ng kuryente at langis, alinsunod sa ipinatutupad na energy conservation measures ng pamahalaan, habang patuloy na naipagkakaloob ang maayos at episyenteng serbisyo publiko.