Public Information Office - Mangaldan, Pangasinan

Public Information Office - Mangaldan, Pangasinan The Official Public Information and Communication Arm of the Local Government Unit of Mangaldan, Pangasinan, Philippines.
(8)

The Official Public Information and multimedia arm of the Local Government Unit of Mangaldan, Pangasinan, Philippines which aims to be the primary channel of vital and relevant updates, news and announcements of Mangaldanians and its stakeholders.

๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—”๐—ก, ๐—ฃ๐—”๐—š๐—›๐—จ๐—•๐—ข๐—š ๐—ก๐—š ๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก:  ๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก ๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—•๐—ฅ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง...
05/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—”๐—ก, ๐—ฃ๐—”๐—š๐—›๐—จ๐—•๐—ข๐—š ๐—ก๐—š ๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก:
๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก ๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—•๐—ฅ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข

Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 339 na nilagdaan noong 2012 ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III, taun-taon ipinagdiriwang sa buong bansa ang Buwan ng Kasaysayan tuwing Agosto.
Ngayong taon ay muling ipinapakita ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan, sa pamumuno ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno, ang pagpapahalaga sa kasaysayan sa pamamagitan ng pakikiisa sa selebrasyon na may temang โ€œ๐‘ฏ๐’Š๐’๐’–๐’ƒ๐’๐’ˆ ๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’š๐’‚๐’, ๐‘ซ๐’Š๐’๐’–๐’š๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘จ๐’๐’๐’.โ€

Layunin ng pagdiriwang na palalimin ang kamalayan ng bawat Pilipino sa kahalagahan ng kasaysayan bilang gabay sa paghubog ng kinabukasan.
Tulad ng paalala ni Dr. Jose Rizal, โ€œAng hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.โ€

Narito ang Ilang Mahahalagang Tala sa Kasaysayan ng Pilipinas
โ€ข 1521 โ€“ Dumating si Ferdinand Magellan sa Cebu at ipinangalan ang kapuluan sa Hari ng Espanya na si Philip II.
โ€ข 1565 โ€“ Itinatag ang unang permanenteng pamayanang Kastila sa Cebu.
โ€ข 1898 โ€“ Ipinahayag ng mga Pilipino ang kalayaan mula sa Espanya noong Hunyo 12 matapos ang mahigit tatlong siglo ng kolonyal na pamamahala.
โ€ข 1935 โ€“ Naitatag ang Commonwealth ng Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Manuel L. Quezon bilang paghahanda sa ganap na kalayaan.

Sa kabila ng pananakop ng ibaโ€™t ibang bansa, nanatiling matatag ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Bagamat ang ating kultura ay nahaluan ng ibaโ€™t ibang impluwensya, hindi parin nalilimutan ang sariling atin at tayo ay patuloy na hinuhubog ng kasaysayan at dinuduyan ng alon ng pagbabago. (๐‘ด๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’๐’…๐’‚๐’ ๐‘ท๐‘ฐ๐‘ถ/ ๐‘ช๐‘บ๐‘ด๐’๐’“๐’Š๐’๐’๐’)

Mga Sanggunian:
Proclamation no. 339, S. 2012 | Official Gazette of the Republic of the Philippines. https://www.officialgazette.gov.ph/2012/02/16/proclamation-no-339-s-2012/
Hays, J. (n.d.). Philippines History: Names, themes, timeline, highlights. https://sl1nk.com/q2fs2ak
www.officialgazette.gov.ph

๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ฎ, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ผ๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐˜€๐—ถ๐˜€ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ปMuling pinaalalahanan...
05/08/2026

๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ฎ, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ผ๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐˜€๐—ถ๐˜€ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป

Muling pinaalalahanan ng ina ng bayan na si Mayor Bona Fe De Vera-Parayno, kasama ng Municipal Health Office (MHO), ang mga taga-Mangaldan na maging maingat sa banta ng Leptospirosis ngayong panahon ng tag-ulan.

Ang Leptospirosis ay isang nakakahawang sakit na sanhi ng Leptospira bacteria na nagmumula sa ihi ng mga daga, aso, at iba pang mga hayop na puwedeng maipasa sa mga tao.

Ayon sa Department of Health (DoH), ang mga kadalasang dahilan ng pagpasa nito mula hayop papunta sa tao ay ang pagtalsik ng kontaminadong lupa o tubig sa mga mata, ilong, at bibig; pagkain at pag-inom ng maduming pagkain at tubig; at ang paglusong sa maruming tubig habang may bukas na sugat.

Ang mga sumusunod ay mga sintomas ng Leptospirosis:
โ€ข Lagnat
โ€ข Pananakit ng Kalamnan
โ€ข Panginginig
โ€ข Pananakit ng ulo at katawan
โ€ข Pagtatae
โ€ข Pamamantal
โ€ข Paninilaw ng balat
โ€ข Pamumula ng mata

Upang malabanan ang mga nabanggit na sintomas, ang mga sumusunod na pamamaraan ang maaaring gawin:
โ€ข Iwasang lumusong o lumangoy sa baha o maruming tubig
โ€ข Gumamit ng bota at gloves kung kailangang lumusong sa baha
โ€ข Siguraduhing malinis ang inuming tubig
โ€ข Magtapon ng basura sa tamang lugar upang hindi ito kumalat kung may baha
โ€ข Panatilihin malinis ang kapaligiran
โ€ข Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig

Bukas ang tanggapan ng Mangaldan Municipal Health Office para sa mga taong nakakaramdam ng mga sintomas ng Leptospirosis upang ito ay maasikaso at maiwasan ang possibleng komplikasyon.

Hangarin ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan na manatiling protektado at maagap ang mga kabaleyan upang maiwasan o malabanan ang sakit na Leptospirosis

Reference: Department of Health (Philippines)



๐‘ป๐‘น๐‘จ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ฏ๐‘ถ ๐‘จ๐‘ณ๐‘ฌ๐‘น๐‘ป!๐—›๐—”๐—•๐—ข๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฌ๐—”๐—ก!๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐Ÿญ,๐Ÿณ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—•๐—”๐—›๐—ข, ๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ž ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—ข๐—ž๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก ๐—๐—ข๐—•๐—ฆ ๐—™๐—”๐—œ๐—ฅ ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช!Ma...
05/08/2026

๐‘ป๐‘น๐‘จ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ฏ๐‘ถ ๐‘จ๐‘ณ๐‘ฌ๐‘น๐‘ป!

๐—›๐—”๐—•๐—ข๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฌ๐—”๐—ก!
๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐Ÿญ,๐Ÿณ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—•๐—”๐—›๐—ข, ๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ž ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—ข๐—ž๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก ๐—๐—ข๐—•๐—ฆ ๐—™๐—”๐—œ๐—ฅ ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช!

Mahigit 1,700 na bakanteng trabaho ang kasalukuyang naghihintay para sa mga naghahanap ng trabaho sa isinasagawang Jobs Fair ngayong Miyerkules, Agosto 5, sa loob ng Macario Ydia Development Center (MYDC).

Bukas ang aktibidad hanggang alas-tres ng hapon (3:00 PM) kaya malugod na inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang mga aplikante na agad magtungo sa venue at samantalahin ang pagkakataon.

Pinangunahan ng Public Employment Service Office (PESO) ang naturang aktibidad sa ilalim ng pamamahala ni Helen G. Abalos-Aquino, PESO Manager/Chief Administrative Officer/HRMO V, at inisyatiba ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mailapit ang mga oportunidad sa trabaho sa mga Mangaldanian at mga karatig-bayan.

Ayon kay Mark Farrel C. Cruz, Labor and Employment Officer I, hindi lamang limitado sa mga Mangaldanian ang nasabing Jobs Fair dahil malugod din nilang tinatanggap ang mga aplikante mula sa mga karatig-bayan na nagnanais makahanap ng trabaho.

Maaaring magpasa ng resume ang mga job seekers sa sampung kumpanya at ahensya na lumahok sa programa. Kabilang sa mga naghahanap ng bagong tauhan ang:

โ€ข One Source General Solutions, Inc.
โ€ข Napintas Logistics & Distributions, Inc.
โ€ข Joyday Pangasinan
โ€ข RKT Marketing
โ€ข Sumi North-Philippines Wiring System Corporation
โ€ข Pru Life U.K.
โ€ข MEN2 Marketing
โ€ข VXI
โ€ข Red Motors
โ€ข Pronto Distribution Group

Nag-aalok ang mga ito ng ibaโ€™t ibang posisyon para sa production, logistics, warehouse operations, engineering, finance, customer service, sales, marketing, driving, accounting, information technology, technical support, mechanics, at iba pang propesyon.

Ipinaliwanag naman ni Abalos-Aquino na bahagi ang Jobs Fair ng layunin ni Mayor Bona na mapalawak ang oportunidad sa trabaho at matulungan ang mas maraming residente na magkaroon ng disenteng hanapbuhay.

Aniya, sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan ng mga kumpanya sa mga aplikante, mas madaling natutugma ang kakayahan at kwalipikasyon ng bawat jobseeker sa mga bakanteng posisyon, na nagpapataas ng posibilidad ng agarang hiring.

Kasabay nito, inanunsiyo rin ng PESO na nakatakda ring magsagawa ang lokal na pamahalaan ng Mega Jobs Fair sa Setyembre bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Civil Service Anniversary, na tampok ang mas marami pang lokal at overseas recruiter.

Para sa mga kabaleyan na pasok pa sa oras, magdala ng maraming kopya ng inyong resume at dumiretso na sa MYDC! (๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ก๐™™๐™–๐™ฃ ๐™‹๐™„๐™Š/๐™†๐™‡๐˜พ๐™ก๐™–๐™ช๐™ฃ๐™–)

Repost from CHED Regional Office I - Ilocos Region๐Ÿ“ข ๐‚๐€๐‹๐‹ ๐…๐Ž๐‘ ๐€๐๐๐‹๐ˆ๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’The Bagong Pilipinas Merit Scholarship Program ...
05/08/2026

Repost from CHED Regional Office I - Ilocos Region

๐Ÿ“ข ๐‚๐€๐‹๐‹ ๐…๐Ž๐‘ ๐€๐๐๐‹๐ˆ๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’

The Bagong Pilipinas Merit Scholarship Program (BPMSP) is now open for incoming first-year college students who plan to enroll in identified priority programs offered by Philippine Higher Education Institutions (HEIs) that meets any of the following requirements for the First Semester of Academic Year 2026-2027.
Here are the Eligibility Requirements:
a. Filipino Citizen;
b. INCOMING FIRST YEAR COLLEGE student;
c. Belongs to the Top Five (5) of the graduating class OR with a minimum General Weighted Average (GWA) of 95% (or its equivalent) in Grade 12;
d. Has NOT earned any units or degree in tertiary education;
e. Has parents or legal guardians with a combined annual gross income NOT exceeding Two Million Pesos (PhP 2,000,000);
f. Enrolled in CHED-identified priority programs (Full list of priority progras and identified Delivering Higher Education Institutions (DHEIs) can be accessed here: https://bpms.ched.gov.ph/priority-lists)
Interested applicants may submit their applications , together with scanned copies of the required documents, through the official BPMSP application portal at https://bpms.ched.gov.ph
Application period is from April 30, 2026 to June 30, 2026, or until available slots are filled.

Warning: Beware of Scholarship Postings from Unverified Sources

Patuloy ang paalala ng Office of Civil Defense (OCD) sa publiko na mag-ingat, maghanda, at tumutok sa lagay ng panahon a...
04/08/2026

Patuloy ang paalala ng Office of Civil Defense (OCD) sa publiko na mag-ingat, maghanda, at tumutok sa lagay ng panahon at sa mga abiso ng awtoridad ngayong panahon ng tag-ulan dulot ng Bagyong MAYMAY at Habagat (Southwest Monsoon).

Narito ang mga lugar na posibleng makaranas ng pag-ulan Dulot ng Bagyong MAYMAY.

Ngayong Araw.
(Agosto 5)
(100-200 mm): ORANGE WARNING
- La Union, Pangasinan, Benguet, Zambales

Ngayong Araw.
(Agosto 5)
(50-100 mm): YELLOW WARNING
- Ilocos Sur, Ifugao, Mountain Province, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan

Bukas.
(Agosto 6)
(100-200 mm): ORANGE WARNING
- Ilocos Sur, La Union, Benguet

Bukas.
(Agosto 6)
(50-100 mm): YELLOW WARNING
- Pangasinan, Abra, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, Nueva Vizcaya

Inaasahang Malakas na Pag-ulan Dulot ng Habagat (Southwest Monsoon).

Ngayong Araw.
(Agosto 5)
(50-100 mm): YELLOW WARNING
- Metro Manila, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, Occidental Mindoro

Bukas.
(Agosto 6)
(100-200 mm): ORANGE WARNING
- Occidental Mindoro

Bukas.
(Agosto 6)
(50-100 mm): YELLOW WARNING
- Zambales, Bataan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Antique

Biyernes.
(Agosto 7)
(50-100 mm): YELLOW WARNING
- Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Benguet, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Antique

Bisitahin ang link na ito para sa listahan ng mga lugar na maaaring maapektuhan ng malakas na pag-ulan: https://www.facebook.com/share/p/1BeEJpPJ8A/

Source: DOST-PAGASA via Civil Defense PH

๐—ง๐—–๐—ช๐—ฆ ๐—ฆ๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—ข. ๐Ÿญ,  ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก ๐—ž๐—”๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก ๐——๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—  ๐— ๐—”๐—ฌ๐— ๐—”๐—ฌ!Source: DOST-PAG...
04/08/2026

๐—ง๐—–๐—ช๐—ฆ ๐—ฆ๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—ข. ๐Ÿญ, ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก ๐—ž๐—”๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก ๐——๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—  ๐— ๐—”๐—ฌ๐— ๐—”๐—ฌ!

Source: DOST-PAGASA

๐‘ท๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’”๐’Š๐’๐’‚๐’ ๐’๐’‚๐’”๐’‚ ๐’Š๐’๐’‚๐’๐’Š๐’Ž ๐’๐’ˆ ๐‘ถ๐‘น๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฌ ๐‘น๐‘จ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ญ๐‘จ๐‘ณ๐‘ณ ๐‘ณ๐‘ฌ๐‘ฝ๐‘ฌ๐‘ณ ๐‘พ๐‘จ๐‘น๐‘ต๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ!
04/08/2026

๐‘ท๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’”๐’Š๐’๐’‚๐’ ๐’๐’‚๐’”๐’‚ ๐’Š๐’๐’‚๐’๐’Š๐’Ž ๐’๐’ˆ ๐‘ถ๐‘น๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฌ ๐‘น๐‘จ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ญ๐‘จ๐‘ณ๐‘ณ ๐‘ณ๐‘ฌ๐‘ฝ๐‘ฌ๐‘ณ ๐‘พ๐‘จ๐‘น๐‘ต๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ!

๐—ž๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—˜ ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก, ๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐——๐—œ๐——๐—ข ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ, ๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿฑ, ๐——๐—”๐—›๐—œ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—ข๐—ช ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—–๐—ก๐—ข๐—ง๐—”๐—ก, ๐—Ÿ๐—” ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก!Kanse...
04/08/2026

๐—ž๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—˜ ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก, ๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐——๐—œ๐——๐—ข ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ, ๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿฑ, ๐——๐—”๐—›๐—œ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—ข๐—ช ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—–๐—ก๐—ข๐—ง๐—”๐—ก, ๐—Ÿ๐—” ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก!

Kanselado ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Mangaldan bukas, Agosto 5, Miyerkules, matapos lagdaan ni Mayor Bona Fe De Vera-Parayno ang Executive Order No. 2026-045 bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na pag-ulan at pagkidlat dulot ng Low Pressure Area (LPA) na may mataas na posibilidad na maging isang tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Batay sa 24-Hour Public Weather Forecast ng DOST-PAGASA na inilabas alas-4:00 ng hapon ngayong Agosto 4, namataan ang LPA alas-3:00 ng hapon sa layong 180 kilometro sa kanluran ng Bacnotan, La Union. Patuloy rin umanong pinalalakas ng LPA ang epekto ng southwest monsoon o habagat sa ilang bahagi ng bansa.

Kabilang ang Ilocos Region, na kinabibilangan ng Mangaldan, sa mga lugar na inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat, na maaaring magdulot ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan at mataas ng panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga mababang lugar.

Isinagawa ang pagsuspinde ng klase batay sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang higit na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at iba pang kawani ng mga paaralan habang patuloy na minomonitor ang lagay ng panahon.

Sa kabila ng suspensyon ng face-to-face classes, hinikayat ng local na pamahalaan ang lahat ng pamunuan ng paaralan na ipatupad ang mga naaangkop na Alternative Modes of Learning (AML) upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga estudyante sa ligtas na paraan.

Samantala, mananatiling nakaalerto at naka-standby ang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan na may kaugnayan sa disaster response, emergency operations, health services, quick response teams, at iba pang essential services upang agarang makatugon sa anumang insidente na maaaring idulot ng masamang panahon.

Pinapayuhan din ang mga residenteng naninirahan sa mga mababang lugar at mga lugar na madaling bahain o gumuho ang lupa na maging mapagmatyag at, kung kinakailangan, maghanda sa agarang paglikas sa mas ligtas na lugar alinsunod sa abiso ng mga awtoridad.

Hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsiyo mula sa Public Information Office - Mangaldan, Pangasinan at iba pang kinikilalang ahensiya ng pamahalaan para sa mga pinakahuling update tungkol sa lagay ng panahon at iba pang kaugnay na impormasyon.

Bilang paalala, hinihikayat din ang lahat na ibahagi ang mismong link ng opisyal na anunsiyo sa halip na larawan lamang upang matiyak ang tamang pagpapakalat ng impormasyon at maiwasan ang paglaganap ng maling impormasyon o fake news. (๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ก๐™™๐™–๐™ฃ ๐™‹๐™„๐™Š/๐™†๐™‡๐˜พ๐™ก๐™–๐™ช๐™ฃ๐™–)

๐—ง๐—ฅ๐—”๐—•๐—”๐—›๐—ข ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ๐—ง!!! ๐Ÿ“ข๐—๐—ข๐—•๐—ฆ ๐—™๐—”๐—œ๐—ฅ ๐—›๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก, ๐— ๐—”๐—š๐—•๐—จ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—จ-๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ข๐—ก๐—š ๐—๐—ข๐—• ๐—ข๐—ฃ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—˜๐—ฆ ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ, ๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿฑ!Higit 1,...
04/08/2026

๐—ง๐—ฅ๐—”๐—•๐—”๐—›๐—ข ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ๐—ง!!! ๐Ÿ“ข

๐—๐—ข๐—•๐—ฆ ๐—™๐—”๐—œ๐—ฅ ๐—›๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก, ๐— ๐—”๐—š๐—•๐—จ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—จ-๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ข๐—ก๐—š ๐—๐—ข๐—• ๐—ข๐—ฃ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—˜๐—ฆ ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ, ๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿฑ!

Higit 1,700 oportunidad sa trabaho ang naghihintay sa mga kabaleyang Mangaldanians sa gaganaping Jobs Fair ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa pangunguna ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) bukas, Agosto 5, 2026, mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa Macario Ydia Development Center (MYDC).

Layon ng aktibidad na mailapit ang mga jobseeker sa mga kumpanyang may agarang pangangailangan ng mga empleyado, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng administrasyon ni Mayor Bona na palawakin ang oportunidad sa disenteng hanapbuhay para sa mga residente sa bayan.

Kabilang sa mga kumpanyang makikilahok ang mga sumusunod:
- One Source General Solutions, Inc.,
- Napintas Logistics & Distributions, Inc.
- Joyday Pangasinan
- RKT Marketing
- Sumi North-Philippines Wiring System Corporation
- Pru Life U.K.
- MEN2 Marketing
- VXI
- Red Motorsa
- Pronto Distribution Group

Handang mag-alok ang mga nasabing kumpanya ng mga posisyon sa manufacturing, logistics, sales, engineering, finance, customer service, information technology, warehousing, transport, insurance, at iba pang industriya.

Pinapayuhan ang mga aplikante na magdala ng updated resume at ballpen. Pagdating sa venue, kinakailangang magparehistro at punan ang NSRP Form 1 bago magtungo sa Job Shopping Area upang piliin ang mga nais na applyan. Matapos nito, kukuha sila ng referral slip para sa bawat kumpanyang nais nilang pasahan ng aplikasyon, dahil kinakailangan ito bago sumailalim sa job interview.

Ayon kay Mayor Bona, mahalagang mailapit mismo sa mamamayan ang mga oportunidad sa trabaho upang mabawasan ang gastos at oras ng mga aplikanteng kinakailangang bumiyahe pa sa ibang lungsod o lalawigan para lamang makapag-apply.

Samantala, ayon kay PESO Manager/Chief Administrative Officer/HRMO V Helen G. Abalos-Aquino, bukod sa pagbibigay ng trabaho, layunin din ng Jobs Fair na mapabilis ang ugnayan ng mga employer at job seekers sa pamamagitan ng isang organisado at mas episyenteng proseso ng recruitment.

Inaanyayahan din ng PESO Mangaldan ang iba pang mga kumpanya na nais makibahagi sa aktibidad na makipag-ugnayan sa kanilang opisina sa pamamagitan ng PESO Mangaldan page o sa email: [email protected] upang makapagbukas pa ng mas maraming oportunidad para sa mga Mangaldanian.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mas inklusibo at masiglang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng paglikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga kabaleyang Mangaldanian. (๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ก๐™™๐™–๐™ฃ ๐™‹๐™„๐™Š/๐™†๐™‡๐˜พ๐™ก๐™–๐™ช๐™ฃ๐™–)

๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก, ๐—ž๐—”๐—ง๐—จ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ž๐—ข๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ช๐—œ๐—ž๐—”๐—ก๐—š ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข (๐—ž๐—ช๐—™) ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿฎ...
04/08/2026

๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก, ๐—ž๐—”๐—ง๐—จ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ž๐—ข๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ช๐—œ๐—ž๐—”๐—ก๐—š ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข (๐—ž๐—ช๐—™) ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ!

Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan, sa pangunguna ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno, sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at sa buong bansa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong buwan ng Agosto na may temang: โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

Nagsimula taong 1946 ang tradisyon ng paglalaan ng panahon para sa ating wika nang ideklara ni Pangulong Sergio Osmeรฑa ang Linggo ng Wika. Pagsapit ng 1955, inilipat ito ni Pangulong Ramon Magsaysay sa buwan ng Agosto (Agosto 13-19) upang isabay sa kaarawan ng tinaguriang โ€˜Ama ng Wikang Pambansaโ€™ na si dating Pangulong Manuel L. Quezon.

Taong 1997 nang lagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041, na pormal na nagdedeklara sa buong buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa.

Ayon kay Virgilio S. Almario (2014), sa kanyang akdang โ€œMadalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa,โ€ ang mga hakbang na ito ay nag-ugat sa pananaw ni Quezon noong panahon ng Commonwealth na kailangan natin ng iisang wika upang pagbuklurin ang isang kapuluang may iba't ibang dayalekto.

Madalas nating ikahon ang wikang Filipino bilang wika lamang ng panitikan, sining, at kasaysayan. Ngunit sa mabilis na pag-usbong ng teknolohiya, ipinapaalala ng tema ngayong taon na ang ating wika ay isang buhay at dinamikong kasangkapan.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Ruanni Tupas (2015), ang integrasyon ng Artificial Intelligence (AI) sa mga lokal na wika ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagiging inklusibo ng edukasyon at pag-access sa impormasyon.

Sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino sa pagbuo ng mga AI platforms at pananaliksik, hindi lamang natin pinapabilis ang pag-aaral kundi sinisig**o rin natin na ang mga makabagong kaalaman ay madaling maintindihan ng isang pangkaraniwang Pilipino. Ginagawa nitong abot-kamay ang yaman ng impormasyon, at tinitiyak na walang napag-iiwanan sa panahon ng digitalisasyon.

Para sa LGU Mangaldan, ang pagtataguyod sa ating wika ay pagtataguyod din sa ating kinabukasan. Halinaโ€™t gamitin natin ang sariling wika upang sumabay sa pag-ikot ng modernong daigdig!

Mabuhay ang Wikang Filipino! (๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ก๐™™๐™–๐™ฃ ๐™‹๐™„๐™Š/๐™†๐™‡๐˜พ๐™ก๐™–๐™ช๐™ฃ๐™–)

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป:

Almario, V. S. (2014). Madalas itanong hinggil sa wikang pambansa. Komisyon sa Wikang Filipino.

Republic of the Philippines. (1955, September 23). Proclamation No. 186, s. 1955: Modifying Proclamation No. 12 dated March 26, 1954, by transferring the celebration of National Language Week from March 29-April 4 to August 13-19 of every year. Official Gazette of the Republic of the Philippines.

Republic of the Philippines. (1997, July 15). Proclamation No. 1041, s. 1997: Declaring the annual observance of the National Language Month (Buwan ng Wikang Pambansa) on August 1-31. Official Gazette of the Republic of the Philippines.

Tupas, R. (2015). Inequalities of multilingualism: Challenges to mother tongue-based multilingual education. Language and Education, 29(2), 112-124.


Address

2nd Floor, Public Information Office, Mangaldan Municipal Hall, Rizal Avenue
Mangaldan
2432

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Information Office - Mangaldan, Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share