01/09/2026
๐๐๐๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ง ๐ก๐ ๐๐ก๐ง๐๐ฆ, ๐ฆ๐จ๐ฆ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ข ๐๐จ๐๐๐ฆ, ๐ฆ๐๐ง๐ฌ๐๐ ๐๐ฅ๐ ๐ฎ, ๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐ก๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฆ๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ข๐ก ๐๐จ๐๐ข๐ง ๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐๐ง ๐๐ง ๐ฃ๐๐ง๐จ๐๐ข๐ฌ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐จ๐๐๐ฅ; ๐ง๐ฅ๐๐๐๐๐ข ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐ข๐๐ฌ๐๐ฅ๐ก๐ข ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ก, ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ pa rin ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Mangaldan bukas, Miyerkules, Setyembre 2, 2026. Manunumbalik naman ang operasyon sa lahat ng tanggapan ng gobyerno upang magbigay-daan sa serbisyong publiko, alinsunod sa Executive Order No. 2026-064, na nilagdaan ni Mayor Bona Fe De Vera - Parayno.
Isinagawa ang nasabing pagsususpinde ng klase, batay sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), dahil sa nakataas na Yellow Rainfall Advisory o malakas na buhos ng ulan dulot pa rin ng Southwest Monsoon o habagat.
Bahagya na ring mararamdaman ang epekto ng Tropical Storm Pilandok na huling namataan sa East of Extreme Northern Luzon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa kabila ng suspensyon ng face-to-face classes, hinikayat ng lokal na pamahalaan ang lahat ng pamunuan ng paaralan na ipatupad ang mga naaangkop na Alternative Learning Modality (ALM) upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga estudyante sa ligtas na paraan.
Pinapayuhan ang mga residenteng naninirahan sa mga mababang lugar at mga lugar na madaling bahain o gumuho ang lupa na maging mapagmatyag at, kung kinakailangan, maghanda sa agarang paglikas sa mas ligtas na lugar alinsunod sa abiso ng mga awtoridad.
Hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsiyo mula sa Public Information Office - Mangaldan, Pangasinan at iba pang kinikilalang ahensiya ng pamahalaan para sa mga pinakahuling update tungkol sa lagay ng panahon at iba pang kaugnay na impormasyon.
๐ฝ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ก๐๐ก๐, ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ ๐๐ฎ๐๐ฉ ๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ๐ข๐ค๐ฃ๐ ๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ค๐ฅ๐๐จ๐ฎ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ช๐ฃ๐จ๐๐ฎ๐ค ๐จ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ ๐ฃ๐ ๐ก๐๐ง๐๐ฌ๐๐ฃ ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ช๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฉ๐๐ฎ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ค๐ง๐ข๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐๐ฉ ๐ข๐๐๐ฌ๐๐จ๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ก๐๐๐๐ฃ๐๐ฅ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ค๐ง๐ข๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ค ๐๐๐ ๐ ๐ฃ๐๐ฌ๐จ.
(๐ด๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐ท๐ฐ๐ถ/๐๐๐ฏ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฎ๐ฟ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป)