25/08/2026
๐๐๐๐-๐ง๐ข-๐๐๐๐ ๐๐๐๐ฆ๐ฆ๐๐ฆ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ง ๐ก๐ ๐๐ก๐ง๐๐ฆ ๐๐จ๐๐๐ฆ, ๐๐๐ข๐ฆ๐ง๐ข ๐ฎ๐ฒ, ๐ฆ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ก, ๐ ๐จ๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฆ ๐๐ก๐ ๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐ข๐ก๐ ๐ฆ๐จ๐ฆ๐ฃ๐๐ก๐ฆ๐๐ฌ๐ข๐ก ๐๐ง ๐๐๐ง๐๐ฅ๐ก๐๐ง๐๐ฉ๐ ๐๐๐๐ฅ๐ก๐๐ก๐ ๐ ๐ข๐๐๐๐๐ง๐๐๐ฆ!
๐ด๐จ๐ ๐ท๐จ๐บ๐ถ๐ฒ ๐ต๐จ ๐ฉ๐ผ๐ฒ๐จ๐บ, Agosto 26, 2026, sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Mangaldan, kasunod ng rekomendasyon ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno, chairperson ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).
Ang pagbabalik ng regular na klase ay kasunod ng halos tatlong linggong pagkaantala sa face-to-face classes, kabilang ang mga suspensiyon at pagpapatupad ng Alternative Learning Modalities (ALM), dahil sa mga pag-ulan, pagbaha at iba pang panganib na nakaapekto sa kaligtasan at pagpasok ng mga mag-aaral, g**o at school personnel.
Matapos ang sunod-sunod na pagsusuri sa sitwasyon, isinulong ni Mayor Bona ang pagpapatuloy ng klase ngayong nakikitang mas ligtas na ang kondisyon para sa pagbabalik ng mga mag-aaral sa kanilang mga paaralan.
Bagamaโt balik-eskuwela na bukas, patuloy na hinihikayat ang mga magulang, mag-aaral at mga kawani ng paaralan na manatiling mapagmatyag sa lagay ng panahon at agad na sumunod sa anumang abiso o safety protocols ng paaralan at lokal na pamahalaan.
Mahalaga rin ang pagbabalik ng regular na klase upang mabawi ang naantalang learning activities at maipagpatuloy ang mga aralin matapos ang ilang linggong paggamit ng alternatibong paraan ng pagkatuto.
Samantala, patuloy na nakaantabay ang mga kaukulang tanggapan ng LGU Mangaldan, partikular ang mga disaster response, health, emergency at quick response teams, para sa anumang sitwasyong maaaring makaapekto sa kaligtasan ng publiko.
Sa loob ng tatlong linggong pagkaantala, naging pangunahing konsiderasyon ni Mayor Bona ang kaligtasan ng mga mag-aaral at school personnel, lalo na sa mga panahong hindi ligtas ang kondisyon ng mga kalsada, paaralan at mga lugar na kanilang pinanggagalingan. (๐ด๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐ท๐ฐ๐ถ/๐ฒ๐ณ๐ช๐๐๐๐๐)