05/08/2026
Walang Pasok!!
๐๐๐๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ง ๐ก๐ ๐๐ก๐ง๐๐ฆ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ก, ๐ฆ๐จ๐ฆ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ข ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ก ๐๐จ๐๐๐ฆ ; ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ก, ๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ก, ๐ก๐๐๐๐ง๐๐๐ฆ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ง๐๐ช๐ฆ #๐ญ ๐๐ง ๐ข๐ฅ๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐ฉ๐ฌ ๐ฅ๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐ช๐๐ฅ๐ก๐๐ก๐ ๐๐ฌ๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐๐ข๐ฆ๐ง-๐ฃ๐๐๐๐ฆ๐
Kanselado pa rin ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Mangaldan bukas, Agosto 6, Huwebes, mula sa inilabas na Executive Order No. 2026-046, na nilagdaan ni Mayor Bona Fe De Vera-Parayno.
Sa inilabas na Tropical Cyclone Bulletin No. 7 at Weather Advisory No. 16 ngayong 5:00pm ng DOST-PAGASA, nakataas pa rin ang Pangasinan kabilang ang Mangaldan sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 at Orange Heavy Rainfall Warning, dulot ng Tropical Storm Maymay at Southwest Monsoon (Habagat).
Isinagawa ang pagsuspinde ng klase batay sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang higit na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at iba pang kawani ng mga paaralan habang patuloy na minomonitor ang lagay ng panahon.
Sa kabila ng suspensyon ng face-to-face classes, hinikayat ng lokal na pamahalaan ang lahat ng pamunuan ng paaralan na ipatupad ang mga naaangkop na Alternative Modes of Learning (AML) upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga estudyante sa ligtas na paraan.
Samantala, mananatiling nakaalerto at naka-standby ang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan na may kaugnayan sa disaster response, emergency operations, health services, quick response teams, at iba pang essential services upang agarang makatugon sa anumang insidente na maaaring idulot ng masamang panahon.
Pinapayuhan din ang mga residenteng naninirahan sa mga mababang lugar at mga lugar na madaling bahain o gumuho ang lupa na maging mapagmatyag at, kung kinakailangan, maghanda sa agarang paglikas sa mas ligtas na lugar alinsunod sa abiso ng mga awtoridad.
Hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsiyo mula sa Public Information Office - Mangaldan, Pangasinan at iba pang kinikilalang ahensiya ng pamahalaan para sa mga pinakahuling update tungkol sa lagay ng panahon at iba pang kaugnay na impormasyon.
Bilang paalala, hinihikayat din ang lahat na ibahagi ang mismong link ng opisyal na anunsiyo sa halip na larawan lamang upang matiyak ang tamang pagpapakalat ng impormasyon at maiwasan ang paglaganap ng maling impormasyon o fake news.