23/08/2026
๐ช ๐บ๐จ๐ต๐ฎ๐ฎ๐ผ๐ต๐ฐ๐จ๐ต๐ฎ ๐ฒ๐จ๐ณ๐จ๐ฒ๐จ๐บ๐จ๐ต (๐บ๐ฒ) ๐ช๐ถ๐ด๐ด๐ผ๐ต๐ฐ๐ป๐ ๐ด๐ฐ๐ต๐ฐ ๐ฎ๐๐ด ๐ท๐น๐ถ๐ฑ๐ฌ๐ช๐ป
โ๐ณ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐, ๐ท๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.โ๐๏ธโโ๏ธ
Bilang bahagi ng ating Youth Sports Development & Fitness Program, hindi lamang natin layunin na palakasin ang talento ng ating Kabataan sa sports hangad din nating palakasin ang kanilang physical health, discipline, confidence, at overall well-being.
Sa pamamagitan ng SK Community Mini Gym, magkakaroon ang ating mga Kabataan ng lugar at basic gym equipment na maaari nilang gamitin upang maging aktibo, healthy, at physically fit. Naniniwala tayo na ang malusog na katawan ay mahalagang pundasyon para sa isang mas produktibo at mas magandang kinabukasan.
Bilang panimula, ang SK Quetegan ay nakapag-purchase na ng ilang kagamitan para sa ating mini gym. Ngunit ito ay simula pa lamang.
Kami ay open sa donations, sponsorships, at anumang suporta mula sa ating mga kabarangay, parents, private individuals, organizations, at stakeholders na nais maging bahagi ng proyektong ito. Anumang tulong malaki man o maliit ay malaking ambag sa pagbuo ng isang mas kumpleto at mas kapaki-pakinabang na community gym para sa Kabataan.
Naniniwala kami sa SK Quetegan na bawat malaking pangarap ay nagsisimula sa maliit na hakbang. At ang pinakamahalaga, ang proyektong ito ay nagsimula dahil nakikinig tayo sa pangangailangan at kagustuhan ng ating Kabataan.
Ito ay hindi lamang gym.
Ito ay espasyo para sa kalusugan, disiplina, pangarap, at pagkakaisa.
Sama-sama nating palakasin ang katawan, isip, at pangarap ng ating Kabataan. Dahil ang malakas na Kabataan ngayon ay matatag na henerasyon ng kinabukasan.
Lakas ng Kabataan. Lakas ng Komunidad. Lakas ng Kinabukasan.